placeholder image to represent content

PAGSUSULIT 2 (MODYUL 3 at 4) IKALAWANG MARKAHAN

Quiz by Ederlinda Aguirre

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1
    Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado..
    Dula
    Tula
    Talumpati
    Nobela
    30s
  • Q2
    Ito ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan
    Trahedya
    Melodrama
    Teleserye
    Sarswela
    30s
  • Q3
    Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon dito; walang dula kapag wala nito.
    Direktor
    Iskrip
    Aktor
    Tanghalan
    30s
  • Q4
    Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
    Tanghalan
    Iskrip
    Direktor
    Aktor
    30s
  • Q5
    Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula; ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula; at ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
    Direktor
    Tanghalan
    Iskrip
    Aktor
    30s
  • Q6
    Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon niya sa iskrip.
    Direktor
    Tanghalan
    Aktor
    Iskrip
    30s
  • Q7
    Isang elemento ng dula na lubos ang kahalagahan sapagkat hindi ito maituturing na dula kung sila’y wala, sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi.
    Direktor
    Iskrip
    Manonood
    Aktor
    30s
  • Q8
    Ito ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
    Tagpo
    Aksyon
    Iskrip
    Eksena
    30s
  • Q9
    Siya ay ang may akda ng “Romeo at Juliet” isang akdang nagmula sa Inglatera, itinuturin din siyang pinakadakilang manunulat sa wikang Ingles.
    William Shakespeare
    Elizabeth Barret Browning
    a. Ernest Hemingway
    Snorri Sturluson
    30s
  • Q10
    Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
    Maikling Kuwento
    Tula
    Talambuhay
    Anekdota
    30s
  • Q11
    Siya ay ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento”. Ayon sa kaniya ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
    Jose Dela Cruz
    Edgar Allan Poe
    Rufino Santiago
    Gregorio San Isidro
    30s
  • Q12
    Ang akdang ito ay may kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo. (Mateo 2: 1-12).
    a. Aginaldo sa Pasko
    Aginaldo ni James at Della
    Aginaldo ng mga Mago
    Aginaldo ng Tatlong Pantas
    30s
  • Q13
    Sila ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan ng regalo.
    Mago
    Amerikano
    Espanyol
    Hentil
    30s
  • Q14
    Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang? halungkatin halukayin halughugin humarurot
    humarurot
    halughugin
    halukayin
    halungkatin
    30s
  • Q15
    Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang? sumalagmak napaupo lumuklok tangis
    napaupo
    tangis
    lumuklok
    sumalagmak
    30s

Teachers give this quiz to your class