Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    1. Naghanda ng pagkain sa hapag-kainan ang mag-ina habang hinihintay ang lutong inihaw ng mag-ama. Gumawa rin ng sawsawan si Aling Bering para sa inihaw na baboy at bangus.
    Kakainin ng mag-ama ang inihaw na bangus
    Titikman nila ang inihandang sawsawan
    Maghuhugas ng pinggan ang mgaanak
    Pagsasaluhan ng mag-anak ang pagkaing inihanda.
    30s
  • Q2
    2. Papauwi ang magkaibigang Marissa at Aleli nang biglang umabon. Wala silang masilungan sa kanilang daraanan habang papalakas nang papalakas ang patak ng ulan.
    Babagyo kaya maghahanda na ng kakailanganin
    Mababasa sina Marissa at Aleli.
    maglalaro sila sa ulan hanggang gumabi
    Lalakas ang ulan
    30s
  • Q3
    3. Dumalaw ang magkaibigang Anton at Patrick sa bahay ng kanilang kaklase. Habang kumakatok ang magkaibigan biglang tumahol nang malakas ang alagang aso ni Gil. Laking gulat ng magkaibigan ng makitang nakakawala ang asong alaga ni Gil. Tumakbo ang aso papalapit sa kanila ng biglang dambahin at kagatin ang nadapang si Anton. Nagulat si Gng. Santiago nang makita ang pangyayari.. Dali-dali niyang pinuntahan si Anton habang namimilipit sa sakit ng kagat ng aso. Pumara ng traysikel si Gng. Santiago.
    Ibibili ng ice cream si Anton upang hindi na umiyak
    Pupunta sa pinakamalapit na botika parabumili ng gamot
    Dinala ni Gng. Santiago si Anton sa pinakamalapit na Health Center upang mabakunahan laban sa tetano.
    Pupunta sila sa groseri upang bumili ng kakainin
    30s
  • Q4
    4. Patuloy ang padala sa GC ni Gng Mendoza kay Tonton ng paalala sa mga kulang niyang pagsasanay sa Math. Pinagsabihan si Tonton na huling warning na ang ibibigay sa kanya at kung hindi niya ipapasa ang mga sinagutang pagsasanay ay hindi siya makakapasa sa asignatura. May nalalabi pa siyang mga araw bago dumating ang huling pasahan. Gabi-gabi ay inisa-isa niyang sagutan ang mga pagsasanay na hindi naipasa.
    Makikiusap si Tonton sa bigyan siya ng make up quiz
    Hahayaan niya ang mga pagsasanay na hindi nasagutan
    Kakausapin ng magulang si Gng. Mendoza .
    Makakapasa si Tonton dahil pinagsumikapan niyang tapusin ang mga pagsasanay
    30s
  • Q5
    5. Dahil sa larong ML palaging nag-aaway ang magkapatid na Khyme at Gracielle, Nag-uunahan sila sa paggamit ng kompyuter. Kahit sa kanilang pag-uwi galing sa eskwela Pinagsabihan sila ng kanilang ina at pinaalalahan kung kailan dapat gamitin ang kompyuter.
    Magjajack en poy sila sa paggamit ng kompyuter
    Makikiusap sa nanay na gumamit ng kompyuter sa oras na ibig nila
    Isisikreto nila ang paglaro ng ML
    Simula ng pagsabihan sina Khyme at Gracielle sa paglalaro ng ML ay hindi na sila nag-away sa paggamit ng kompyuter. Ginamit nila ang kompyuter sa oras na ibinigay ng kanilang ina.
    30s
  • Q6
    6. Anak mahirap ang napakasipag na si Yban. Tuwing umaga ay nagrarasyon siya ng pandesal at pagkatapos ay naglalako ng gulay sa paligid ng kanilang tirahan. Agad-agad na nauubos ang kanyang paninda.. Sa kabila ng kanyang kahirapan, nagsumikap siyang makapagtapos ng kanyang pag-aaral kaya naman natanggap agad siya sa kumpanyang kanyang inaplayan. Nakita ang kanyang katalinuhan, kasipagan at kagalingan sa trabaho.
    Magigiging kaibigan niya ang lahat ng empleyado sa kanyang pinapasukan
    Tumaas ang posisyon ni Yban sa kumpanyang kanyang pinapasukan.
    Magagalit ang kanyang katrabaho sa kasipagang kanyang ipinapakita
    Magkakaroon siya ng sariling kumpanya dahil sqa kanyang kasipagan
    30s
  • Q7
    7. Napakabilis ng pagkalat ng sakit na Covid-19 sa lungsod. Agad na nagpulong ang mayor kasama ang mga kapitan ng barangay. Pinagsabihan ang mga mamamayan sa bawat barangay na magsuot ng mask, face shield at distansya sa mga kausap. Di sila nag-aksaya ng panahon upang ipaalam sa kanilang nasasakupan ang mga nararapat gawin.
    Patuloy na dadami ang mga taong maaapektuhan ng Covid-19
    Hindi na dadami ang maaapektuhan ng sakit na Covid-19 sa mga barangay.
    Pinuntahan ng kapitan ang bawat tahanan at pinagsabihang mag-ingat
    Umiwas ang mga tao sa lahat ng makakasalubong
    30s
  • Q8
    8. Tuwing umaga nakasanayan na ni Bentong ang pag-inom ng malamig na softdrinks. Kahit walang laman ang kanyang sikmura. Pagkaraan ng dalawang buwan ay nakaramdam siya ng pagsakit ng kanyang sikmura. Namilipit siya sa sakit at nagpadala sa doktor.
    Saka na muna iinom ng softdrinks kapag magaling na
    Nagkasakit siya ng ulcer dahil sa pag-inom ng softdrinks.
    Kakain muna siya ng agahan bago uminom ng softdrinks
    Kakain siya ng tinapay kasabay ng pag-inom ng softdrinks tuwing umaga
    30s
  • Q9
    9. Sinabihan ng guro ang seksyon Mapagnilay na tapusin ang kanilang mga pagsasanay. Hindi masagutan ni Achie ang mga tanong sa pagsasanay dahil hindi niya maunawaan at hindi alam ang gagawin. Dumating si Gng. Sanggo na kanilang guro subalit hindi pa rin natatapos si Achie.
    Lumapit sa guro upang hingin ang kasagutan sa pagsasanay
    Kumopya sa katabi upang sa pagdating ng guro ay may maipasa
    Hingin ang opinyon ng guro tungkol sa pagsasanay
    Lumapit ang mag-aaral sa guro upang magpatulong na maipaliwanag ang gawain sa pagsasanay.
    30s
  • Q10
    10.Magkakaroon ng online class si Ariel bukas at siya ang inatasang mag-uulat. Maghapon siyang nasa harap ng kompyuter at naglalaro ng iba’t ibang games. Hindi niya namamalayan ay inabot na siya ng madaling araw kakalaro. Kinaumagahan habang nasa online class si Ariel ay tinawag siya ng kanyang guro upang simulan ang kanyang pag-uulat.
    Sasabihin niya sa kanyang guro na inaantok pa siya
    Matutulog siya habang nag-oonline class
    Hindi na lang magpapakita sa online classsi Ariel
    Hindi nakapagsalita sa harap ng online class si Ariel dahil sa sobrang antok.
    45s

Teachers give this quiz to your class