
Phase 3 FC Mini-PreBoard 10 - 70 aytem
Quiz by Salindunong RTC
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Kung isasalin ang AU sa wikang Filipino, ito ay magiging _________.
Ito ay paraan ng pagsasalin na inaadap ang normal na bigkas at babaybayin sa wikang Filipino?
Ang mga sumusunod ay mga panununtunan sa pagkilatis ng isang salin ayon kay tylter (1972) maliban sa isa
Ang salin sa Filipino ng Noli Me Tangere.
Ang mga sumusunod ay sinasabing mga nagsasalungatang paraan sa pagsasaling-wika.
1 Salita laban sa Diwa
2 Himig Orihinal laban sa Himig sa salin
3 Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng Tagapagsalin
4 Panahon ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin
“Kukuha ako ng bulaklak sa hardin para sa iyo.” Aling pahayag ang kasingkahulugan nito?
Siya ay isang aliping Griyego na nakilala bilang unang tagasaling-wika noong 240 B.C. na kung saaan isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer na nakasulat sa Griyego?
Nagiging mahirap ang pagsasalin ng mga ekspresyong idyomatiko kapag hindi alam ng nagsasalin ang ugat at kitatanimang
Sa klase ni Bb. Joyce , pumili siya ng isasaling awitin para sa mga mag-aaral mula sa Inggles at ililipat sa Filipino. Ang Filipino ang magsisilbing:
Kapag ang isang guro ng matematika ay nagsalin ng mga aklat sa matematika, siya ay may sapat na nakaalaman sa ?
Ang antas ng pagsalin na tumutukoy sa panlahat at grammatikal batay sa kaisipan himig ng damdamin at mga pagpapalagay na naglalantad ng kabuuang larawan kung saan iaakma ang lebel ng wika.
Ang mga sumsunod ay mga katangian ng tagasalin batay kina Nida (1964), Savory (1968), Santiago (2003), maliban sa isa?
Anong teorya sa pagsasalin na kung saan likas ang pagkakapantay sa wika at kultura bago pa man ang aktuwal na pagsasalin ?
Ayon sa dulog na ito, kahulugan ang dapat na maisalin, hindi ang wika. Ipinapaliwanag dito na laging mas mainam na makita o maipadama imbis na transcoding kapag nagsasalin?
Mahalaga sa pagsasalin ang paggamit ng ___________ upang mapagaan ang mabibigat na salita mula sa wikang ingles.
Anong pamamaran ng pagsasalin ang binibigyang diin ang estetiko ng tunog pagiging natural; ang mga kulturang salita ay hindi gaanong binibigyan diin. Pinahihintulutan dito na maipasok ng nagsasalin ang kanyang sariling pananaw?
Alin sa mga sumusunod ang may pinakamaraming bersiyong salin sa iba’t ibang wika na umabot sa higit 2,000 na bersyon?.
Ayon sa Summer of Institute of Linguistics may tatlong katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na salin, MALIBAN SA ISA?
Ito ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa malapit na katumbas na diwa gamit ang ibang wika?
Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang “A negative mind will never give you a positive life”.
Sa mundo ang buhay natin ay parang nagdaraang hangin. Ano ang katulad na ideya ng pahayag?
Alin sa mga sumusunod ang panununtunan at pamantayan sa pagkakaron ng isang wasto at mabisang pagsasalin?
1. kailangan malinaw ang layunin ng orihinal na teksto
2. iba ang pagsasalin para sa mga bata kaysa sa mga matatanda
3. Kailangan maging konsistent ang anyo ng salin sa orihinal
4. Isaalang-alang ang tunay na pangangailangan
Anong uri ng salin na kung saan ang orihinal na teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng pinagmulang wika.
Anong paraan ng pagsasalin ang paglilipat ng isang salita na nasusulat sa ibang salita sa TL at pagkatapos ang salitang ito ay nagiging hiram na at sa pagdaraan ng panahon dumadaan sa naturalisasyon?
Ang paghihiram ng Filipino mula sa mga salita sa iba’t ibang wika sa tulad ng pinakbet, saluyot, karate at dyip ay tinatawag na paghihiram na ?
Nabanggit ni Nida ang tatlong mahalagang salita na nakapaloob sa proseso ng pagsasalin:
1.Pinakamalapit
2.likas
3. katumbas
4. Matipid sa salita sa pagsasalin
Ang idyomang “Make a mountain out of a molehill” ay nangangahulugang?
Ito ay pagsasalin sa mga manwal, kagamitang instruksyunal, pagsasaling medical, administratibong termino sa pangkalahatan. Tukoy at limitado sa partikular na mambabasa ang ganitong uri ng pagsasalin.
Para sa isang baguhan, ano ang pangunahing konsiderasyon sa pagsasalin ng isang teksto?
Ang mga sumusunod ay mga kailangan ng komunikatibong salin sa ayon kay newmark (1991) maliban sa isa.
Ang pagsasalin ay karaniwang binibigyang kahulugan bilang proseso ng paglilipat ng kahulugan mula sa?
Si Ginoong Mark ay naniniwala sa teorya ng pagsasaling wika na ito, na kung saan ang kontekstong panlipunan ang nagtatakda kung ano at hindi kasalin-salin, at kung ano at hindi ang katanggap-tanggap sa pamamagitan ng pagpili, pagsasala at kahit sa pagsusuri nito?
Binanggit sa aklat ng Pagsasalin nina Batnag et.al. (2009) na ang “translation” sa wikang Ingles ay nagmula sa salitang Latin na ?
Ito ay ang pag-unawa sa literal na kahulugan na makikita sa diksyunaryo?
Ito ay isang uri ng pagsasali na umaayon sa parehong disenyo ang isinasalin kabilang na ang pagsasalin ng salita, parirala, pangungusap mula Filipino sa Ingles.
Ang kanyang ugali ay nagustuhan ko. Ano ang karaniwang ayos ng pangungusap ito.
Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagsasalin?
1 Ang bawat wika ay may sariling karakter. Hindi marapat na
ang ginagawang pagsasalin ay literal o salita sa salita.
2 Kailangang maunawaan muna ng nagsasalin ang kahulugan
ng orihinal na teksto.
3 Laging isaisip ang pagtitipid ng mga salita.
4 Ang mga daglat, akronim, formula na masasabing establisado o universal na ang gamit ay hindi na isinasalin.
Sa pangungusap na “I’ll be the one to break the news to him about the accident” ang bahaging break the news ay nangangahulugang?
Ito ay yugto ng pagsalin ayon kay Newmark (1998) bilang paraan ng pagtataya kung nailipat nang sapat ang mensahe sa tungtunguhang lengguwahe at upang matiyak na taglay ng salin ang mga katangian ng isang mahusay na salin.
Pangunahing nakabatay ang dulog na ito sa gawa ni George Steiner, na naniniwalang ang bawat pakikipag-ugnayan ng tao ay isang pagsasalin?
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior ( pag- uugali, paninniwala,pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa may- akda?
Ano ang anyo ng panitikan na kung saan maluwang na pagsasama-samang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Tuloy-tuloy sa pagsasalita si Diego kahit hindi na siya nauunawaan ngmga tagapakinig. Ano ang nakalimutan ni Diego sa mga dapat tandaan sa pagsasalita?
Sa kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa”, anong katotohanan ang ipinakita sa wakas ng kwento?
Siya ang kinikilalang ama ng panitikang Iloko at ipinapapalagay na siyang Francisco Balagtas ng Iloko.
Kung susuriin ang tulang “Isang Punongkahoy” ni Batute anong pagdulog ang maaaring gamitin?
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may- akda?
Ito ay isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda, anong teoryang pampanitikan ito?
Isang dulog pampanitikan na ang pagpapakahulugan sa isang tekstong binasa ay nakapokus sa sariling panlasa ng mambabasa at kilala rin sa tawag na reader-response theory.
Anong teorya ng diskurso na kung saan pinag-aaralan nito kungpaanong ang mga tao ay nakalilikha ng kahulugan sa isang berbal na interaksyon?
Ang layunin ng teoryang panitikan na ito ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo?
Ang mga akdang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo ay nabibilang sa anong anyo ng panitikan?
Ang layunin ng teoryang pampanitikan na ito ay ipakita na ang tao aymay sariling kakayahan para umangat buhat sa pagdurusang dulot ngpang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panllipunan at pampulitika?
Pagdulog na nagpapakita sa mga simbolismo at sagisag na kumakatawan sa tula.
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap?
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan?
Sumailalim sa isang interbyu ang fresh-graduate na si Jonessa para satrabahong inaplayan nito bilang IT technician sa isang kompanya. Tanging siya lamang at ang nag-iinterbyu ang nasa loob ng silid para sa pag-uusap na iyon. Ang sitwasyon ay halimbawa ng anong uri ng diskurso?
Ito ay nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
Ang duplo ay ginagawa sa ika- ___ na araw ng namatay sa pagitan ng mga__________.
Anong uri ng diskurso na kung saan ito ay masining na pagpapahayag ng iyong ideya sa paggamit ng berbal na pamaraan?
Ito ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap at anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa?
Sa pag-aaral at paggamit ng wika ay may dalawang mahalagang bagay na dapat maunawaan sa pagpapahayag o diskuro, ito ay ang?
Ito ay komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng gramatika, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
Ito ay inaawit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo sa bagong kasal.
Bilang panunuring historical ang “Mabangis na Lunsod” ni Efren Abueg ay sumasailalim sa isang lugar na ayon sa may-akda ay mga tagpong madalas niyang masaksihan sa tuwing siya ay mapapadaansa naturang lugar sa kanyang pag-uwi mula sa skwela. Ang kanyang tinutukoy na mabangis na lungsod ayon sa kwento ay?
Anong teorya ng diskurso ang nauukol sa pamamaraang partisipantobserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad ?
Ito ay isang awit bilang pagpaparangal ng mga Kapampangan sa isang hayop, bagay, lugar o tao na kanilang labis na pinahalagahan.
Anong teoryang pampanitikan ang layuning maglahad ang pagkakaibang estado ng dalawang nag- iibigan?
Ito ay isa sa mga tanyag na akda sa buong mundo na kababasahan ng pag-uugali, pananampalataya, pangkabuhayan at panlipunan ng Persya at Arabia?