
Pagsusulit na Pangwakas o Panapos sa Filipino (Ikalawang Linggo)
Quiz by Elisa Doria
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa karunungang-bayan?
Anong uri ng karunungang-bayan ang kadalasang may tanong at sagot na pa-isipan?
Anong layunin ng karunungang-bayan sa lipunan?
Ano ang tinutukoy sa bugtong na: 'May hita ay walang binti, may ngipin ay walang labi'?
Bakit mahalaga ang karunungang-bayan sa panitikang Pilipino?
Anong karunungang-bayan ang naglalaman ng payo o kaisipan mula sa matatanda?
“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.” Ano ang aral ng kasabihang ito?
Ano ang ipinapahiwatig ng sawikain na “may tainga ang lupa, may pakpak ang balita”?
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng tanaga?
Paano nakatutulong ang bugtong sa kasanayang pampag-iisip ng mag-aaral?
Ang salawikain ay isang halimbawa ng bugtong.
Ang sawikain ay may literal na kahulugan lamang.
Ang bugtong ay may layuning pasiglahin ang pag-iisip.
Ang kasabihan ay nagpapahiwatig ng payo o babala.
 Ang tanaga ay may sukat at tugma.
Ang karunungang-bayan ay bahagi ng panitikang bayan.
Ang mga karunungang-bayan ay hindi na mahalaga sa makabagong panahon.
Ang mga halimbawa ng karunungang-bayan ay nagpapakita ng pananaw ng kultura.
Ang mga bugtong ay kadalasang itinatanghal sa harap ng madla.
Ang karunungang-bayan ay nagbibigay ng direksyon sa pag-uugali ng tao.
Anong anyo ng panitikang bayan ang nagpapakita ng talinghaga at palaisipan?
 Ito ang karunungang-bayan na nagpapahiwatig ng aral o payo sa buhay.
Tawag sa mga kasabihang nagpapahayag ng damdamin o saloobin nang hindi tuwiran.
Isang karunungang-bayan na binubuo ng apat na taludtod at pitong pantig bawat isa.
“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay halimbawa ng anong anyo?
Anong elemento ng panitikan ang nasasalamin sa karunungang-bayan ukol sa kalinisan?
Ito ay ipinapasa sa pamamagitan ng salinlahi, kadalasang pasalita.
Anong bahagi ng kultura ang naipapasa sa pamamagitan ng kasabihan at salawikain?
Isang halimbawa ng bugtong: 'Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis.'
Anong katangian ng Pilipino ang ipinapakita sa pagpapalaganap ng karunungang-bayan?
Bakit mahalagang pag-aralan at panatilihin ang mga karunungang-bayan sa kasalukuyang henerasyon?