placeholder image to represent content

Phase 3 FC Mini-PreBoard 6

Quiz by Salindunong RTC

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
60 questions
Show answers
  • Q1

    Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan , plinano ni Titser Donna na gamiting lunsaran ang mga ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamabisang maimumungkahi sa kanya?

    Makukulay na larawan sa tulong ng overhead projector

    Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo

    Bagong edisyon ng magasing pampaglalakbay

    Isinateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo na sa mga ito

    30s
  • Q2

    Kapag inugnay ang kahulugan ng bagong salita sa pamilyar na konsepto at karanasan gayundin ang mga salitang alam na ng mga mag-aaral, ito’y tinatawag na ?

    pakikisangkot  

    interpretasyon

    holistic

    integrasyon  

    30s
  • Q3

    Ang Republic Act No. 7722 ay mas kilala rin bilang___________. 

     Higher Education Act of 1992 

    DEPED Memo Blg. 30 s. 2004

    Commission on Higher Education Act of 1994  

    Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon

    30s
  • Q4

    Napansin ng guro ang pagiging mahiyain ni Kim sa kanyang klase. Nag-iisip siya kung ano ang maaaring ipagawa sa mga mga mag-aaral upang magkaroon sila ng tiwala sa sarili. Ano ang mungkahing estratehiyang pampagtuturo ang maaari niyang gamitin?

    Jigsaw Teknik

    Sabayang Pagbigkas

    Fishbowl Teknik

    Role-Playing

    30s
  • Q5

    Ang Batas Pambansa 232 o mas kilala rin sa tawag na_________ ang nagtatakda ng mga layunin sa edukasyong pansekundarya. 

    Education Act of 1982

    Education Act of 1983

     Education Act of 232

    Education Act of 322  

    30s
  • Q6

    Sa anong kurikulum ninanais na maikintal sa isang mag-aaral ang pagiging makatao, maka-Diyos at makabansa?

     Sekondarya

    Bokasyunal   

    Elementarya    

    Tersyarya     

    30s
  • Q7

    Layunin ni Bb. Robie na mapaunlad ang lohikal-matematikal na pag-iisip ng kanyang mga mag-aaral. Anong gawain ang ipagagawa niya nang madalas sa kanyang estudyante?

     pagguhit

    pagkukuwento

    problem-solving

    pagsayaw

    30s
  • Q8

    Ang Edukasyon noong panahon na Hapon ay nakasentro sa? 

    Kakristiyanuhan

    Bokasyunal at Pangkalusugan

    Pag-ibig sa bayan

    Nasyonalismo

    30s
  • Q9

    Ano ang pinakamakabuluhang pagkakaugnay ng pagtuturo at pagsusulit?

    Ang pagtataya ay mahahalagang elemento ng isang planong pampagtuturo

    Ang pagsusulit ay panukatan sa pagtatamo ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang pagtuturo ng guro.

    Ang pagtataya ay bahagi ng pagtatamo samantala ang pagtuturo ay dahilan kung bakit may pagtataya.

    Ang pagtuturo ay isinasagawa upang masagot ng natutuhan bilang batayan sa pagtaya sa ginawang pagtuturo ng guro.

    30s
  • Q10

     “Kung nakikita natatandaan, kung naririnig nakakalimutan at kung ginagawa naiintindihan.” Ang pahayag na ito ay mula sa bibig ni? 

    Plato  

    Socrates    

    Confucius 

    Aristotle 

    30s
  • Q11

    Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagsusulit na subhektibo?

    Pagsulat ng sanaysay

    Pagpupuno sa Patlang 

    Maraming Pagpipilian

    Pagtatapat-tapatin

    30s
  • Q12

    Ang representasyong biswal ng mga kaalaman na nagbabalangkas sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mahahalagang aspeto ng mga konsepto o paksa sa isang hulwaran o disenyo ay tinatawag na?

    Spider Web 

    Graphic Organizer 

    Concept Map

    Concept Cluster  

    30s
  • Q13

    Kung ihahanay ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga sumusunod na layunin ng pagsusulit, ano ang maituturing na pinaka huling dapat bigyang tuon?

    Malaman kung kakayahan ang kakayahan ang dapat bigyan ng ibayong

    Gawaing batayan sa pagmamarka

    Mabatid kung tugma ang pamamaraan ng pagtuturo sa kagamitan kailanganin nito.

    Matiyak ang tamang pagsasaayos ng mga Gawain at paglalahad ng aralin

    30s
  • Q14

    Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitang panturo sa paglalahad ng aralin sa iba’t ibang klase na inaangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaaring imungkahing mabisang gamitin?

    Telebisyon

    Larawang ipapakita sa tulong ng LCD projector

    Isinateyp na dayalogo

     DVD

    30s
  • Q15

    Ang unang dapat isaalang-alang kapag naghahanda ng banghay-aralin ay ang ?

    Estratehiya  

    Mag-aaral 

    Estratehiya  

    Layunin   

    30s

Teachers give this quiz to your class