placeholder image to represent content

PAGSUSULIT 3 (MODYUL 5-7) IKALAWANG MARKAHAN

Quiz by Ederlinda Aguirre

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    Ito ay itinuturing makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
    Maikling Kuwento
    Dula
    Anekdota
    Nobela
    30s
  • Q2
    Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kwento, tula, sanaysay o iba pang gawa ng panitikan.
    Suring Basa
    Pananaliksik
    Simposyum
    Sinopsis
    30s
  • Q3
    Ito ay pinaikling bersyon ng teksto na binubuo ng pagpapakilala ng tauhan at tagpuan maging ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
    Suring Basa
    Simposyum
    Buod
    Tunggalian
    30s
  • Q4
    Ito ay Bisang Pampanitikan na tumutukoy sa mga natutunan at nagdudulot ng mga pagbabago sa kaisipan.
    Bisa sa Damdamin
    Bisa sa Kaasalan
    Bisa sa Isip
    Bisa sa Moralidad
    30s
  • Q5
    Ito ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.
    Teoryang Pampanitikan
    Tunggalian
    Suring Basa
    Simposyum
    30s
  • Q6
    Ito ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa at nakikinig. Ito rin ay mahalaga lalo na sa edukasyon.
    Talasanggunian
    Batis ng Impormasyon
    Panimula
    Simposyum
    30s
  • Q7
    Ito ay naglalaman ng mga impormasyong galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa kasaysayan.
    Primaryang Batis
    Bisa sa Isip
    Talasanggunian
    Sekondaryang Batis
    30s
  • Q8
    Ang teoryang ito ay nagbibigay diin sa katotohanan at may layuning ilahad ang tunay na buhay, pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.
    Naturalimso
    Romantisismo
    Humanismo
    Realismo
    30s
  • Q9
    Siya ang awtor ng nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”. Isinulat niya ito sa Cuba noong 1951 at inilabas noong taong 1952. Ang nobelang ito ay isang produksyon hango sa mga naging karanasan niya bilang isang awtor sa loob ng 16 taong.
    Ernest Hemingway
    William Shakespeare
    Elizabeth Barret Browning
    Snorri Sturluson
    30s
  • Q10
    Ito ay isang sanaysay na binibigkas. Ito ay naglalaman ng mga kaisipang nais ipahayag sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid at mga karanasan.
    Lathalain
    Talumpati
    Tula
    Editoryal
    30s
  • Q11
    Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
    Editoryal
    Lathalain
    Tula
    Talumpati
    30s
  • Q12
    Ito ay anyo ng panitikan na tumutukoy sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag..
    Sukat
    Tuluyan o Prosa
    Tula o Panulaan
    Taludtod
    30s
  • Q13
    Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang "pagtatakipsilim" na hindi lantad ang kahulugan sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Sa pagtatakipsilim ng buhay ko ay isang pagsubok ang aking napagtagumpayang hinding-hindi ko makalilimutan kailanman.
    Pagsubok
    Pagtanda
    Mahirap
    Umunlad
    30s
  • Q14
    Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang"madilim"na hindi lantad ang kahulugan sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Isa itong madilim na bahagi ng aming kasaysayang nagdulot ng sakit sa mga mamamayan.
    Pag-alis
    Umunlad
    Pagtanda
    Mahirap
    30s
  • Q15
    Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang "bangungot" na hindi lantad ang kahulugan sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Wala sa hinagap kong isang bangungot ang nakatakdang maganap sa aking bayan.
    Tagumpay
    Pagtanda
    Pagsubok
    Umunlad
    30s

Teachers give this quiz to your class