Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
12 questions
Show answers
  • Q1

    Ito  ay isang paraan ng paglalarawan ng dalawa o higit pang katangian o kalagayan at pag-uugnay ng maaaring magkaiba o magkatulad na katangian o kalagayan.

    paghahambing

    pangangatuwiran

    paglalahad

    pagsasalaysay

    45s
  • Q2

    Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi gumamit ng  paghahambing?

    Ang salawikain at kasabihan ay parehong sumasalamin ng kagandahang-asal at nagbibigay ara sa buhay.

    Magkasingkahulugan ang sawikain  at idyoma.

    Higit na matalinghaga ang mga sawikain kumpara sa mga kasabihan.

    Mahalaga ang salawikain at  kasabihan.

    45s
  • Q3

    Mala-porselana ang kanyang kutis. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?

    malusog at buhay ang kanyang kutis

    maputi at makinis ang kanyang kutis

    mamahalin ang kanyang kutis

    manipis at sensitibo ang kanyang kutis

    45s
  • Q4

    Mala-porselana ang kanyang kutis.  Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?

    Payak

    Di-Magkatulad

    Magkatulad

    45s
  • Q5

    Ang balat ni Maria ay higit na makinis sa balat ni Makiling. Ano ang mga pinaghahambing sa pangungusap?

    ang kulay ng balat nina Maria at Makiling

    ang tekstura ng balat nina Maria at Makiling

    sina Maria at Makiling

    45s
  • Q6

    Alin sa mga pahayag ang hindi gumamit ng di-magkatulad na paghahambing?

    Dahil sa labis na kagutuman, gabundok ang kinain ni Luis.

    Lalong kaibig-ibig ang ugali ni Mara kaysa kay Clara.

    Ang mga bituin ay mas maningning ngayon kumpara kagabi.

    Higit na palabasa ng aklat si Ben kaysa kay Benito.

    60s
  • Q7

    “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanongmasaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan.” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit?

    nagpapakita ng katuwiran         

    nagpapakita ng paghahambing

    naglalahad ng dahilan   

    naglalahad ng di pagsang-ayon

    60s
  • Q8

    Mas masikap si John kaysa kay Aaron. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?

    Paghahambing na magkatulad

    Paghahambing na palamang

    Paghahambang na pasahol

    45s
  • Q9

    Magsinggaling sina Annie at Yana. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?

    paghahambing na palamang

    paghahambing na pasahol

    paghahambing na magkatulad 

    45s
  • Q10

    Alin sa mga pahayag na naghahambing ang hindi kabilang sa pangkat?

    Si Lucio ay di-hamak na mahusay lumangoy kaysa kay Lito.

    Di-masyadong marunong magluto si Belen kumpara kay Annie.

    Ang aking mga marka sa kard ay di-gaanong matataas kaysa noong nakaraang taon.

    45s
  • Q11

    Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi ginagamit sa paghahambing na magkatulad?

    Higit

    gaya

    pareho

    kasing-

    45s
  • Q12

    Alin ang hindi kabilang sa mga salitang ginagamit sa paghahambing na pasahol?

    di-gaano

    di-totoo

    di-gasino

    di-hamak

    45s

Teachers give this quiz to your class