Loading...

Mga Programang Pangkalusugan
Quiz by Anne Margaret Tabuzo
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Mga Programang Pan-edukasyon at Pangkalusugan
Pamilya ang pinakamaliit nay unit ng samahan sa isang bansa. Lahat tayo ay kasapi ng pamilya. Kung walang pamilyang magbubuklod ay walang bansang magtatagumpay. Pangunahing tungkulin ng pamilya ang hubugin ng mabuti ang kaisipan at pag-uugali ng bawat kasapi nito. Ang ama ang naghahanapbuhay para sa pamilya. Siya ay tinaguriang “haligi ng tahanan”. Ang ina naman ang tagapamahala ng tahanan. Tinagurian siyang “ilaw ng tahanan”. Ang mga anak ay tumutulong sa pag-unlad ng pamilya. PAARALAN Dito natuto ng maraming bagay ang bata. Ito ang institusyong may tungkuling linangin ang kakayahan 6 ng bawat bata. Dito ay binibigyan sila ng pagkakataon na mapabuti ang kanilang kakayahan, bukod sa pagsusulat, pagbabasa at pagbibilang. Ang punong-guro ang namamahala sa paaralan kasama ang mga guro na nagtuturo ng mga kasanayan at kaalamang dapat matutunan ng mag-aaral. Tungkulin din ng iba pang kasapi ng paaralan ang registrar, guidance counselor, kalihim, gwardiya, janitor ang magpatakbo ng paaralan. SIMBAHAN Ito ang samahang tumutulong sa mamamayan na ituro ang nararapat na pagsamba at pagsunod sa Diyos, pagmamahal sa sarili at sa kapwa maging anuman ang relihiyong kanilang kinabibilangan. Ang simbahang katoliko ang may pinakamaraming kasapi sa mga relihiyon sa Pilipinas. Ang Papa sa Vatican (Rome) ang pinakamataas na pinuno nito. Kasama niya ang mga kardinal at obispo bilang kanyang kinatawan sa buong mundo at mga pari sa kani-kanilang parokya. PAMAHALAAN Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga layunin ng bansa. Nagbibigay ito ng iba’t ibang paglilingkod tulad ng programang pang 7 edukasyon, pangkalusugan, pangkatahimikan sa pangunguna ng Pangulo, bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Ang pag-uugnayan ng mahahalagang samahan ng estado gaya ng pamilya, simbahan, paaralan at ng pamahalaan ay nagdadala sa isang bansa sa daan tungo sa pagsulong at pag-unlad. Pamayanang aking nais Malinis, payapa at tahimik. Mga bata’y masisigla Bawa’t pamilya’y magkakakilala
Mga Programang Pangkapaligiran ng Pamahalaan - Starter Quiz
AP 6-Mga Programang Ipinatupad ng iba't-ibang administrasyon mula 1946 -1972
2 tanong tungkol sa pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran
Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan.(F8PD-IIIe-f-31 ebalwasyon
Mga Programa ng Pamahalaan
Mga Programa ng Iba’t Ibang Pangulo sa Ikatlong Republika