
MGA KONSEPTONG PANGWIKA Jul 28
Quiz by Elyria Veneracion
Grade 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Philippines Curriculum: SHS Core Subjects (MELC)
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
With a free account, teachers can
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
20 questions
Show answers
- Q1Ano ang itinuturing na pinakamahalagang imbensyon/likha ng tao?wikaapoycellphonekompyuter30sF11PT – Ia – 85
- Q2Ang bigas ay lubhang mahalaga sa ating paraan ng pamumuhay kung kaya’t maraming baryasyon ang salitang ito tulad ng kanin, lugaw, suman, biko at iba pa. Sa kabilang banda, ang ice ay mayroon lamang dalawang panumbas sa ating wika na may tiyak na konseptong tinutukoy: yelo at nyebe. Anong katangian ng wika ang nagpapaliwanag ng penomenong ito?Ang wika ay dinamiko.Ang wika ay nakabatay sa kultura.Ang wika ay intrumento ng komunikasyon.Ang wika ay masistema.30sF11PT – Ia – 85
- Q3Sa papaanong pamamaraan mo mapapangatwiranan na kinakailangang magbago ang paraan ng pakikipag-usap at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon ng pakikipag-usap?Dahil ang pakikipag-usap ay dapat masaya.Dahil ang komunikasyon ay may proseso.Dinamiko ang proseso ng komunikasyon dahil dinamiko rin ang wikang ginagamit.Dahil magkaiba ang wikang ginagamit ng nag-uusap.30sF11PT – Ia – 85
- Q4Anong halaga ng wika ang nasasalamin ng larawan?Ito ang pangunahing instrumento ng komunikasyon.Lumilinang ng malikhaing kaisipan.Ito ay nag-iimbak ng kaalaman.Nagbubuklod ng isang bansa.30sF11PT – Ia – 85
- Q5Anong katangian ng wika ang masasalamin sa kasalukuyang penomenon kaugnay ng wika at paggamit nito, halimbawa sa mass media at social media?Ang wika ay dinamiko.Ang wika ay kompleks.Ang wika ay may tunog at kahulugan.Ang wika ay masistema.30sF11PN – Ia – 86
- Q6Sa bawat pagbabalita ng mga mamamahayag, sa radyo man o telebisyon, makikitang maingat na binubuo nila ang kanilang mga pahayag. Ano ang ipinahihiwatig nito?Lumilinang ng malikhaing kaisipan ang wika.Ang wika ay imbakan ng kaalaman.Ang wika ay salamin ng kultura.Ang wika ay mahalagang instrumento ng komunikasyon.30sF11PN – Ia – 86
- Q7Anong katangian ng wika ang nasasalamin sa larawan?Ang wika ay lumilikha ng realidad.Ang wika lumilinang ng malikhaing kaisipan.Ang wika ay nagbubuklod ng bansa.Ang wika ay daluyan ng impormasyon.30sF11PN – Ia – 86
- Q8Sa mga panayam ng ating pangulo nang kakaupo pa lamang niya bilang presidente, mapapansin ang kakaibang pamamaraan niya ng pagsalita ng wikang Tagalog. Sa kasalukuyan, hindi na napapansin ang mga pekulyaridad ng kanyang pananalita. Anong katangian ng wika ang nasasalamin sa naturang sitwasyon?Ang wika ay masistema.Ang wika ay dinamiko.Ang wika ay masalimuot.Ang wika ay nakaugnay sa kultura.30sF11PN – Ia – 86
- Q9Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistiks bilang salik na nagdudulot ng baryasyon?Nag-uugat ang baryasyon ng wika sa pagkakaiba ng mga indibidwal bagama’t kabilang sa iisang lipunan.Sa isang lipunan, may pagkakatulad sa paggamit ng wika ang mga naninirahan na nakaayon sa kanilang paniniwala.Lahat ng tao sa iisang lipunan ay nagkakaisa tungo sa iisang layunin.Ang baryasyon ng wika ay nalilikha sa dimensyong heograpiko.30sF11PT – Ia – 85
- Q10Paano naipahayag sa paggamit ng wika na ang ispiker ay nabibilang sa isang partikular na larangan?Sinasabi niya kung ano ang kanyang trabaho para alam ng kausap.Sa kanyang piniling wika na gamitin.Sa mga piling salitang ginagamit na kakikitaan ng rehistro ng wika.Sa paraan ng kanyang pagsasalita na naipapamalas sa tono at diin.30sF11PN – Ia – 86
- Q11Sa tuwing naririnig natin ang mga taong kabilang sa ikatlong kasarian na nakikipag-usap sa kanilang kapwa, hindi lamang mga salita ang tila naiiba sa kanila kundi maging ang paraan ng pananalita. Anong makabuluhang pagpapangkat ng sosyolek ito maiuugnay?professionalismsecrecyexpressivenessetnolek30sF11PD – Ib – 86
- Q12Anong mga salik ang maaaring pagtuunan ng pansin upang matukoy ang idyolek ng isang tao?Paksang pinag-uusapanDictionWikang ginagamitekspresyon ng mukha30sF11PN – Ia – 86
- Q13Anong mabuting pamamaraan ang maaari mong maisagawa upang maunawaan ng isang tao ang konseptong hindi pamilyar sa kanya?Ipaliliwanag ko sa pamamagitan ng pagkontekstwalays sa kalagayan ng aking kausap.Ipaliliwanag ko at magtatanong kung naunawaan niya.Ipaliliwanag ko sa paraang komportable ako.Ipaliliwanag ko nang paulit-ulit hanggang maintindihan niya.30sF11PN – Ia – 86
- Q14Alin sa mga sumusunod na pangkat ng salita ang kakikitaan ng wastong hirarkiya ng antas ng wika, mula impormal tungo sa pormal?mama, ‘ma, inay, mother, inamader, mommy, ‘nay, ilaw ng tahanan, mamamudrakels, ‘nay, ina, ilaw ng tahanan, mamamudra, mama, inang, ilaw ng tahanan, ina30sF11PT – Ia – 85
- Q15Mayroon kayong bisitang buhat sa Maynila. Habang namamasyal, panay ang sabi niya na siya'y nalilibang. Nataranta ka at naghanap ng palikuran. Tinanong ka niya kung bakit tila ikaw ay natataranta. Ang sagot mo naman ay dahil siya ay nalilibang. Bigla siyang ngumiti ang nagsabing; Nakalilibang talaga sa Davao. Tiyak na babalik ako dito dahil maraming mapaglilibangan. Maya-maya ay binulungan ka ng isag kasama niyo na ang ibig ipakahulugan ng salitang libang sa Tagalog ay naaaliw o natutuwa. Doon mo lamang naalala na ang wika ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba dahil sa lokasyon. Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa sitwasyon?barayti ng wika dulot ng lokasyonbarayti ng wika dulot ng panlipunang salikindibidwal na estilo ng tao ng pananalitaestilo ng paggamit ng wika dulot ng pangkat etniko30sF11PD – Ib – 86