
Pakikipagkaibigang Mabuti, Sikaping Manatili
Quiz by Marilou Cunado
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao MALIBAN sa:
Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.
Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba.
Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag-
kaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
30s - Q2
Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
pagpapaunlad ng mga kakayahan
simpleng ugnayang interpersonal
pagpapabuti ng personalidad
pagpapayaman ng pagkatao
30s - Q3
Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan MALIBAN sa:
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
30s - Q4
Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
30s - Q5
Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito
dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
30s - Q6
Para sa bilang 7-10. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:
NagsimulA ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni Zeny.
Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa magagandang gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama ang loob ng huli. Nasasaktan si Cely pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kaniya
Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal / ugali ng kaibigan
Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
120s - Q7
Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang kaibigan?
Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
30s - Q8
Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto ang angkop dito?
Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayang namamagitan.
Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago.
30s - Q9
Alin sa mga sumusunod ay tamang sangkap sa Pakikipagkaibigan?
Pagsisinungaling
Kakayahang mag-siwalat ng lihim
Paggawa ng bagay na mag-isa
Presensiya
30s - Q10
Ang pagkakaibigan ay bunga ng pag bibigay at pag tanggap?
Mali
Tama
30s - Q11
Ang pagkakaibigan ay dumadaan sa mahaba at masalimuot na proseso?
Tama
Mali
30s - Q12
Sumali sa mga samahan ayon sa hilig or interes.
Hindi Nararapat
Nararapat
30s - Q13
Linangin ang angking talino o kakayahan.
Hindi Nararapat
Nararapat
30s - Q14
Hindi mahalagang umunlad ang iyong angking kakayahan.
Hindi Nararapat
Nararapat
30s - Q15
Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?
awayin mo silang dalawa
gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo
sigawan mo sila
pabayaan silang di-magkasundo
30s