placeholder image to represent content

Pagbibigay ng angkop ng pamagat sa tekstong napakinggan

Quiz by Karen Fabrigaras

Grade 5
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
5 questions
Show answers
  • Q1

    I. Basahin , unawaing mabuti ang bawat talata at piliin ang pinakaangkop na pamagat. 1. Isang bayaning maituturing ang mga frontliners sa panahon ng pandemya. Kahit ito’y mapanganib, hindi sila nag-atubiling gampanan nito nang maayos ang tungkulin. Nakasuot ng kasuotang pangproteksiyon sa katawan, face mask at face shield araw- araw. Sila ay laging “on the go”, kahit ang pagpunta ng CR, sa tawag ng pangangailangan ay hindi nila halos magawa. Saludo ako sa inyo mga mahal naming frontliners. Mabuhay Kayo!

    Frontliners, Maituturing na Bayani

    Isang Bayani

    Ang Mga Fronliners

    Sa Panahon ng Pandemya

    30s
    F5PN-Ii-j-17
  • Q2

    2. Ipinagmamalaki ng pamilya ni Ginoong Manzano ay ang pagiging matulungin ng kanilang bunsong anak na si Manuel. Bata pa lamang, nakitaan na siya sa pagtulong kaninuman. Ginagabayan niya ang mga matatanda sa paglalakad, pagbubuhat ng gamit at pagtawid sa kalsada. Tinitipon ang mga bata upang turuan magbasa, Tinutulungan din niya ang mga magulang sa gawaing bahay.

    Si Ginoong Manzano

    Ang Matulunging Bata

    Manuel, Isang Matulungin Bata

    Si Manuel

    30s
    F5PN-Ii-j-17
  • Q3

    3. Matindi ang karanasan ng bansa natin sa epidemyang COVID 19. Nagdulot ito malaking dagok sa mga tao. Maraming pamilya ang naapektuhan sa buhay. Nagkaroon ng panic buying ng mga pagkain. Dahil dito, tumaas ang mga presyo ng bilihin at nagkaubusan na. Lahat ay hindi basta-bastang nakakalabas ng bahay. Naging mahigpit ang mga nasa gobyerno upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa ng virus.

    Epekto ng Covid 19

    Matindi ang karanasan

    Maraming Pamilya

    Epidemyang Covid 19

    30s
    F5PN-Ii-j-17
  • Q4

    4. Si Rodaliza ay isang batang matulungin. Sa kadahilanang bawal lumabas ng bahay, tinutulungan niya ang magulang sa gawaing bahay. Nililigpit at inaayos ang mga gamit sa tamang lagayan. Nagdidilig ng mga halaman at marami pang iba para makatulong siya.

    Rodaliza, Batang Matulungin

    Bawal Lumabas

    Pagdidilig ng Halaman

    Ang Matulunging Bata

    30s
    F5PN-Ii-j-17
  • Q5

    5. Ang Sto. Niño ay isa sa pinakamalinis na bayan ng Marikina. Pagbaba mo pa lamang sa tulay ay malalanghap mo na ang di mausok na amoy. Ang paligid sa kalsada ay malinis. Ang mga tao ay may oras at araw sa paglabas ng kanilang basura. Ang daan ay di maputik at maitim. Kahit saang banda ay malinis. Maging sa kanilang Health Center ay sinisigurong malinis sa loob, ipinagbabawal ipasok o dalhin ang sapatos o tsinelas sa loob . Kaya naman ang ating butihing Kapitan Zaldy Josef at lahat ng mga opisyales ay nagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan ng ating bayan.

    Ang Marikina

    Ang Health Center

    Sto. Niño: Pinakamalinis na Bayan ng Marikina

    Si Kapitan Zaldy Josef

    30s
    F5PN-Ii-j-17

Teachers give this quiz to your class