Loading...

Mga Taong Nagbibigay ng Paglilingkod sa Komunidad
Quiz by Zenaida M. Laforteza
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
20. Ang unang yugto sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Plan ay tinatawag na ________. A. pagtugon sa sakuna B. paghahanda sa pagtugon C. pagsasaayos at pagbangon D. pagtataya ng panganib at paghahanda ANSWER: D 21. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng mamamayan. Ito ay nakapaloob sa _______. A. Philippine Disaster Risk Management B. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council C. Community Preparedness and Risk Management Approach D. Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach ANSWER: D 22. Bahagi ng rehabilitasyon at pagbawi mula sa kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga nasalanta ng kalamidad. B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad. C. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pamahalaan. D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot. ANSWER: B 23. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan? A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad. B. Ipinatawag ni Kapitan Capin ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo. C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan. D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad. ANSWER: B 24. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement o kolaborasyon sa pamayanan at iba pang katuwang na sektor? A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo. B. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mamamayan. C. Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan. D. Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor. ANSWER: D 25. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang PINAKAMABISA mong nararapat gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagdating ng iba’t ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan. C. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. ANSWER: A 26. Ang pinuno ng mga bansang kasapi ng organisasyon ay nagpupulong-pulong upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailangan. Anong anyo ng globalisasyon ang tinutukoy nito? A. ekonomiko B. kultural C. politikal D. teknolohikal ANSWER: C 27. Alin sa sumusunod ang buhay na manipestasyon ng globalisasyon? A. ekonomiko B. OFWs C. sosyo-kultural D. teknolohikal ANSWER: B 28. Ang brain drain ay tumutukoy sa mga propesyonal na manggagawa, samantalang ang brawn drain ay tumutukoy sa ___________. A. construction workers B. domestic workers C. overseas workers D. skilled workers ANSWER: A 29. Alin sa sumusunod ang negatibong epekto ng paglitaw ng maraming multinational companies at transnational companies? A. pagkakaloob ng hanapbuhay B. pagbaba ng presyo ng produkto C. pagdami ng produkto at serbisyo D. pagkalugi ng multinational companies at transnational companies ANSWER: D 30. “Ang globalisasyon ay laganap na noon pa man at naging mas malawak sa kasalukuyang panahon.” Ang mahihinuha natin sa pahayag na ito ay _______. A. ugnayan ng mga bansa sa daigdig na walang pagitan o hadlang B. suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa daigdig C. bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto, impormasyon at tao, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon D. isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig ANSWER: C 31. Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto ng globalisasyon? I. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. II. Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan tulad ng ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal. A. Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B. Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. C. Tama ang nilalaman ng una at mali ang ikalawang pahayag. D. Mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag. ANSWER: B 32. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon? A. pagbuti ng mga lokal na kompanya sa presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya B. pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya at paggalaw ng mga tao dulot ng migrasyon C. pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at pagdami ng mga taong walang trabaho dahil nalulugi ang maliliit na negosyo D. paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng materyales na ginagamit dito ANSWER: B 33. Alin sa mga sektor ng manggagawa ang madalas nakararanas ng pang-aabuso at hindi pantay na oportunidad sa pagtratrabaho? A. agrikultura B. industriya C. pamahalaan D. serbisyo ANSWER: A 34. Ano ang tawag sa anyo ng subcontracting kung saan ang mga subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho ng mga manggagawang ipinasok nila? A. iskemang subcontractor B. job mismatch C. job contracting D. labor-only contracting ANSWER: C 35. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa? Ito ay dahil_____ A. sa sistema ng kontraktuwalisasyon. B. puro regular na ang mga manggagawa. C. mataas na ang pasahod sa ating manggagawa. D. marami ang benepisyong natatanggap ng ating manggagawa. ANSWER: A 36. Bilang tugon sa suliraning nararanasan ng mga manggagawa, mayroon silang karapatang hindi dapat malabag upang masabi na sila ay may disente at marangal na hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng manggagawa? A. Karapatan sa pantay na suweldo para sa parehong trabaho. B. Karapatang sumali sa marahas at mapanganib na uri ng unyon. C. Karapatang maging ligtas at malayo sa panganib ang kalagayan ng pagtatrabaho. D. Karapatan na makatanggap ng sapat at karapat-dapat na suweldo para sa makataong pamumuhay. ANSWER: B 37. Halos mapudpod na ang sapatos ni Justin sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fairs na rin ang kaniyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito nangyayari kay Justin? A. Kulang pa ang kaniyang lakas ng loob. B. Kulang siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagugustuhan. C. Hindi kaaya-aya ang kaniyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya natatanggap sa trabaho. D. Biktima si Justin ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kaniyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya. ANSWER: D 38. Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), maraming job fairs noong 2010 ngunit kakaunti lamang ang mga natanggap na kalipikadong aplikante mula sa maraming bilang ng mga nag-apply. Alin ang HINDI angkop na dahilan nito? A. Ang mga aplikante ay hindi interesado sa mga trabaho sa bansa. B. Kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch ng mga aplikante sa bansa. C. May patuloy na mismatch sa kasanayan at kakayahan mula sa tinapos na kurso at sa hinihinging kalipikasyon ng mga employer. D. Maraming kurso sa higher education institutions sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa. ANSWER: A 39. Alin ang angkop na salita na tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaako na ng lalaki ang mga gawain sa tahanan dulot ng migrasyon? A. helper B. house boy C. house father D. house husband ANSWER: D 40. Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng migrante MALIBAN sa __________________. A. Commission of Filipino Overseas B. Philippine Overseas Labor Offices C. Department of Labor and Employment D. Department of Science and Technology ANSWER: D 41. Isang epekto ng migrasyon ay ang pagtanggap o pagpapadala ng mga lakas-paggawa sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng magandang benepisyo ng brain gain? A. Malaki ang posibilidad ng promotion ng manggagawa. B. Gastusin ng kompanya ang pagpapadala ng manggagawa sa ibang bansa. C. Maaaring magtrabaho sa ibang bansa ang empleadong ipinadala upang matuto. D. Magiging asset ang migranteng manggagawa sa nagpapadala at tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo. ANSWER: B 42. Matagal na naghanapbuhay si Ginoong Pascual sa Australia, kaya sa kaniyang pag-uwi sa pamilya ay hindi siya pinansin ng kaniyang mga anak at nagtago ang mga ito sa kuwarto. Ano ang iyong mahihinuha rito? A. Malaki ang takot ng mga anak sa kanilang ama. B. Walang pasalubong si Ginoong Pascual sa mga anak. C. Hindi kilala si Ginoong Pascual ng kaniyang mga anak. D. Nagkakahiyaan ang mag-aama sa kanilang pagkikita. ANSWER: C 43. Paano nakaaapekto ang pangingibang-bansa sa estado ng ekonomiya ng bansa? A. Madaragdagan ang populasyon ng bansa. B. Mapananatiling matatag ang palitan ng piso at dolyar. C. Mahihirapan ang mga Pilipino na makisama sa mga dayuhan. D. Mas maraming papasok sa bansa na mga imported na produkto. ANSWER: B 44. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang nakararanas ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa Saudi Arabia. Kung ikaw ang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang pinakamabisa mong gagawin upang matulungan at maprotektahan sila? A. Pababayaan sila hanggang matapos ang kanilang kontrata. B. Maglulunsad ng rally sa embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas. C. Hihingi ng tulong pinansiyal at pauuwiin ang mga manggagawa sa Saudi. D. Maglilikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at isusuplong ang mga amo sa kinauukulan. ANSWER: D 45. Alin sa sumusunod ang konseptong tumutukoy sa slavery? A. pang-aalipin B. sitwasyong payapa C. sapilitang pagtatrabaho D. pagpupuslit ng mga tao ANSWER: A 46. Kung ikaw ay opisyal ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipino? A. Pauuwiin ang lahat ng OFW at bibigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas. B. Pababayaan na lamang ang mga OFW dahil isolated cases lang naman ang mga ito. C. Ipauubaya na lamang ang mga gagawing aksiyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang mga OFW. D. Magtatatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at gagawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso. ANSWER: D 47. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong magawa upang masigurong makaaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon? A. Magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya. B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera. C. Magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho. D. Maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang yumaman. ANSWER: C 48. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng fair trade? A. Itinatakda ng mga bansa ang pamantayan ukol sa mga kakayahan ng mga manggagawa. B. Ang mayayamang bansa ay nagbibigay ng tulong sa pinakamahihirap na tao sa mundo lalo na sa Aprika at Asya. C. Sinisiguro ng mga bansa ang patas o pantay na kalakalan gaya ng pagbabantay sa tamang presyo ng mga produkto. D. Ang pamahalaan ay nakikialam sa kalakalang panlabas na may layong protektahan ang mga lokal na namumuhunan. ANSWER: C 49. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan? A. Makisimpatiya sa kanila. B. Bigyan sila ng sulat isa-isa. C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak. D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila. ANSWER: D 50. Sa Pilipinas ay marami ang nangangarap na mangibang-bansa dulot ng kahirapan sa buhay. Nangangamba naman ang mga ekonomista dahil naaapektuhan ng brain drain at brawn drain ang ekonomiya. Bilang ekonomista, ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang isyung ito? A. Pigilan ang mga nais mangibang-bansa. B. Hayaang umalis ang mga nais na magtrabaho sa ibang bansa. C. Bigyan ng suportang pinansiyal ang mamamayan na walang trabaho. D. Gumawa ng isang development plan na tutugon sa mga isyu ng migrasyon. ANSWER: D
Isa sa napakahalagang gamit ng mapa ay ang pagturo ng direksyon ng mga lugar. Kung tayo’y marunong gumamit ng mapa ay madali nating matutukoy o mararating ang mga lugar na nais nating puntahan. Mayroon ding paraan upang mapadali ang paggamit ng isang mapa ang mga kartograper o mga taong eksperto pagdating sa mapa ay gumagamit ng sagisag upang maipakita ang direksyon sa mapa. Ang sagisag ang kumakatawan sa mga bagay na iginuguhit at nais ipakita sa mapa samantalang ang pananda ang siyang nagbibigay paliwanag sa kahulugan ng mga sagisag. Ang ilan sa mga ginagamit nilang sagisag o simbolo ay ang mga larawan sa ibaba. Pananda Kabisera ng bansa Lungsod Bayan Ilog Riles ng Tren Lawa Hangganan __________ ____ ____ ____ Budok Mayroon din isang bagay na gumagamit upang malaman ang direksyon na iyong pupuntahan. Ito ay ag kompas. Sa pamamagitan nito mas mapapabilis ang iyong paghahanap ng isang lugar. Itinuturo nito kung nasaan ang direksyong norte o hilaga. May natural ding paraan kung paano mo malalaman kung saan direksyon ka naroon. Ito’y sa pamamagitan ng sikat ng araw. Sa silangan sumisikat ang araw. Kung nakaharap ka sa silangan, nasa likuran mo ang kanluran. Itaas mo ang dalawang kamay kapantay ng balikat. Nakaturo ang kanang kamay mo sa timog. Sa hilaga naman nakaturo ang iyong kaliwang kamay. (Larawan ng isang taong nakaharap sa araw at nakataas ang kamay kapantay ng balikat.) Hayan! Marahil marami ka nang nakuhang ideya sa mga nabasa mo pa lang sa una tungkol sa mga direksyon. Para mas mapalawak pa ang iyong kaalaman ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa ng modyul na ito. Halika’t umpisahan na natin. A. Pangunahing Direksyon Mayroon apat na pangunahing direksyon. Ito ay ang Hilaga, Timog, Kanluran at Silangan. Ang mga ito ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na direksyon o lokasyon ng isang bansa.
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Maraming magaganda at mabubuting ugali ang mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay namana pa natin sa ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga magagandang ugali na ating nakagisnan noon pa man. MAKA-DIYOS Tayong mga Pilipino noon pa man ay mayroon nang matibay na pananalig sa Diyos. Sa katunayan, bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling relihiyon. Hanggang sa dumating ang mga Kastila at matutuhan natin sa kanila ang relihiyong Kristyanismo na nagpakilala sa atin 17 ng paniniwala sa mga santo, santa at kay Kristo. Hindi tayo nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang ipinagkakaloob sa atin. Sa ngayon, iba-iba man ang paraan ng pagsamba at pananampalataya natin, nagkakaisa pa rin tayo sa aral at at turo ng relihiyon. Ikaw bilang isang mag-aaral, lagi ka bang nagsisimba o nagpupunta sa inyong bahay-dasalan? Madalas ka bang magdasal sa Diyos? PAGIGING MAGALANG Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging magalang. Ang kaugalian nating ito ay ipinakikita natin sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo o di kaya ng mga salitang ate, kuya, manong, manang, lolo at lola sa mga nakakatanda sa atin. Kinagigiliwan ang ganitong mga kaugalian lalo na sa mga bata. Sa inyong tahanan, tuwing ikaw ay nakikipag-usap sa iyong mga magulang o nakatatandang kapatid, gumagamit ka rin ba ng po at opo? MASIPAG at MATIYAGA Basta sa pagiging masipag at matiyiga, wala nang tatalo pa sa mga Pilipino! Sapagkat tayong mga Pilipino, kahit anong gawain ay kakayanin natin mapaunlad lamang ang ating kabuhayan. Matyiga 18 tayo sa lahat ng mga bagay na ginawa natin. Wika nga ng iba, kailangan ang ST (sipag at tyiga) upang tayo ay umunlad. MAGILIW NA PAGTANGGAP SA PANAUHIN Tayong mga Pilipino ay kilala rin na magiliw na tumatanggap ng ating mga panauhin lalo na kung ang mga ito ay ating mga kamag-anak na mula pa sa mga malalayong lugar. Tinitiyak natin na magiging kasiya-siya ang pagpunta nila sa ating tahanan kaya’t naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain at tinitiyak na sila’y masaya at komportable sa pagbisita sa atin. MATULUNGIN AT MAPAGMAHAL Mapagmahala at matulungin sa kapwa ang mga Pilipino. Matulungin tayong mga Pilipino lalo na kung panahon ng mga sakuna at kalamidad sa ating bansa, tumutulong sila sa mga nasalanta at naapektuhan. Nagbibigay sila ng mga donasyon, pagkain, damit, gamot at iba pa. Mapagmahal tayo dahil kahit ang kanilang buhay ay handa nilang ialay para sa ating bayan. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang ating mga bayani na magigiting. Pinatunayan nila na dakila ang kanilang pagmamahal sa Inang Bayan at sa kalayaan nito. 19 Ilan lamang ito sa mga katangi-tanging ugali ng mga Pilipino. Ikaw bilang isang mamamayang Pilipino, kaya mo bang gawin ang mga katangiang ito sa iyong sariling paraan? Anu-ano kaya ang pwede mong gawin upang maipakita ang mga magagandang ugali ng isang batang katulad mo? Maaari mong gawin ang mga ito:  Magdasal araw-araw  Maging matapat sa lahat ng bagay  Magaing magalang sa mga nakatatanda  Makinig sa pangaral ng magulang at guro  Mag-aral ng mabuti  Sumunod sa mga utos ng magulang  Huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos araw-araw
Narito ang 30 multiple choice questions in Tagalog para sa Araling Panlipunan – Grade 5, nakabatay sa sumusunod na mga paksa: 1. Pag-usbong ng Liberal na Ideya 2. Kilusang Propaganda 3. Katipunan at Himagsikan 4. Mga Kababaihan ng Katipunan --- Pag-usbong ng Liberal na Ideya (Items 1–8) 1. Ano ang layunin ng mga liberal na ideya noong panahon ng pananakop ng Espanyol? A. Magtayo ng bagong simbahan B. Palakasin ang kapangyarihan ng hari C. Bigyan ng karapatan at kalayaan ang mga mamamayan D. Magpalawak ng mga hacienda 2. Anong pangyayari sa Europa ang nagpalaganap ng liberal na ideya sa Pilipinas? A. Digmaang Pilipino-Amerikano B. Rebolusyong Pranses C. Pananakop ng Hapon D. Pagbagsak ng Maynila 3. Isa sa mga kaisipang liberal ay ang: A. Lahat ng utos ng pari ay absolute B. Ang edukasyon ay para lang sa mayayaman C. Ang pamahalaan ay dapat makatao at makatarungan D. Hindi na kailangan ng batas 4. Anong bansa ang naging inspirasyon ng mga Pilipino sa liberal na kaisipan? A. Tsina B. Amerika C. Pransiya D. India 5. Ano ang epekto ng liberal na ideya sa mga Pilipino? A. Nawalan sila ng interes sa kalayaan B. Natutong magtayo ng pabrika C. Naengganyo silang lumaban para sa karapatan D. Natutong magsalita ng Kastila 6. Paano pinalaganap ang liberal na ideya sa Pilipinas? A. Sa pamamagitan ng pananakop ng Hapon B. Sa pamamagitan ng mga aklat, pahayagan, at edukasyon C. Sa pamamagitan ng mga kastilang pari D. Sa pamamagitan ng pagtaas ng buwis 7. Sino ang unang nagpakilala ng liberal na pamumuno sa Pilipinas? A. Gobernador-Heneral Carlos Ma. de la Torre B. Heneral Luna C. Apolinario Mabini D. Emilio Aguinaldo 8. Ang liberal na pamumuno ay nagbibigay-diin sa: A. Digmaan at paghihiganti B. Paghihigpit sa edukasyon C. Kalayaan, karapatang pantao, at pagkakapantay-pantay D. Pag-aabuso sa kapangyarihan --- Kilusang Propaganda (Items 9–16) 9. Ano ang layunin ng Kilusang Propaganda? A. Pagtatayo ng Katipunan B. Paghihimagsik laban sa mga Amerikano C. ReporÂmang pampulitika at panlipunan D. Pagsakop sa mga lalawigan 10. Saan isinagawa ng mga propagandista ang kanilang kampanya? A. Pilipinas B. Hong Kong C. Espanya D. Amerika 11. Isa sa mga tanyag na kasapi ng Kilusang Propaganda: A. Emilio Aguinaldo B. Andres Bonifacio C. Jose Rizal D. Gregoria de Jesus 12. Ano ang pangalan ng pahayagan ng Kilusang Propaganda? A. Kalayaan B. La Solidaridad C. La Liga Filipina D. Ang Katipunan 13. Ano ang isinulat ni Marcelo H. del Pilar? A. Noli Me Tangere B. El Filibusterismo C. Dasalan at Tocsohan D. Mi Ultimo Adios 14. Ano ang layunin ng La Liga Filipina? A. Pagtatatag ng Katipunan B. Mapayapang pagbabago sa lipunan C. Magsagawa ng rebolusyon D. Maging bahagi ng gobyernong Espanyol 15. Bakit nabigo ang Kilusang Propaganda? A. Nawalan ng pera B. Pumatay sila ng mga prayle C. Hindi pinakinggan ng pamahalaang Espanyol D. Umalis ang mga kasapi 16. Ano ang naging epekto ng Kilusang Propaganda? A. Nawalan ng tiwala ang mga Pilipino B. Naudyok ang mga Pilipino sa armadong himagsikan C. Nagustuhan ng mga prayle ang mga Pilipino D. Nawalan ng edukasyon ang kabataan --- Katipunan at Himagsikan (Items 17–24) 17. Sino ang nagtatag ng Katipunan? A. Emilio Aguinaldo B. Apolinario Mabini C. Andres Bonifacio D. Gregorio del Pilar 18. Ano ang layunin ng Katipunan? A. Magbigay ng edukasyon B. Magpataw ng bagong buwis C. Palayain ang Pilipinas sa kamay ng Espanya D. Palawakin ang relihiyon 19. Anong taon itinatag ang Katipunan? A. 1896 B. 1889 C. 1892 D. 1901 20. Ano ang tawag sa lihim na pangalan ng Katipunan? A. KKK B. KKP C. AKK D. PPK 21. Ano ang naging sagisag ng Katipunan? A. Pulang bandila na may araw B. Itim na watawat C. Tatlong K sa gitna ng araw D. Watawat ng Espanya 22. Ano ang naging hudyat ng Himagsikan noong 1896? A. Pananakop ng Amerika B. Pagbitay kay Rizal C. Pagpunit ng sedula D. Pagkamatay ni Bonifacio 23. Sino ang pinalitan ni Aguinaldo bilang pinuno ng rebolusyon? A. Gregoria de Jesus B. Emilio Jacinto C. Andres Bonifacio D. Apolinario Mabini 24. Saan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas noong 1898? A. Cavite B. Malolos C. Biak-na-Bato D. Kawit --- Mga Kababaihan ng Katipunan (Items 25–30) 25. Ano ang tungkulin ng mga kababaihan sa Katipunan? A. Magluto lamang B. Maging tagapagbantay sa mga kasulatan C. Magtayo ng paaralan D. Magsilbing sundalo 26. Sino ang kilalang “Lakambini ng Katipunan”? A. Melchora Aquino B. Gregoria de Jesus C. Trinidad Tecson D. Gabriela Silang 27. Ano ang ginampanan ni Melchora Aquino? A. Pumirma ng tratado B. Nagpagamot sa mga rebolusyonaryo C. Sumulat ng tula D. Naging guro 28. Ano ang tawag kay Melchora Aquino? A. Ina ng Himagsikan B. Lakambini ng Katipunan C. Heneral ng Katipunan D. Guro ng Katipunan 29. Ano ang naging papel ng kababaihan sa pagpapalaganap ng Katipunan? A. Nagtago ng armas at dokumento B. Lumaban bilang mga heneral C. Nag-utos sa mga kalalakihan D. Naging gobernador 30. Ano ang ipinapakita ng paglahok ng kababaihan sa Katipunan? A. Mahinang pamahalaan B. Kakayahan ng kababaihan sa pakikibaka C. Ayaw nila sa edukasyon D. Umiwas sila sa gulo --- Kung gusto mo ng answer key o gawing printable worksheet ito, just let me know!
_____1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay? a. paglalaro c. pagtakas b. pagdarasal d. pagtatago _____2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo? a. maglaro sa simbahan b. kumuha ng gamit ng kamag-aral c. pagtawanan ang paniniwala ng iba d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba? a. pagdalo sa kanilang pagtitipon b. pagsang-ayon na may iisang Diyos c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba d. pakikinig sa kanilang aral _____4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a. pagsuway sa utos ng magulang b. pagmamalupit sa mga hayop c. pagkakalat ng basura d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan _____5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay? a. hindi papansinin ang nangyayari b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba c. manonood ng telebisyon d. magpapatugtog ng radio _____6.Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan? a. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila. b. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki. c. Ang lalaki ay naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga kabarangay. d. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan. _____7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay? a. Si Kim na naputulan ng mga paa na ayaw ng makipaglaro sa mga kaibigan. b. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang mag- aral. b. Si Dave na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang pamilya. c. Si Dona na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang solusyon sa mga problema. _____8. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya sa pag aaral. Malapit na ang inyong pagtatapos. Ano ang maaari mong maitulong sa kaibigan mo? a.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag aaral ang kaibigan. b.Kausapin ang magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang pag-aaral. c.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila. d.Kausapin ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang. _____9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon. b. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. c. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang. d. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. _____10 .Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag- aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a. Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. b. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola. c.Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi. d.Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola.
Sumulat ng quiz gamit ang mga sumusunod na tanong: 1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan? A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan 2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek? A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar. 3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito? A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon. B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas. D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan? A. masipag na lider B. masayahing lider C. malupit na pinuno D. makupad na pinuno 5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece? A. Athenian C. Mycenaean B. Minoan D. Spartan 6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan? A. pinalawig ang pagmimina sa lugar B. nagtatag ng mga arena upang kumita C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain 7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles? A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan. B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan. C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan. D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan. 8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician? A. paggamit ng mga aklat B. paggamit ng lapis at papel C. pagtatag ng mga paaralan D. paggamit ng kanilang alpabeto 9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae? A. Pagsakop ng mga Dorian B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar C. Pagkasira ng kanilang mga pananim D. Epidemya at maraming tao ang namatay 10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig? A. Asembleya C. Demokrasya B. Batas Militar D. Lungsod-Estado 11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan? A. Athens C. Parthenon B. Crete D. Sparta 12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa? A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece? A. karapatang bomoto B. magkaroon ng ari-arian C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan D. humawak ng posisyon sa pamahalaan 14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga mandirigma”? A. Athens C. Mycenae B. Corinth D. Sparta 15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece? A. Acropolis C. Arena B. Agora D. Polis
Gumawa ng quiz gamit ang mismong mga tanong: 1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan? A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan 2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek? A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar. 3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito? A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon. B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas. D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan? A. masipag na lider B. masayahing lider C. malupit na pinuno D. makupad na pinuno 5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece? A. Athenian C. Mycenaean B. Minoan D. Spartan 6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan? A. pinalawig ang pagmimina sa lugar B. nagtatag ng mga arena upang kumita C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain 7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles? A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan. B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan. C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan. D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan. 8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician? A. paggamit ng mga aklat B. paggamit ng lapis at papel C. pagtatag ng mga paaralan D. paggamit ng kanilang alpabeto 9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae? A. Pagsakop ng mga Dorian B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar C. Pagkasira ng kanilang mga pananim D. Epidemya at maraming tao ang namatay 10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig? A. Asembleya C. Demokrasya B. Batas Militar D. Lungsod-Estado 11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan? A. Athens C. Parthenon B. Crete D. Sparta 12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa? A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece? A. karapatang bomoto B. magkaroon ng ari-arian C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan D. humawak ng posisyon sa pamahalaan 14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga mandirigma”? A. Athens C. Mycenae B. Corinth D. Sparta 15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece? A. Acropolis C. Arena B. Agora D. Polis
QUIZ#1_Q3M1-2:Pagsagot sa mga Tanong/Pagbibigay ng Lagom o Buod