
Mahabang Pagsusulit sa Pamamahayag
Quiz by Lyka Joy Anthony
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay isang publikasyon na maaaring nakamimyograp o inilimbag.
Tinataglay ang bilang ng pahina, pangalan ng pahayagan, at ang petsa ng paglimbag.
Magkatulad ang anyo ng balitang tuwiran at ng balitang pampalakasan.
Hindi kailangan ang kaalaman sa midyum at sa balarila sa pagsulat ng balitang pampalakasan.
Ang sports reporter ay maaari ring isang nagbubunying nanonood sa nagaganap na palaro.
Kaysa gumamit ng opinyon lalong tumpak kung hayaan ng reporter na ang mga pangyayari ang maglalarawan ng aksyon.
Ang isang tungkulin ng sports writer ay ang pag-anunsyo sa promoter ng palaro o ng isang kompanya sa kanyang mga balita at mga lathalain.
Pinahihintulutang gumamit ng kulay at lathalaing nakapupukaw damdamin sa balitang pampalakasan.
Dapat maging isang insayklopedia ng nakaraang mga palaro ang isang sports reporter.
Hindi kailangan na ang isang sports writer ay marunong maglaro sa isang larong kanyang isinusulat ang mahalaga ay angkanyang kaalaman sa mga tuntunin at ang paraan ng paglalaro.
Karapat-dapat na ang isang sports writer ay dalubhasa sa lenggwahe at isports.
ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang
Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot
Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy
Ang Tuwirang Balita ay diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o kabuurang pamatnubay.
Ang pabalitang lathalain ay hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
Ulo ng pinakamahalagang balita na nagtataglay ng pinakamalaking titik at pinakaitim na tipo.
Ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakita ang kahalagahan.
Tanging pangalan sa bandereta na nasa itaas ng pangalan ng pahayagan (nameplate) na pumapayong sa lahat.
Bawat pahayagan ay may takdang sukat ng kolum.
Ang Baligtad na piramide o tagilo (inverted pyramid) ay binubuo ng dalawa o higit pang linya na paikli nang paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling linya ay nakasentro.
Ang Kroslayn o Barlayn (crossline or barline) ay binubuo ng isang linya lamang na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong kolum.
Ang ulo ng balita ay ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa sa teksto o katawan nito.
Sa balitang pampalakasan, nagtataglay ito ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos at paglalaban.
Pag-aralang mabuti ang mga tuntunin,paraan, pag-iiskor at estratehiya ng laro.
Pumili ng isang magandang puwesto nang hindi makaligtaan ang mga tampok na pangyayari. Tandaan na ikaw ay isang repoter at hindi isang tagahanga na pumapalakpak.
Itala ang mga kapanapanabik, mahahalaga at di-inaasahang pangyayari. Talasan ang paningin sa mga mahahalagang laro at nakatutuwang pangyayari.
Kunin ang inside story tulad ng dahilan ng kanilang pagwawagi o pagkatalo.
Ang isang sports writer ay may kakayahang sumulat ng balita sa paraang kasimbilis ng larong naganap.