placeholder image to represent content

Pagbibigay ng Wakas sa Kwento

Quiz by Mary Ann Huetira

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
5 questions
Show answers
  • Q1

    Maagang umalis si Don sa bahay. Siya ay pupunta na sa paaralan. Bitbit niya ang mga gamit niya sa eskwela. Pagdating ng recess, doon niya nalaman na naiwan pala ang kanyang baon. Ano ang angkop na wakas ng kwentong ito? 

    Lalapitan niya ang guro niya. Sasabihan niya ang guro na wala siyang dalang baon para sa recess dahil naiwan ito sa bahay. 

    Pupunta siya sa guard. Magtatanong siya kung may baon para sa kanya.

    Babalik siya sa bahay niya at kukunin ang kanyang naiwang baon. 

    Pupunta siya sa kantina. Maghihintay kung may magbibigay sa kanya ng pagkain.

    120s
  • Q2

    Tapos na ang klase sa umaga. Ang mga mag-aaral ay kumakain na ng pananghalian(lunch) sa kanilang silid-aralan, ang iba naman ay nasa kantina. Bigla na lamang may public announcement na maghanda na para sa panalangin  o Angelus. Magbigay ng angkop na wakas ng kwento. 

    Kukunin ng mga mag-aaral ang kanilang bag. Maghahanda na sila para sa pag-uwi. 

    Magpapatuloy ang mga mag-aaral sa paglalaro. Hindi naman sila nakikita.

    Pupuntahan nila ang chapel at doon magdarasal ang mga mag-aaral.

    Ang mga mag-aaral ay hihinto sa kanilang ginagawa. Sila ay sasabay sa panalangin. 

    120s
  • Q3

    Si Mang Kanor ay isang taxi driver. May apat siyang anak at ang kanyang asawa ay empleyado ng isang pribadong kompanya. Isang araw, may naiwang bag sa loob ng kanyang sasakyan. Nang tiningnan niya ito, naglalaman pala ito ng mahahalagang dokumento at sa loob may pangalan ng may-ari. Ano ang angkop na wakas ng kwento? 

    Pupunta si Mang Kanor sa estasyon ng radyo. Makikiusap siyang ipanawagan ang may-ari ng bag na kunin ito. 

    Hahayaan lamang niya ang bag sa kanyang sasakyan. Hihintayin niyang may maghahanap nito. 

    Ibibigay niya ito sa iba. Hindi niya kasi kilala ang may-ari nito. 

    Ilalagay niya ang bag sa donation box. 

    120s
  • Q4

    Buong gabing naglalaro ng Roblox si Nestor. Kasama niya sa paglalaro ang kanyang mga kaklaseng sina Miguel, Mark, at Josef. Nakalimutan niyang may klase siya kinabukasan. May short assessment pa naman siya sa Math. Ano ang angkop na wakas ng kwento? 

    Nasira ang kompyuter ni Nestor dahil sa matagal niyang paglalaro. 

    Papupuntahin siya sa opisina ng prinsipal. Kakausapin siya ng punungguro.

    Tatawagan niya ang kanyang guro. Hindi muna siya pupunta sa paaralan. 

    Matagal siyang magigising. Magiging huli siya sa klase at babagsak siya sa Math. 

    120s
  • Q5

    Araw-araw na nag-aaral si Purita. Kahit walang SA, sinisiguro niyang naiintindihan niya ang lahat ng aralin. Isang araw, nagbigay ng SA ang kanilang guro sa HELE. Magbigay ng angkop na wakas ng kwento.

    Nasasagutan nang tama ni Purita ang SA. Hindi siya nahihirapan sa pagsagot. 

    Nakalimutan niya ang tamang kasagutan sa mga katanungan. 

    Hindi nakasagot si Purita. Mahihirap ang lumabas sa SA. 

    May isang bilang na hindi nasagutan ni Purita. Naubusan kasi siya ng oras sa pagsagot. 

    120s

Teachers give this quiz to your class