
Pagtataya: (module2) kahalagahan ng Ekonomiks-multiple choice
Quiz by RAQUEL VIGILIA
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng mga bagay na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?
Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan suriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.
Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o wala.
30s - Q2
Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba-iba ang ating mga prayoridad. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang kailangan para mas mapa-igting ang pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks?
Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.
Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.
Hindi pakikialaman sa mga usaping panlipunan
paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.
30s - Q3
Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng mga bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw araw na pamumuhay ng tao?
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan.
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang kagustuhan mo sa buhay.
Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng desisyon sa buhay.
30s - Q4
Mahalaga ang impluwensiya ng ekonomiks sa pang-araw araw na pamumuhay ng tao. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Isaalang alang ang mga hilig at kagustuhan
Isaalang alang ang mga dinadaluhang okasyon
Isaalang alang ang paniniwala, kultura, at tradisyon.
Isaalang alang ang pagiging mapanuri at makatuwiran.
30s - Q5
Mahalagang bahagi ng ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang araw-araw na pamumuhay. Bakit kailangan matutunan ang kahalagahan ng ekonomiks lalo na sa mga sitwasyong may pandemya at kaguluhan?
Upang makatipid ang gobyerno dahil sa ipinatupad na lockdown o quarantine.
. Upang mapili ang pwedeng tulungan.
Upang makatutulong ang pamahalaan sa mga tao na naapektuhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong- pinansiyal.l.
Upang mawaldas ang pera ng sambahayan.
30s - Q6
Ang bawat pamilya ay nagpapasya sa loob ng tahanan. Bilang kasapi ng iyong pamilya, bakit kailangan na mas maunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks?
Maaring Sarillihin lamang ang opinyon sa usaping ekonomiko.
Nakatutulong sa pagbuo ng tamang desisyon sa loob ng tahanan.
Walang pakialam sa mga usapin sa pangangailangan ng pamilya.
Nagagamit ang kaalaman sa pagbibigay ng hindi makatuwirang opinyon.
30s - Q7
Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may hinaharap na malaking pandemya na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Nagsasara ang mga pagawaan at humina ang ekonomiya. Bilang mamamayan ng bansa, ano ang dapat nating gawin para manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya?
Pumunta sa ibang bansa para magbakasyon pagkatapos ng quarantine.
Magkaroon ng lockdown hanggang limang taon.
Tangkilikin ang sariling produkto para makatulong sa mga Pilipinong negosyante.
Hayaan ang gobyerno na lumutas sa problema ng bansa.
30s - Q8
Walang pinipiling edad ng tao upang matutunan ang kahalagahan tungkol sa ekonomiks. Ano ang idudulot nito sa isang mag-aaral sa pang-araw araw niyang pamumuhay?
Matutong gumastos sa mga hindi importanteng bagay.
Makatutulong sa mayayamang mamumuhunan sa paglago ng pambansang ekonomiya
Magiging mapanuri at mapagtanong sa paligid.
Mas nanaisin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
30s - Q9
Bahagi ng ekonomiks ang paggawa ng mga produkto upang matustusan ang maraming pangangailangan ng tao. Ano ang pinakamahalagang paraan para matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
Walang pakialam sa kasalukuyang nangyayari
Iwasang mag-impok ng pera sa banko para may kita ang bansa.
Maging matalino sa pagdedesisyon.
Dapat magnegosyo at ipagpaliban ang pag-aaral.
30s - Q10
Pinapahalagahan sa ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran. Paano mo maipakikita ang iyong natutunan tungkol dito sa pang-araw araw na pamumuhay?
Bumili ng kape sa mamahaling coffee shop upang may kita ang tindahan.
Walang pakialam sa nangyayari sa lipunan.
Pagbabadyet ng allowance
Bumili ng mga bilihing naka-discount kahit hindi gagamitin
30s