placeholder image to represent content

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat

Quiz by Cristina Aguila

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
8 questions
Show answers
  • Q1
    Napakahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
    Ang mga Masusustansyang Pagkain
    Ang Paglabo ng Paningin
    Ang Kahalagahan ng Bitamina A
    30s
  • Q2
    Ang bahay–kubo ay isang maliit na bahay. Ito ay yari sa kawayan at pawid. Malimit, ito ay ginagawang laruan ng mga bata o pahingahan lalo na sa panahon ng tag init.
    Ang Palaruan sa Bahay-kubo
    Ang Bahay-kubo
    Kasangkapan sa Paggawa ng Bahay-kubo
    30s
  • Q3
    Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani. Siya ay matapang, matalino at makabayan. Namatay siya sa pagtatanggol sa ating bayan. Hinahangaan siya ng maraming tao sa kanyang kagitingan.
    Katangian ng Bayani
    Ang Pambansang Bayani
    Ang Magiting na Bayani
    30s
  • Q4
    Si Bb. Reyes ang guro ko sa Filipino. Siya ay mabait at maganda. Mahusay siyang magturo.
    Ang Aking Guro
    Sa Paaralan
    Mahusay Magturo ang Guro Ko
    30s
  • Q5
    Ako ay may alagang pusa. Ang kulay nito ay puti at dilaw. Mabilis siyang manghabol ng daga.
    Ang Kulay ng Pusa
    Ang Aking Alaga
    Ang Pusa at ang Daga
    30s
  • Q6
    Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Bicol. Kahanga-hanga ang hugis nito. Isa ito sa magagandang tanawin sa buong mundo.
    Mga Tanawin sa Mundo
    Ang Bulkang Mayon
    Kakaibang Hugis
    30s
  • Q7
    Si Mel ay isang matapat na mag–aaral. Lagi siyang nagsasabi ng totoo. Hindi siya kumukuha ng anumang bagay na hindi kanya. Isinasauli niya ang bagay na napupulot niya.
    Ang Masunuring Mag-aaral
    Ang Matalinong Mag-aaral
    Ang Matapat na Mag-aaral
    30s
  • Q8
    Ako ay may alaga. Ito ay isang asong mataba. Puti ang kulay nito. Malalaki ang kanyang tainga at ang buntot niya ay mahaba.
    Ang Aso ng Kaibigan Ko
    Ang Aking Alaga
    Ang Mabait na Kuneho
    30s

Teachers give this quiz to your class