Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

     Si Andy ay may minamanehong jeep at masasabingbeterano na sa larangan ng pagmamaneho. Dahil sa uri ng kanyang trabaho ay hindi naiwasang maranasan ang isang aksidente na nagdala sa kanya sa bingit ngkamatayan at pagkaputol ng kanyang kanang paa. Ano ang dapat na maramdaman ni Andy sa kasalukuyan niyang kalagayan?

    Maawasa kanyang abang kalagayan

    Magagalit sa mga taong kasangkot sa nasabing aksidente

    Matatakot dahil nawalan siya ng isang mahalagang parte ng kanyang katawan at maaring hindi na siya makapag-maneho

     Magpapasalamat sa biyaya ng panibagong buhayna kaloob ng Diyos

    300s
  • Q2

    Masayang-masaya si Francine dahil sa balitang isang ganap na abogado si Romiel, ang dating batang lansangan na kanyang tinulungan upang makapagpatuloy ng pag-aaral. Ang pangungusap ay ________________________.

    tama, dahil alam ni Francine na sa kaibuturan ng kanyang puso ay nakagawa sya ngkabutihan sa kanyang kapwa.

    mali, sapagkat hindi naman siya ang makikinabang sa pagiging abogado ni Romiel

    tama, dahil nagbunga ng mabuti ang pagsisikap ni Romiel

    mali, sapagkat ang perang dapat na itinulong niya kay Romiel  ay inipon niya na lamang upang may makuha siya sa oras ng kanyang pangangailangan

    300s
  • Q3

    Sa pagsasabuhay ng pagiging mapagpasalamat, alinsa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nararapat.

    Dumami ang kaibigan ni Raquel dahil sa mabuting pakikisama niya sa mga ito

    Masayang-masaya si Andre dahil sa pagkakataong kinuha siyang maging panauhing pandangal ng paaralang kanyang pinanggalingan

    Ipinambiling make-up ni Danica ang perang tulong na pambili ng gamot para sa kanyang inang maysakit.

    Nagampanan mo ang pagiging isang mabuting tao dahil sa pagkakaroon ng katahimikan ng isip dahil sa nagawa mong kabutihan

    300s
  • Q4

     Alin sa  mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa entitlement mentality?

    Tinanggap ni Mira ang parangal bilang isang mahusay na lider sa kanilang paaralan at lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga ka-grupo dahil sa kanilang tulong at suporta sa kaniya

    Binigyan ng mamahaling regalo si Kristine ng kaniyang kapatid ngunit pagtapos niyang tanggapin ang regalo ay wala siyang sinabi at umalis siya bigla ng walang paalam

    Sa matiyagang pag-alalay ni Kier sa pagpapaintindi ng nilalaman ng mga modyuls ng kanyang bunsong kapatid ay niregaluhan siya ng t-shirt ng kanyang nanay

    Napaiyak sa sama ng loob si Annie ng malaman niya na hindi siya nakasama sa mga dapat maparangalan sa klase

    300s
  • Q5

    Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng pasasalamat?

    Si Marie na patuloy ang pag-aaral at pagsasaliksik kung papaano makakatulong sakapwa

    Pag-obserbasa ginagawa ng mga matatanda na nakakakanlong sa loob ng bahay-ampunan

    Mulasa ipon nakabili si Adelita ng limang daang (500) pirasong pandesal at kanya itong inilagay sa papel na supot at ipinamigay sa mga kapitbahay na nasa ilalim pa ng lockdown

    Patuloy ang pag-iipon ng magkakaibigang guro na sina Kristin, Chinnie at Mavic para sa plano nilang pagbubuo ng isang libreng Day Care Center upang makatulong sa mga batang kapus-palad

    300s
  • Q6

    Ayon kay _________________, “Ang pinakamabutingugali ng isang tao ay ang pagiging mapagpasalamat.”

    Sto.Tomas de Aquino

    Fr. Jerry Orbos

    Jacques Maritain

    Dr. Manuel Dy

    300s
  • Q7

    Ayon sa mga turo, ang birtud ng pasasalamat ay dapat na unang nakikita o nararanasan sa?

    barangay

    tahanan

    paaralan

    kapitbahay

    300s
  • Q8

    Ang taong mapagpasalamat ay kakikitaan ng mga sumusunod maliban sa?

    Pagiging matulungin sa mga nangangailangan

    Palagiang pagsilay ng ngiti sa labi

    Pagsasabi ng pasasalamat sa mga taong nagawan siya ng kabutihan.

    Mainitin ang ulo at akala mo ay pasan niya ang bigat ng mundo

    300s
  • Q9

    Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapakita nang pasasalamat sa loob ng paaralan maliban sa:

    pagpuna sa kamalian ng kaklase

    pagbigay ng munting regalo sa kaibigan 

    pagpapasalamat sa guard na nakapulot ng iyong pitaka sa labas ng paaralan

    hatian ng baong sandwich ang kaklaseng nagugutom

    300s
  • Q10

     Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.

    paggalang

    entitlement mentality 

    pasasalamat

    pagpapahalaga

    300s

Teachers give this quiz to your class