Loading...
Mga Popular na Babasahin Ang pahayagan na isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating kultura. Isa sa mga katibayan nito ay ang mga nagkalat na tabloid sa mga bangketa araw-araw. Bagama’t ang ilang mahahalagang balita ay makikita na sa telebisyon at maririnig na sa radio ay malakas pa rin ang hatak ng print media sa mga tao dahil sa katotohanang hindi naman naiuulat lahat ang mga balita sa TV at radio. Bukod dito, hangga’t naitatabi ang sipi ng pahayagan ay may epekto pa rin sa mga mambabasa ang mga nilalaman nito. Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ito ay nabibilang ding isang makulay at popular na babasahin na ang layunin ay magbigay aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng kulturang Pilipino. Ang magasin ay isang ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito. Hindi mawawala ang Liwayway kung ang pag-uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at mga nobela na naging instrumento upang umunlad ang kamalayan ng marami sa kulturang Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling kuwento. Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kinikilalang mga manunulat ng dagli ay sina Iñigo Ed. Regalado na may bansag na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana Lope K. Santos at Eros Atalia. Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip. Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli | Quizalize