placeholder image to represent content

Modyul 1: Ako Noon at Ngayon: Pagtuklas sa Aking Tunguhin

Quiz by Velia Angelica O. Rivero

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Si Isabel ay kasalukuyang nagsasanay (on the job training) bilang sekratarya sa isang opisina sa Quezon City. Dalawang buwan siyang kinakailangang magsanay upang matutuhan ang aktwal na gawain. Sa unang linggo ng kanyang pamamalagi dito, iba’t ibang gawi sa pagtatrabaho ang kanyang nakita. Paano makatutulong ang karanasang ito sa pagpapaunlad ng kakayahan ni Isabel?

    Makakapulot siya ng magagandang pamamaraan sa pagtatrabaho.

    Matututo siyang gumamit ng computer sa opisina

    Makikita niya ang kanyang kaibahan sa ibang empleyado

    Matututo siyang makisama sa kanyang mga kasamahan

    30s
  • Q2

    Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagtanggap ng constructive criticism ay mahalaga sapagkat:

    Iniiwasan nito ang alitan sa pagitan ng mga magkakatrabaho.

    Nagkakaroon ako ng kaalaman sa mga dapat ko pang paunlarin.

    Iminumulat nito ang aking sarili na marami pa akong hindi alam sa buhay.

    Tinuturuan ako nito na maging mahinahon.

    30s
  • Q3

    Ang teorya ukol sa Multiple Intelligences ay nagpapatunay na ang bawat tao ay:

    may kalayaan at dignidad

    may iba’t ibang talinong taglay

    may kakayahang matuto

    may kalakasan at kahinaan

    30s
  • Q4

    Mahalagang tuklasin at paunlarin ang kakayahan sapagkat may tuwiran itong kaugnayan sa:

    resulta ng anumang gawaing isasakatuparan

    pagkakamit ng tagumpay sa hinaharap

    antas ng pakikipagkapwa

    kursong pag-aaralan sa kolehiyo

    30s
  • Q5

    Ang paglahok sa mga training at seminar ay mahalaga sapagkat:

    makapakikinig ka ng mga mahuhusay na speakers.

    makapupunta ka sa iba’t-ibang lugar

    magkakaroon ka ng mga bagong kakilala

    madadagdagan ang iyong kaalaman.

    30s
  • Q6

    Ang Key Employment Generators ay nagtatalaga ng mga trabaho na in-demandsa loob at labas ng bansa.

    Mali

    Tama

    30s
  • Q7

    Makatutulong sa iyo ang pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain sa pagpili ng kurso.

    Mali

    Tama

    30s
  • Q8

    Dapat na siyasatin mo ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo kapag ikaw ay nagninilay sa iyong inaasam gawin pagkatapos ng SHS.

    Mali

    Tama

    30s
  • Q9

    Hindi namamana ang hilig ng tao.

    Mali

    Tama

    30s
  • Q10

    Ayon sa Laborem Exercens ni Pope John Paul II, sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad at sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng pagpapakita ng pag-unlad para sa sarili.

    Tama

    Mali

    30s

Teachers give this quiz to your class