Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak.” Tandaan mo ito sa buong buhay mo”. Ito ay hinango sa parabula ng:

    Alibughang Anak

    Parabula ng Banga

    Talinghaga ng Butil ng Mustasa

    Parabula ng Isang Lapis

    30s
    F9PB-IIIa-50
  • Q2

    Ano ang kahulugan ng pahayag na “ Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”?

    Mahalaga ang oras sa paggawa.

    Kung sino ang naunang dumating, ay siya ring unang aalis.

    Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.

    Lahat ay may pantay-patay na karapatan ayon sa napag-usapan.

    30s
  • Q3

    Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.

    Nobela

    Parabula

    Dula

    Pabula

    30s
  • Q4

    Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”, alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng pagkakapantay- pantay?

    pare-parehong bilang ng salapi

    pagbibigay ng tulong sa lahat

    pare-parehong bilang ng oras ng pagtatrabaho

    pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan

    30s
  • Q5

    Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?

    Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.

    Habang may buhay, magpakasaya ka.

    Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.

    Umiwas sa kamay ng tukso sa paligid.

    30s
  • Q6

    Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng salitang upa?

    salapi

    renta

    kaukulang bayad

    pera

    30s
  • Q7

    Saan maiuugnay ang bangang gawa sa lupa at porselanang banga?

    maputi at maitim

    mahirap at mayaman

    mabuti at masama

    babae at lalaki

    30s
  • Q8

    “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ano ang layunin ng pahayag na ito? 

    nagpupugay

    nagpapasaya

    nagpapaalala

    nag-aaliw

    30s
  • Q9

    Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa magandang payo ng magulang?

    mabibigyan ka ng medalya ng pagkilala

    magiging sikat ka sa pamayanan

    mapabubuti ang buhay mo

    masasangkot ka sa anomang kapahamakan

    30s
  • Q10

    Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan?

    Nakapagbibigay ito ng impormasyon upang guminhawa ang buhay ng tao.

    Nakatutulong ito upang magabayan ang mga tao sa kanilang buhay.

    Ang mga mensahe nito ay hango sa mga aral mula sa Bibliya.

    Ang parabula ay nag-iiwan ng aral sa mambabasa.

    30s
  • Q11

    Ano ang espirituwal na kahulugan ng salapi?

    biyaya galing sa Diyos

    pambayad

    kahalagahan

    kapalit

    30s
  • Q12

    Ang mga manggagawa ay nagsilbi ng buong araw sa ubasan. Batay sa pahayag, ano ang ipinapakitang simbolikong kahulugan ng salitang manggagawa?

    pagtitiyaga

    anghel sa langit

    tauhan

    trabahador

    30s
  • Q13

    Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kaugnayan sa akdang Parabula ng Banga?

    pakikipagkaibigan ng anak sa kapuwa nito kabataan

    pagpapaalala ng ina sa anak tungkol sa masamang dulot ng droga

    pagtatalo ng ina at anak tungkol sa kursong nais nito sa pagpasok sa kolehiyo

    pagpapaalala ng ina sa pagkakaiba ng mahihirap at mayayaman

    30s
  • Q14

    Alin sa sumusunod ang ipinapahatid na mensahe ng akdang “Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan”?

    Ang pagtitiyaga ay magiging daan sa pagkamit ng salapi.

    Huwag hintaying may ibang kikilos para sa ikabubuti mo.

    Ang anomang napag-usapan sa paggawa ay kailangang panindigan.

    Pantay ang sinoman gaano man katagal ang kaniyang iginugol sa paggawa.

    30s
  • Q15

    Salapi ang naging kapalit sa pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ubasan. Alin sa sumusunod ang maiuugnay sa salitang salapi?

    matalinghaga

    espirituwal na kahulugan

    literal na kahulugan

    simbolikong kahulugan

    30s

Teachers give this quiz to your class