
Paunang Pagsusulit sa Filipino 10 (Ikatlong Markahan)
Quiz by Jobel Candaza
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang nais ipaunawa ng pahayag na “Ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna.”?
Naalala ng batang banga ang pangaral ng kaniyang ina habang siya ay nabibitak at unti-unting lumubog.
Ano'ng aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
"Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.”
Ang linya ng elehiya ay nagpapahiwatig ng _____.
Ang aking ama ay nagbibilang ng poste simula nang magkaroon ng sakit na Covid-19.
Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita?
Lumagay na sa tahimik ang panganay na anak ni Aling Azon.
Ano ang nais ipaunawa ng pahayag?
"Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating sa inyong malawak na ubasan, samantalang kami ay maghapong nagtrabaho. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Anong uri ng tunggalian ito?
Pare-parehoang tinanggap nilang upa sa kanilang paglilingkod.
Ano ang ibig sabihin ng salitang upa?
“Madalas ang pagtatapon ng mga basura at pang-abuso ng tao sa kanilang kapaligiran. Dahil dito, taong 2020 ay rumagasa ang bagyong Ulysses sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan na sadyang kakaiba sa mga nagdaang bagyo sa bansa.”
Ang tunggalian sa sitwasyon ay_____________.
Wala sa sarili ng napatindig si Ibarra nang marinig ang matutunog na salitang “Ama at kulungan.” Nilapitan nito ang kura at idinikit sa leeg ang nadampot na kutsilyo.
Ano ang tunggalian na ginamit?
Mahirap makumbinsi ang hukom sa ebidensyang kanyang inilatag.
Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita?
Ang ipininta ni Michael Angelo ay__________ kaysa kay da Vinci.
Ang Bulkang Taal ang _______ na bulkan sa buong mundo.
“Si Kardo ay dating istambay sa kanto. Madalas din siyang maglasing at mapaaway subalit nang naliwanagan ang kaniyang isipan ng mga salita ng Diyos sa bibliya ay nabago siya nang lubusan.”
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang tauhang tinutukoy ay tauhang bilog at ang mga nangyari sa kaniya ay maaaring mangyari sa tunay na buhay?
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang luha at saka tumayo, mayroon siyang naisip, mula ngayon magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa kaniyang asawa (nakiming iniabot naman ito agad sa kaniya tulad ng nararapat).
Mahihinuhang ang ama ay magiging ______.
Ano ang etimolohiya ng salitang “istambay” sa pangungusap sa tanong bilang 13?
Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng salitang “Diyos”?
“Nakita kong marahan siyang nanaog sa hagdan, ______ ng ilang minuto ay saka pa lamang siya nagbigay ng hudyat upang sumunod ang kaniyang mga kasama. Sa _______ ay nagsama-sama sila sa isang lugar na kanilang napagkasunduan. Sa ilog.”
Punan ng angkop na mga salita na siyang hudyat upang maipakita ang mga pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
“Mano po, Inang,” ang wika ni Camil. “Kaawaan ka palagi ng Panginoon apo ko." ang sagot ng 80 gulang na si lola Remya. “Maraming salamat po, lola. Maraming salamat po sa Panginoon,” ang wika ni Camil sa matanda.
Batay sa usapan, ano'ng karakter mayroon si Camil?
“Ayon sa prinsipyong Kristiyano, ang mga gumagawa sa iyo ng masama ay dapat mong gantihan ng gawang mabubuti. Iyan ang pinagsisikapan kong magawa sa buhay ko,” ang wika ni Maico.
Batay sa pangungusap ni Maico, alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng kaniyang ikinikilos?
Punan ng wastong pang-abay ang bawat patlang.
“Halika _____ upang tayo ay makapag-usap _______ masinsinan nang sa gayon ay masolusyunan ang iyong problema.”
______ araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
Alin ang angkop na pang-abay na pamanahon?
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Alin sa mga sumusunod ang kulturang Asyano na masasalamin sa binasa?
“Likas sa mga Asyano ang makipaglaban at makipag-alyansa upang manalo sa digmaan.”
Ano ang kahulugan ng salitang 'alyansa' ayon sa konteksto ng pangungusap?
Alin-alin sa sumusunod na mga elemento ng elehiya ang binigyang-tuon sa taludtod na may salungguhit batay sa pagkasunod-sunod?

Alin sa sumusunod na mga taludtod ang nagpapakita ng simbolo at damdamin?

Ibigay ang paghihinuha sa maaaring mangyari sa akda batay sa pangyayari.
Laging ipinapaalala ng ina sa kaniyang Anak na siya ay bangang gawa sa lupa.
Ibigay ang paghihinuha sa maaaring mangyari sa akda batay sa pangyayari.
Isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa.