placeholder image to represent content

PAGBIBIGAY NG MAAARING SOLUSYON SA SULIRANING NAOBSERBAHAN

Quiz by Mark Anthony Lim

Grade 6
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng mga basura na siya pa lang dahilan ng pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?

    Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.

    Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.

    Iwanan lang sa daanan ang mga basura.

    Itapon ang mga basura sa ilog, sapa at dagat.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q2

    Noong bata pa ako ay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing nagbabakasyon kami sa lugar ng lola ko. Malinis, maputi at maraming isda ang nag-uunahan sa paglangoy sa sapa. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan ng kalabaw.

    Pabayaan na lang ito.

    Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.

    Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.

    I-report sa opisyal ng barangay para mapagbawalan ang mga taong ginagawang paliguan ang kalabaw ang sapa.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q3

    Maraming namamatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ang maaaring solusyon nito?

    Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.

    Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.

    Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.

    Gumamit ng pesticides na pamatay sa lamok.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q4

    Ang buong mundo ay humaharap sa napakasalimuot na suliranin sa kalusugan dahil sa paglitaw ng pandemic na sakit, ang COVID -19. Alin ang maaaring solusyon nito.

    vaccine

    paracetamol

    halamang gamot

    gamot sa ubo

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q5

    Ipinapatupad na ang Enhance Community Quarantine sa ating bansa dahil sa epidemyang COVID-19. Isa sa ipinagbabawal ay ang paglabas ng kabataan pero sa kabila nito marami pa rin sa kanila ang hindi sumusunod at patuloy pa rin ang paglalaro sa labas. Ano ang pinakamabuting solusyon nito?

    Hayaan sila sa kanilang ginagawa.

    Isumbong sa kinauukulan para magawan ng paraan at matuto silang sumunod sa patakaran.

    Sasali sa kanilang paglalaro dahil nababagot ka na sa bahay.

    Tingnan lamang sila para mapagalitan sila ng pulis.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q6

    Mahilig kumain ng tsokolate ang iyong kapatid kaya lagi itong umiiyak dahil sa sakit ng ngipin. Ano ang mabuting gawin dito?

    yayaing maglaro sa parke ng inyong lugar

    huwag pansinin

    dalhin sa klinika

    tawanan ang iyong kapatid

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q7

    Upod sindi ang lolo mo sa paninigarilyo. Isang araw dinala ito sa ospital dahil siya ay nagkasakit at napag-alamang mayroon na itong sakit sa baga. Pagkalabas ng ospital nakita mong naninigarilyo pa rin siya ng patago. Ano ang iyong gagawin?

    Isumbong sa pulis.

    Isumbong sa nanay para mapagsabihan siya.

    Bilhan ng maraming sigarilyo.

    Pagtawanan siya.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q8

    Umiigib kayo ng tubig sa balon. Isang umaga kukuha ka na sana ng tubig nang maamoy mong may amoy gasolina pala ito. Ano ang iyong gagawin?

    Humingi ng tulong para malinisan ang balon.

    Ipagpatuloy ang pagkuha kahit na alam mong amoy gasolina ang tubig.

    Manahimik na lamang.

    Umuwi agad at huwag na lang umigib ng tubig.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q9

    Nagkaklase ang iyong guro sa Filipino 6 nang biglang sumakit ang iyong tiyan. Ano ang iyong gagawin?

    Magpaalam nang maayos sa guro.

    Hintaying hindi tumingin ang guro at saka kumaripas ng takbo palabas ng silid-aralan.

    Lumabas na hindi nagpapaalam sa guro.

    Magpaalam sa iyong kaklase na ikaw ay lalabas.

    30s
    F6PS-Ig-9
  • Q10

    Napakalakas ng ulan at nagliliparan ang bubong ng mga bahay dahil sa Bagyo.

    Umiyak at magmukmok sa loob ng bahay.

    Pumunta sa pinakamalapit na evacuation center pagkarinig ng balitang may darating na malakas na bagyo.

    Ipagwalang bahala ang pangyayari sa paligid.

    Hintaying humupa ang ulan at malakas na hangin bago lumikas.

    30s
    F6PS-Ig-9

Teachers give this quiz to your class