placeholder image to represent content

Paunang Pagsusulit sa Modyul 1: Impluwensyang Hatid ng Pamilya

Quiz by Rosalina C. Luperas

Grade 8
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

     Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?

     paaralan                                  

           pamahalaan

      barangay

     pamilya                                         

     

    30s
  • Q2
    Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
    pagtatanggol ng karapatan
    pinagsama ng kasal ang magulang
    pagkakaroon ng mga anak
    pagsunod sa mga patakaran
    30s
  • Q3
    Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz
    pagiging matatag sa sarili
    may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon
    walang anumang alitan ang bawat isa
    pagiging disiplinado
    30s
  • Q4
    "Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
    Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
    Kung matatag ang pamilya, magiging matatag din ang lipunan dahil ito ang bumubuo rito.
    Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
    Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
    30s
  • Q5
    "Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong positibong impluwensya ang ipinahihiwatig sa pahayag?
    Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
    Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
    Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung maypagmamahalan.
    Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
    30s
  • Q6
    Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
    pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
    pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
    pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
    paghamon sa anak na magtagumpay
    30s
  • Q7
    Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House& Lot ng Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni Aleng Nina?
    pag-aalaga sa kanyang Ina
    pagbibigay-buhay sa kanyang Ina
    pagmamahal sa kanyang Ina
    pag-aasikaso sa kanyang Ina
    30s
  • Q8
    Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
    pagiging madasalin
    pagiging masayahin
    pagiging disiplinado
    pagiging matatag
    30s
  • Q9
    Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa mgasumusunod ang nagpapatunay nito?
    hinahatid sa eskwelahan
    laging binibigyan ng pera ang anak
    sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
    pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
    30s
  • Q10
    Alin sa mahahalagang misyon ng pamilya ang hindi kabilang sa mga sumusunod?
    paggabay sa mabuting pagpapasiya 
    paghubog ng pananampalataya.

    pagbibigay ng lahat ng kagustuhan ng anak

     pagbibigay ng edukasyon
    30s

Teachers give this quiz to your class