Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821.
Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina
Aquino. Noong kabataan niya ay madalas siyang maimbitahan sa
kanilang parokya upang umawit lalung-lalo na sa mga araw ng
pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santakrusan. Kahit
na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi
naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang
tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.