placeholder image to represent content

Pagsasanay sa Aralin 1 & 2 (Ikatlong Markahan)

Quiz by Aname Esteban

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang pangunahing gamit ng pananahi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
    Pag-aayos o paggawa ng kasuotan
    Gumawa ng mga stuffed toys
    Gumawa ng mga panukat
    Paglikha ng mga dekorasyong pambahay
    240s
  • Q2
    Bakit nakakatulong ang kakayahang manahi sa pagtitipid sa gastusin?
    Naayos ang mga sirang kasuotan nang hindi bumibili ng bago
    Hindi na kailangang bumili ng sinulid
    Nakakagawa ng mga bagong disenyo
    Mas mura ang tela kaysa kahoy
    240s
  • Q3
    Paano nagiging kapaki-pakinabang ang pananahi sa paglinang ng pagkamalikhain?
    Nagbibigay ito ng pagkakataon upang makalikha at magdisenyo ng sariling gawa
    Dahil maaaring ulit-ulitin ang parehong disenyo
    Dahil mabilis itong gawin kahit walang plano
    Hindi nito kailangan ang anumang plano
    240s
  • Q4
    Kapag may punit ang iyong uniporme, ano ang nararapat gawin?
    Takpan ng papel ang sira
    Tahiin o kumpunihin ang napunit na bahagi
    Palitan ng bagong damit
    Ibigay na lang sa iba
    240s
  • Q5
    Paano mo magagamit ang kasanayan sa pananahi para makatulong sa tahanan?
    Magtupi lang ng tela nang hindi tinatahi
    Manood ng TV habang nananahi
    Gumawa ng palamuti o kasuotan sa bahay
    Itago ang mga natapos na proyekto
    240s
  • Q6
    Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang dulot ng pananahi?
    Nakakatulong sa pakikisalamuha
    Nakapagbibigay ng kasiyahan
    Nakapagpapalakas ng pag-iisip
    Nagdudulot ng pag-aaksaya ng pera
    240s
  • Q7
    Bakit dapat matutunan ang pananahi habang bata pa?
    Kailangan lang ito sa paaralan
    Hindi ito magagamit paglaki
    Dahil napakahirap itong pag-aralan
    Nakatutulong itong makabuo ng mahahalagang kasanayan
    240s
  • Q8
    Ano ang pinakamainam na dahilan upang ipagpatuloy ang pananahi bilang libangan?
    Dahil pinipilit ng iba
    Dahil nakapagbibigay ito ng saya at pagkamalikhain
    Dahil uso sa mga kaklase
    Dahil napakadali nitong gawin
    240s
  • Q9
    Bakit mahalaga ang tusukan ng karayom o pin cushion?
    Ginagamit sa pagputol ng tela
    Pinahahaba nito ang sinulid
    Pinaglalagyan ng mga karayom at aspile na hindi ginagamit
    Para maisukat ang tela
    240s
  • Q10
    Aling kagamitan ang ginagamit upang putulin ang tela at sinulid?
    Aspile
    Karayom
    Didal
    Gunting
    240s
  • Q11
    Ano ang dapat gamitin upang pansamantalang pagdugtungin ang dalawang tela?
    Aspile
    Medida
    Sinulid
    Didal
    240s
  • Q12
    Aling kagamitan ang tumutulong kapag matigas ang tela at madulas ang karayom?
    Gunting
    Emery bag
    Medida
    Didal o thimble
    240s
  • Q13
    Kapag naputol ang sinulid at kailangan muling isalpak sa karayom, ano ang dapat hawak mo?
    Aspile
    Didal
    Medida
    Sinulid
    240s
  • Q14
    Alin sa mga kagamitan ang ginagamit upang patalasin ang karayom at aspile?
    Medida
    Emery bag
    Aspile
    Karayom
    240s
  • Q15
    Ano ang maaaring maging problema kung walang pin cushion?
    Hindi mo matatahi ang tela
    Mawawala o magkahalo-halo ang mga karayom at aspile
    Hindi makapagsukat
    Hindi makagamit ng gunting
    240s

Teachers give this quiz to your class