
Module 6-Mga Paraan Upang Mabawasan ang Epekto ng Kalamidad
Quiz by Helen I.Sobremonte
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ito ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo.
Isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng lumalapot ang basang hangin.
Ito rin ay tumutukoy sa nararanasang matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problemang pangkabuhayan lalo na ang mga bansang agrikultural.
Ang kabaliktaran ng El-Niño, lumalamig ang temperatura ng silangang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
Labis na pag–apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa.
Ang biglaang pagbaha na nararanasan sa ating bansa tulad ng malubhang pinsala tulad ng sanhi ng bagyong Ondoy noong 2019.
Ang pagguho ng lupa. Maari itong maganap kapag may malakas o tuluy – tuloy na pag–ulan sa mga matataas na lugar, pagputok ng bulkan o paglindol.
Ito ay isang biglaan, at mabilis na pag-uga ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon.
Ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire ay may malaking implikasyon sa mga tao o lugar na ito, likas na yaman, teritoryo.
Ito ay epekto ng nagaganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal na lebel ng pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.