placeholder image to represent content

Maikling Pagsusulit_Ikalawang Markahan_Fil.10

Quiz by cristy merlan

Grade 10
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang paghahambing sa mitolohiya ng Pilipinas at mitolohiyang Kanluranin?

    Ang mitolohiya ng Pilipinas at ng Kanluranin ay naglalaman ng pagsasalaysay sa pagkakalikha ng daigdig.

    Ang mitolohiyang Kanluranin lamang ang may tauhang diyos at diyosa.

    Walang sariling mitolohiya ang Pilipinas.

    Isinulat sa sinaunang panahon ang mitolohiya sa Pilipinas samantalang sa makabagong panahon naman naisulat ang mitolohiya sa Kanluranin.

    30s
    F10PU-IIa-b-73
  • Q2

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang katangiang taglay ng mitolohiya?

    Ipinaliliwanag sa mitolohiya ang pinagmulan ng isang bagay sa daigdig.

    Naglalaman ito ng karanasan ng mga diyos at diyosa sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.

    Naglalaman ito ng sariling pananaw ng sumulat tungkol sa napapanahong usapin.

    Ang mitolohiya ay pasaling-dila lamang noong sinaunang panahon.

    30s
    F10PU-IIa-b-73
  • Q3

    Anong salita ang maaaring maisama sa larawan upang magkaroon ito ng panibagong kahulugan?

    Question Image

    parihaba

    kapus

    malapad

    hawak

    30s
    F10PT-IIa-b-71
  • Q4

    Ano ang magiging kahulugan ng salitang ningas + kugon kapag pinagsama?

    nagniningas sa kasipagan

    nagningas ang kugon

    wala sa nabanggit

    sa una lamang masipag o masigasig

    30s
    F10PT-IIa-b-71
  • Q5

    Ayusin ang pinaghalong letra upang mabuo ang hinihinging salita.

    scrambled://Bathala

    30s
  • Q6

    Ibigay ang kinakailangang salita upang makumpleto ang paghahambing sa mitolohiya ng Kanluraning bansa at Pilipinas.

    Kapuwa naglalaman ng mga pangyayaring _________ ang mga mitolohiya sa Kanluraning bansa at sa Pilipinas.

    di-makatotohanan

    pagkakalikha

    tauhan

    kultura

    30s
    F10PB-IIa-b-75
  • Q7

    Kung sa Kanluran ay may Diyos na si Odin, sa Pilipinas ay kinikilala si ________

    Adlaw

    Bugan

    Bathala

    Diwata

    30s
    F10PB-IIa-b-75
  • Q8

    Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangunahing elemento ng kultura?

    Question Image
    Answer Image
    Answer Image
    Answer Image
    Answer Image
    30s
    F10PU-IIa-b-73
  • Q9

    Ito ay mga asal, gawi, o kilos na nagiging pamantayan ng isang indibidwal kung paano siya gagalaw sa lipunan.

    Pagpapahalaga (Values)

    Paniniwala (Beliefs)

    Kaugalian (Norms)

    Simbolo (Symbols)

    30s
    F10PU-IIa-b-73
  • Q10

    Nagkakaiba-iba ang mitolohiya mula sa Kanluran at Pilipinas dahil magkaiba ang _________ kinagisnan nila.

    kilos o gawi

    pagkakalikha

    kultura

    tauhan

    30s
    F10PU-IIa-b-73

Teachers give this quiz to your class