
Mia's Filipino Reviewer
Quiz by Rose Agito
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang panulaan o _____ ay isang uri ng sining at panitikang kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang mga anyo at estilo.
Lagyan ng tsek ang kahon kung ito ay kabilang sa mga Elemento ng Tula
Ito ay ang pagkakapareho ng tunog sa dulo ng bawat linya.
Ako’y guro, asawa, at ina.
Isang babae pupol ng pabango, pulbos, at seda,
Kaulayaw ng batya, kaldero, at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa.
Ito ay binubuo ng mga taludtod o linya.
Halimbawa:
Ako’y guro, asawa, at ina.
Isang babae pupol ng pabango, pulbos, at seda, (unang saknong)
Kaulayaw ng batya, kaldero, at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa.
Nasikap mangibang-lupa.
Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera,( ikalawang saknong)
Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.
Naghihintay siya ng kape at naninigarilyo
Ito ay isang (1)linya ng mga salita.
Halimbawa:
Ako’y guro, asawa, at ina. (unang taludtod)
Isang babae — pupol ng pabango, pulbos, at seda, (ikalawang taludtod)
Kaulayaw ng batya, kaldero, at kama. (ikatlong na taludtod)
Napagod yata ako’t nanghinawa. (ikaapat na taludtod)
Ito ay ang bilang ng pantig ng bawat taludtod.
Halimbawa:
Ako’y guro, asawa, at ina. 10 pantig
Isang babae — pupol ng pabango, pulbos, at seda, 16 pantig
Kaulayaw ng batya, kaldero, at kama 13 pantig
Napagod yata ako’t nanghinawa. 11 pantig
May sukat ba ang tula?
Ano ang mensahe ng tulang ito?
Halimbawa:
Masumpa sa walis, labada’t oyayi Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.
Iyo’t iyong din ang ruta ng araw-araw—
Kabagutang nakalatag sa kahabaan
Ng bahay at paaralan, Ng kusina’t higaan.
May karapatan ba akong magmukmok?
Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?
Ito ay ang kaisipang nais ibahagi ng persona.
Halimbawa:
Masumpa sa walis, labada’t oyayi Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.
Iyo’t iyong din ang ruta ng araw-araw—
Kabagutang nakalatag sa kahabaan
Ng bahay at paaralan, Ng kusina’t higaan.
May karapatan ba akong magmukmok?
Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?
Ano angdamdamin ng persona dito?
Halimbawa:
Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
Kahit ang pangrenta’y laging kulang.
Ako’y guro, asawa, at ina.
Isang babae— napapagal sa pagiging babae.
Sa iba ay tinatawag din itong tono. Ito ang damdaming nadama o natamo matapos mabasa ang tula. Ito ang damdaming nagmumula sa puso ng makata patungo sa mga bumabasa nito.
Halimbawa:
Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
Kahit ang pangrenta’y laging kulang.
Ako’y guro, asawa, at ina.
Isang babae— napapagal sa pagiging babae.
Ito ay mga simbolo o salitang masinop na pinipili ng makata. Ang paggamit ng tayutay at mabisang paglalarawan at nagbibigay talinghaga sa tula.
Ito ay ang kinakausap ng persona. Halimbawa: Umiiyak ako nung una, Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa Ito lamang ang sagot Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.
Ito ay ang nagsasalita o nagpapahayag ng kaniyang mensahe sa tula.
Halimbawa:
Ako’y guro, asawa, at ina.
Isang babae— pupol ng pabango, pulbos, at seda,
Kaulayaw ng batya, kaldero, at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa.