placeholder image to represent content

Matatalinhagang Salita (Idyoma o Sawikain, Konotasyon at Denotasyon)

Quiz by Ms. Kem Franche

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    "Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto."

    ina

    tatay

    lola

    ate

    20s
  • Q2

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    "Bakit ba nabahag ang buntot mo nang magdilim ang paligid? May multo ba?"

    natakot

    naiyak

    natuwa

    nagalit

    20s
  • Q3

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    "Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan."

    taos-puso

    hindi totoo

    pakitang tao

    masaya

    20s
  • Q4

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    "Huwag mong ibaon sa hukay ang ating pinagsamahan."

    huwag kalimutan

    huwag itago

    huwag ilagay sa lupa

    huwag isipin

    20s
  • Q5

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    "Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay."

    masisipag

    pagod sa trabaho

    mahilig sa manok

    konti lang ang kinikita

    20s
  • Q6

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    "Ang action star na si Coco Martin ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang mga ginagawa niyang sa palikula."

    matapang

    napakabilis

    magaling sumuntok

    matipuno

    20s
  • Q7

    Piliin ang wastong kahulugan para sa  Idyoma/ Sawikaing nakalahad.

    " Kapit-tuko ang batang iyon sa kanyang ina sa unang araw ng klase."

    nakatali 

    mukhang tuko

    humawak ng tuko

    mahigpit ang hawak

    20s
  • Q8

    Piliin ang wastong Konotasyong kahulugan ng salita.

    " Ingatan mong magtiwala sa iba baka makakilala ka ng buwaya."

    sakim na tao

    matapang na tao

    nangangain ng tao

    mukhang buwaya

    20s
  • Q9

    Piliin ang wastong Denotasyong kahulugan ng salita.

    " Isang magandang katangian ng estudyante ang nagsusunog ng kilay sa pag-aaral."

    naghihirap

    nag-aaral nang mabuti

    pinapainit ang kilay

    sinusuklay ang kilay

    20s
  • Q10

    Piliin ang wastong Konotasyong kahulugan ng salita.

    " Mag-ingat ka maraming ahas sa kagubatan."

    uri ng hayop

    alaga

    pasaway

    hindi mapagkakatiwalaan

    20s

Teachers give this quiz to your class