Loading...

Pagkilala sa Iyong Paaralan
Quiz by Macarmela Perez
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
_____1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay? a. paglalaro c. pagtakas b. pagdarasal d. pagtatago _____2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo? a. maglaro sa simbahan b. kumuha ng gamit ng kamag-aral c. pagtawanan ang paniniwala ng iba d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba? a. pagdalo sa kanilang pagtitipon b. pagsang-ayon na may iisang Diyos c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba d. pakikinig sa kanilang aral _____4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a. pagsuway sa utos ng magulang b. pagmamalupit sa mga hayop c. pagkakalat ng basura d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan _____5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay? a. hindi papansinin ang nangyayari b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba c. manonood ng telebisyon d. magpapatugtog ng radio _____6.Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan? a. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila. b. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki. c. Ang lalaki ay naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga kabarangay. d. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan. _____7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay? a. Si Kim na naputulan ng mga paa na ayaw ng makipaglaro sa mga kaibigan. b. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang mag- aral. b. Si Dave na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang pamilya. c. Si Dona na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang solusyon sa mga problema. _____8. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya sa pag aaral. Malapit na ang inyong pagtatapos. Ano ang maaari mong maitulong sa kaibigan mo? a.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag aaral ang kaibigan. b.Kausapin ang magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang pag-aaral. c.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila. d.Kausapin ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang. _____9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon. b. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. c. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang. d. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. _____10 .Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag- aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a. Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. b. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola. c.Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi. d.Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola.
Pagkilala sa Layunin ng Pakikinig - Starter Quiz
Pagkilala sa Tama at Mali - Starter Quiz
Pagkilala sa Sarili bilang Simula ng Pag-unlad - Starter Quiz (English (US))
Pagkilala sa Mililitro - Starter Quiz
Pagkilala sa Stress sa Gitna at Huling Bahagi ng Pagdadalaga at Pagbibinata - Starter Quiz
Pagkilala sa mga bahagi ng katawan na kailangang linisin - Starter Quiz
Pagkilala sa Pangngalan