
Panghalip Panao 4 & 5
Quiz by Corazon Daan
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Ngayon lang kita nakita dito sa paaralan. Bagong mag-aaral _____ ba rito?
2. Sabi nila may bagong kamag-aral daw kami. _______ ba ang bagong kaklase namin?
3. Ang pangalan ko ay Michael. ______ay sampung taong gulang.
4. Ang tatay at nanay ko ay parehong guro. ______ ang nag-aalaga at nagpapaaral sa akin.
5. Ang kapatid ko na si Melody ay apat na taong gulang. _____ ay nasa kindergarten.
6. Ikaw at ako ay magkaklase. _____ ay mga mag-aaral ni Binibining Katrina Garcia.
7. Pumasok na sa silid-aralan sina Jim at Mica. ______ ay ating mga kamag-aral.
8. Ako, si Jim, at si Mica ay magkakaibigan. Matagal na _____magkakilala.
9. Nakita ko na nag-usap kayo ni Lino. Magkakilala ba ______ ?
10. Nariyan na si Binibining Katrina Garcia. _____ ang ating guro sa English, Science, at Math.
11. Magaling ako magbasa at magsulat sa Filipino kaya ito ang paboritong asignatura _________.
12. Ikaw, ano ang paboritong asignatura _______?
13. Magsisimula na ang klase natin. Mamaya na lang _______ mag-usap.
14. “Mga bata, may bagong kamag-aral kayo. Nais ba _____ na makilala siya?” sabi ni Binibining Garcia
15. “Halika, Anthony. Dito ka sa harap ng klase magpakilala upang marinig ____ ng lahat.