
Pagpapakita ng Paggalang sa Suhestiyon ng Iba
Quiz by MARY ANN MATEO
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Nakapulot ka ng bag na may lamang malaking halaga ng pera. Dinala mo ang bag sa pinakalamapit na istasiyon ng pulis upang sila na ang bahala nito.
Tinatanong ng kaibigan mo kung bagay sa kanya ang kaniyang suot na kulay pulang polo, pero sa iyong kalooban hindi niya ito talaga bagay at masyado pa itong masikip. Dahil kabigan mo siya, sinabi mo na lang na bagay na bagay sa kaniya.
Nabasag mo nang di-sinasadya ang plorerang galing sa ibang bansa. Alam mong pinakaiingatan ito ng iyong Nanay dahil mahal ang halaga nito. Kinausap mo nang mahinahon ang iyong Nanay at ipinagtapat ang nagawa.
Araw ng Lunes pero tinatamad kang mag-aral sa mga modyul na nakatakdang aaralin. Nang dumating ang Tatay at Nanay mo galing sa trabaho, kinumusta nila kung tapos mo na ang pag-aaral at pagsagot mo sa mga modyul. Sumagot ka naman na tapos na ngunit ang totoo, hindi mo pa nauumpisahan ang mga ito.
Napagod ka na sa pag-aaral ng mga modyul lalo na sa pagsagot sa mga gawain. Upang matapos mo na ang Post-test, kinopya mo na lang ang sagot sa “Key to Correction” na hindi mo man lang binasa ang mga katanungan.