Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
16 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang tawag sa taong nag-aaral ng wika?
    siyentipiko
    dalubwika
    wikahasa
    dalubhasa
    30s
  • Q2
    Sinong dalubwika ang nagsabi na ang wika ay "Ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang maging salita?"
    Henry Sweet
    Henry Gleason Jr.
    Ferdinand de Saussure
    Bro. Andrew Gonzales
    30s
  • Q3
    Alin sa sumusunod na sektor ng lipunan ang hindi itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika?
    relihiyon
    pamilya
    edukasyon
    ekonomiya
    30s
  • Q4
    Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kabuluhan ng wika?
    Kinawayan ni Harold ang kaibigang nakita sa mall.
    Sinabi ni Anton kay Thea na nagustuhan niya ang niluto nitong tinolang manok.
    Tumango si Mr. Perez bilang pagsang-ayon sa panukala ni Alfred.
    Inirapan ni Rose ang nakaaway na kaklase.
    30s
  • Q5
    Ano ang tawag sa sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit pang penomenon ay nagkakaugnay sa bawat isa?
    kuwento
    hypothesis
    alamat
    teorya
    30s
  • Q6
    Alin sa sumusunod na teorya ang nagsasabing nabuo ang wika batay sa onomatopeia?
    Pentecostes
    Ding-dong
    Pooh-pooh
    Bow-wow
    30s
  • Q7
    Alin sa sumusunod ang hindi kongkretong halimbawa ng Teoryang Bow-wow?
    tunog ng relo/orasan
    tunog ng kulog
    ingay na nalilikha ng lagasgas ng tubig sa ilog
    tunog ng pagpatak ng ulan
    30s
  • Q8
    Ibigay ang angkop na pagkakatulad sang-ayon sa unang nakasaad na analohiya: Boom ganda! (Tagalog Rizal): Teoryang Pooh-Pooh Bangui, ritwal ng mga Mangyan. (Mangyan Iplaongan) : ______
    Ta-ra-ra-boom-de-ay
    Ding-dong
    Bow-wow
    Yo-he-ho
    30s
  • Q9
    Sinong dalubwika ang nagsabi na ang wika ay may limang kalikasan?
    Virgilio Almario
    Henry Sweet
    Ferdinand de Saussure
    Henry Gleason Jr.
    30s
  • Q10
    Anong kalikasan ng wika ang nagsasabing ang wika ay may sinusundang estruktura batay sa gramatika o balarila?
    Ang wika ay masistemang balangkas.
    Ang wika ay bahagi ng kultura.
    Ang wika ay sinasalitang tunog.
    Ang wika ay arbitraryo.
    30s
  • Q11
    Bakit nagbabago ang kahulugan ng salita sa isang wika?
    Nagbabago ang paggamit nito batay sa espasyo, kausap, at pinasukang paaralan.
    Nagbabago ang paggamit nito batay sa kagustuhan, kawilihan, at inaasal.
    Nagbabago ang paggamit nito batay sa panahon, konteksto, at nagsasalita.
    Nagbabago ang paggamit nito batay sa kasarian, paboritong wika, at kinawiwilihang kausap.
    30s
  • Q12
    Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang wika ay masistemang balangkas?
    Pakpak bumuka ang aking.
    Bumili ako ng mantika sa tindahan.
    Ang tigre ay kumanta.
    Ako tahol.
    30s
  • Q13
    Ano ang antas ng wika?
    lebel ng wika na angkop gamitin sa iba't ibang sitwasyon o layunin
    uri ng wikang gagamitin sa iba't ibang edad
    uri ng wikang gagamitin sa iba't ibang bansa
    lebel ng wika na gagamitin sa iba't ibang relihiyon
    30s
  • Q14
    Alin sa sumusunod ang nasa antas na panlalawigan?
    lapang
    bigas
    erpat
    baduy
    30s
  • Q15
    Anong antas ng wika kabilang ang sumusunod na salita? Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan
    pampanitikan
    pambansa
    balbal
    kolokyal
    30s

Teachers give this quiz to your class