placeholder image to represent content

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 (Unang Markahan)

Quiz by Nenet Fernandez

Grade 9
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
39 questions
Show answers
  • Q1
    1. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
     Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
     Kapayapaan
     Paggalang sa indibidwal na tao
    Katiwasayan
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q2
    2. Ang buhay ng tao ay panlipunan.Ang pangungusap ay _________
     Mali, dahil may iba pang aspeto pa ang tao maliban ang tao maliban sa panlipunan.
     Mali, dahil may karapatan ang tao na makapag isa.
    Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa.
    Tama, dahil sa lipunan siya napapabilang
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q3
    Ano ang tunay na tunguhin ng lipunan?
    Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
    Kabutihan ng lahat ng tao
    Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
    Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q4
    4. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat
    Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
    Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
    Tama dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
    Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q5
    5. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
    Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat
    Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na Batas Moral
    Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga Karapatan ng tao.
    Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q6
    6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
    John F. Kennedy
    Aristotle
    Bill Clinton
    St. Thomas Aquinas
    30s
  • Q7
    7. Makakamtan at mapapanatili ang kabutihang panlahat sa tulong ng bawat tao na may pagsisikap at pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga: ang pangungusap ay:
    Tama, dahil kung walang pagpupunyagi sa tao ay maaaring magsakripisyo ang mga tunay na nagpapahalaga ng kabutihang panlahat.
    Mali, dahil hindi lahat ng kasapi ng lipunan ay pinapahalagahan ito.
    Tama, dahil ito ay mga pwersa na nagdudulot ng matatag na lipunan at ang matatag na lipunan ay natutugunan pangkalahatang pangangailangan para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng lipunan.
    Mali, dahil meron pa ding naiiwan na ilang kasapi na hindi makatanggap ng kabutihan.
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q8
    8. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
    Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
    Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiambag ng sarili kaysa nagagawa ng iba
    Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
    Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q9
    9. Ang nagsabi na ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito dahil mahalaga ang mga ito para sa ating kapwa.
    Aristotle
    Bill Clinton
    Thomas Aquinas
    Manuel Dy Jr
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q10
    10. Ang mga sumusunod ay mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
    Ang bawat indibidwal ay nararapat na maunlad patungo sa kanyang kaganapan.
    Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan.
    Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
    Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya ngunit kulang ng diyalogo, pagmamahal at katarungan.
    30s
    EsP9PL-Ia-1.1
  • Q11
    11.Ang Prinsipyo ng Subsidiarity ay makikita sa mga sumusunod na halimbawa, maliban sa
    pagbabayad ng ng mga mamamayan cedula at tamang buwis
    kailangan dumaan sa public bidding kapag may kailangang gastusan ang pamahalaan
    pagbili at pagsasapribado ng pag aari ng pamahalaan o ng publiko
    pagpapagawa ng mga pabahay para sa mga nasalanta ng bagyo
    30s
    EsP9PL-Ic-2.1
  • Q12
    12. Ang taong ang tungkulin ay pangalagaan ang binubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
    Pinuno
    Mamamayan
    Batas
    Kabataan
    30s
    EsP9PL-Ic-2.1
  • Q13
    13. Nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa o solidarity ang mga sumusunod maliban sa:
    pagbabayanihan at pagtutulungan
    pagdalo sa Parent-Teacher Conference
    paglabas ng lampas sa curfew
    pagsali sa Brigada Eskwela
    30s
    EsP9PL-Ic-2.1
  • Q14
    14. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang tao ayon sa lipunang pampolitika?
    Katayuan sa buhay o personal na katangian
    Ibinoto ng mamamayan at nanalo sa halalan
    May kakayahang makagawa ng batas
    Angking kakayahan, talino o talento sa pamumuno
    30s
    EsP9PL-Ic-2.1
  • Q15
    15. Makikita sa pagpipilian ang mga katangian ng pamamahala, alin dito ang nagpapakita ng may kahusayan at kagalingan?
    Sa mamamayan nagmumula ang pagkilos patungo sa namumuno
    Sa lider nagmumula ang pagkilos patungo sa mamamayan
    Sa mamamayan nagmumula ang pagkilos para sa kanyang kapwa
    Ang lider at mamamayan ay may sabay na pagkilos
    30s
    EsP9PL-Ic-2.1

Teachers give this quiz to your class