Pagsususulit – 2nd Q Modyul 3
Quiz by Alma Rogante
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 1 skill fromGrade 6Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- view complete results in the Gradebook and Mastery Dashboards
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen
Correct quiz answers unlock more play!
- Q1
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagiging matapat sa kaibigan, MALIBAN sa isa. Alin ito?
Unawain ang kamalian ng iyong kaibigan.
Ipagkalat ang nalaman na sekreto tungkol sa kaniyang pagkatao.
Bigyan ng oras at panahon na pakinggan ang hinaing ng kaibigan.
Damayan siya sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q2
Ang mga sumusunod ay hindi nagpapakita ng pagiging matapat na kaibigan, MALIBAN sa isa. Alin ito?
Pakialaman ang pribadong buhay ng iyong kaibigan.
Patawarin siya kapag nakagawa ng pagkakamali sa iyo.
Pintasan at siraan ang iyong kaibigan sa ibang tao.
Kaibigan mo lang siya kung may kailangan ka.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q3
Napakinggan mo sa radyo na ang bagyong Ulysses ay tatama sa kalupaan at hatid nito ay malakas na hangin at malawakang pagbaha. Para makapaghanda ang pamilya ng kaibigan mo, ano ang dapat mong gawin?
Huwag na lang sasabihin ang napakinggang balita para hindi sila kabahan.
Sabihin na may paparating na bagyo pero hindi ito tatama sa kalupaan.
Hayaang iba ang magsabi sa kanila na may paparating na bagyo.
Sasabihin ang napakinggang balita sa radyo para makapaghanda ang kanilang pamilya.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q4
Binaha ang inyong lugar dahil sa bagyong Ullysses. Inabot ng baha ang bahay ng iyong kaibigan , samantalang ikaw ay hindi. Ano ang dapat mong gawin?
Sabihin sa kaibigan na nabaha rin kayo.
Sabihin sa kaibigan na maraming tao na sa inyong bahay.
Patuluyin sa inyong bahay ang pamilya ng iyong kaibigan.
Panoorin lang na tumataas ang tubig sa kanila.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q5
Dahil nalubog sa baha ang bahay ng iyong kaibigan, wala siyang naisalbang mga gamit at damit. Ano ang gagawin mo?
Hindi mo na siya papansinin kasi mahirap na sila.
Bigyan siya ng mga de-lata at mga lumang damit na maaayos.
Bigyan siya ng mga damit na sira sira.
Papuntahin na lang siya sa barangay at doon humingi ng tulong.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q6
Lubog na ang bahay ng iyong kaibigan dahil sa bagyong Ulysses. Nasa bubong na lang sila ng kanilang bahay. Ano ang dapat mong gawin?
Tumawag ng rescue at pansamantalang patuluyin sa inyong bahay habang hindi pa humuhupa ang tubig.
Pagtawanan siya dahil nasa bubong na ang kanyang buong pamilya.
Kunan sila ng litrato at ipost sa Facebook.
Panoorin na lang sila na nasa bubong ng kanilang bahay.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q7
May namimigay ng relief sa inyong barangay. Alam mong gustong gusto ng iyong kaibigan na pumila para makakuha ng relief. Ano ang gagawin mo?
Itago ang nakuhang relief para hindi niya malaman na may namimigay
Sabihin na ang binibigyan lang ng relief ay iyong mga taga ibang barangay.
Ilihim sa kanya na may mga namimigay ng relief.
Yayain siya na pumila para mabigyan ng relief.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q8
Kailangan ang pagiging ______sa isa’t-isa upang tumagal ang inyong pagkakaibigan.
masikap
magalang
matiyaga
matapat
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q9
Nabalitaan mo na nasa evacuation center ang kaibigan mo dahil na washed out ang kanilang bahay sanhi ng bagyong Ulysses. Ano ang gagawin mo?
Pupuntahan ko para lang tanungin bakit sila nasa evacuation center.
Magkukunwaring hindi ko nalaman na nasa evacuation center siya.
Dadalhan ko siya ng mga damit at pagkain. Magsusuot ako ng face mask at face shield.
Hahayaan ko na lang siya doon sa evacuation center.
30sEsP6P- IIa-c–30 - Q10
Masyadong nalungkot ang iyong kaibigan at nawalan ng pag-asa sa nangyari sa kanila dulot ng bagyong Ulysses. Paano mo mapapagaan ang kanyang kalooban?
Lahat ng nabanggit ay tama.
Sasabihin ko sa kanya na huwag na siyang malungkot .
Manalig lang sa Diyos malalagpasan din nila ang dumating na pagsubok sa kanila.
Papayuhan siya na huwag mawalan ng pag-asa, ito ay pagsubok lamang.
30sEsP6P- IIa-c–30