Pagsasanay: Iba't-ibang Uri ng Wakas
Quiz by Cherry Lou Balgua
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Basahin ang kuwento. Tukuyin kung anong uri ng wakas ang ibinigay sa kuwento.
Nang-agaw ng cellphone si Roy sa isang aleng naglalakad sa kalsada. May nakakita kay Roy sa ginawa niya at may CCTV rin sa lugar na pinangyarihan. Tumawag ng pulis ang nakakita kay Roy. Hinuli siya ng pulis at ikinulong bilang parusa sa kanyang masamang ginawa.
masaya
malungkot
nakakatuwa
Wakas na ginagantimpalaan ang mabuti at pinaparusahan ang masama
60s - Q2
Basahin ang kuwento. Tukuyin kung anong uri ng wakas ang ibinigay sa kuwento.
Binigyan ng regalo ni May ang kanyang amang si Ben. Pagbukas ni Ben ng regalo, nakita niya itong walang laman. Nagalit siya kay May at nagsabing minsan mo na lamang ako bibigyan, wala pang laman. Sinabi ni May na pinuno niya ng halik ang kahon. Nang mag-isa na lamang si Ben ay napaiyak siya at naisip ang anak. Pinuntahan niya si May at may sinabi...
malungkot
wakas na ginagantimpalaan ang mabuti at pinaparusahan ang masama
di tapos na wakas at iniiwan sa mambabasa ang maaaring maging wakas
masaya
60s - Q3
Basahin ang kuwento. Tukuyin kung anong uri ng wakas ang ibinigay sa kuwento.
Nanghiram si Garry ng laruang robot kay Michael. Ipinahiram naman ni Michael ang kanyang paboritong laruang robot kay Garry. Naglaro si Garry sa labas ng kanilang bahay. Noong siya ay pumasok na, nakalimutan niyang ipasok ang hiniram niyang laruan. Nang ito ay kanyang naalala, kanya itong binalikan. Hindi na niya nakita pang muli ang laruan. Pumunta si Garry kay Michael at humingi ng tawad. Pinatawad naman siya ni Michael subalit labis itong nalungkot.
nakakatawa
malungkot
wakas na pinaparusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti
masaya
60s - Q4
Basahin ang kuwento. Tukuyin kung anong uri ng wakas ang ibinigay sa kuwento.
Nagbigay ng takdang aralin ang guro ni Monica. Sinabi ng kanilang guro na gagamiit sila ng kandila at krayola. Oobserbahan nila ang mangyayari sa krayola kung ito ay itatapat sa kandilang may sindi. Ginawa ni Monica ang experiment. Nang sila ay nagkaroon ng summative test, tuwang-tuwa siya na mataas ang kanyang nakuha
masaya
malungkot
nakakatawa
di tapos na wakas
60s - Q5
Basahin ang kuwento. Tukuyin kung anong uri ng wakas ang ibinigay sa kuwento.
Nagkasakit si Rhea ng UTI dahil sa labis na pagkain ng mga junkfoods, maaalat na pagkain at noodles. Binisita siya ng kanyang kaibigan na si Joy na iwasan ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain at ugaliing kumain ng gulay at prutas pati ang uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang magkasakit muli at upang gumaling na para makapaglaro na sila. Sinunod naman ni Rhea ang sinabi ng kanyang kaibigan. Tuwang-tuwa siya ng siya ay gumaling na.
nakakatawa
masaya
hindi tapos na wakas
malungkot
60s