placeholder image to represent content

Maikling Pagsusulit sa Filipino 7 (Ibong Adarna)

Quiz by Jenzel Cadapan

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Paano mo masasabing ang isang akda ay isang uri ng korido at ano ang mga katangiang dapat taglayin nito?

    Binubuo ng labindalawang pantig sa isang taludtod at apat na taludtos sa isang saknon.

    Ito ay inaaawit sa mabagal na himig o mas kilalang tawag sa Andante.

    Mga normal na mga hari at reyna lamang ang namumuno at tatlong prinsipeng magigiting at makikisig.

    Palaging nag-uumpisa sa isang panalagngin at pumapaksa sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.

    30s
  • Q2

    Alin sa mga sumusunod ang tamang gamit ng salitang "LILO"?

    Si Haring Salermo ay nagpalilo ng kanyang wangis upang gawing palamuti sa palasyo.

    Si Lilo ay gumawa ng isang laruang kahoy.

    Si Don Juan ay nililo at pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid.

    Si Jane ay naglilo ng kanyang susuotin niyang damit para sa darating na pagdiriwang.

    30s
  • Q3

    Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe noong humarap sila sa panganib para sa ama?

    Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama.

    Kayabangan nila saangking lakas at kakisigan.

    Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari.

    Wagas ang pagmamahal nila sa kanilang magulang.

    30s
  • Q4

    Sa paanong paraan nagkasakit si Haring Fernando?

    May roong isang taong malaki ang galit sa kanya kaya siya ay inengkanto.

    Simula kabataan ni Haring Fernando ay may sakit na siya.

    Napanaginipan niya na binubugbog ang bunso niyang mahal.

    Napuruhan sa isang digmaan.

    30s
  • Q5

    Bakit binigyan ng Ermitanyo si Don Juan nanag labaha at dayap?

    Panlaban sa antok kapag umaawit ang Adarna

    Panghuli ni Don Juan ng hayop na kaniyang kakainin upang may lakas siya bago hulihin ang Adarna.

    Proteksyon niya sa kanyang sarili kung sakali mang may gumawa sa kanya ng masama

    Gagamitin niya upang sugatan at mahuli ang Adarna.

    30s
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Korido?

    Question Image

    III at I

    I at IV

    II at III

    I at II

    30s
  • Q7

    Ano ang pangalan ng punongkahoy na kumikinang sa ganda ng mga dahon nito?

    Piedras Platas

    Piedras Platos

    Piedras Platis

    Piedras Plates

    30s
  • Q8

    Ano ang ginamit ni Don Juan sa paglalakbay upang hanapin ang matatalos sa sakit ng hari?

    gumamit ng kabayo sa paglalakbay papuntang bundok Tabor

    gumamit ng kabayo sa paghahanap sa lunas sa sakit ng hari

    sumakay sa Olikornyo para ihatid sa bundok Tabor

    hindi gumamit ng kabayo

    30s
  • Q9

    Bakit naisip ni Don Pedro na saktan at iwanang halos patay na si Don Juan sa kagubatan?

    Upang magpasikat sa Berbanya

    Upang masolo ang pagiging hari ng Berbanya

    Upang mapagbintangan si Don Diego

    Upang magpabida sa amang hari

    30s
  • Q10

    Bakit hindi kaagad umawit ang Ibong Adarna nang ito ay maiuwi nina Don Pedro at Don Diego?

    Dahil paos ang Ibong Adarna

    Dahil sa gabi lang siya umaawit

    Dahil wala pa sa Berbanya ang tunay na nagmamay-ari sa kanya

    Dahil sa puno lamang umaawit ang Ibong Adarna

    30s
  • Q11

    Nakakita ang prinsipe ng isang punong may mga dahong kumikinang na tila mga dyamante kapag nasisinagan ng araw.

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q12

    Labis na naibigan ni Don Pedro ang napakinggang awit ng Adarna.

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q13

    Nagkasakit si Haring Fernando dahil sa labis na pag-aalala sa bantang pagsalakay ng mga kalaban.

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q14

    Ang Ibong Adarna ay pitong beses umaawit at pitong beses ding nagbibihis.

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q15

    Naging bato si Don Pedro at Don Diego matapos mapatakan nang dumi ng Ibong Adarna.

    true
    false
    True or False
    30s

Teachers give this quiz to your class