
Phase 3 FC Mini-PreBoard 9 - 65 aytem
Quiz by Salindunong RTC
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Anong uri ng pananaliksik ang tumutukoy sa pagtuklas at pagpapaliwanag ng katangian ng nais saliksikin na madalas pinagtibay ng panayam at pangkatang talakayan o tanungan?
Tulang patnigan na ang kalahok ay mga bilyeka at bilyeko na ginagawa sa ikasiyam na araw ng lamayan.
Aking adhika makita kang sakdal laya
Ang taludtod ay mula sa “Bayan Ko” ni ?
Ang ngalan panitik ni Emilio Jacinto ay?
Tula na binubuo ng apat na taludtod na may pipituhing pantig.
Ito ay teorya tungkol sa barayti ng wika kung saan may pamamalagay na ang wika ay isang panlipunang phenomenon?
Ano ang pagkakaiba ng awit at korido?
Sa dulang “Moses, Moses” binaril ni Regina ang kanyang anak na si Toy dahil alam niyang kapag nailabas ito ng bahay nila ay papatayin din siya ng mga pulis at at palalabasin na siya tumakas. Anong pagbabagong pangakaisipan ang hatid ng naturang tagpo?
Tula na binubuo ng apat na taludtod na may pipituhing pantig.
Naparatangan si Ibarra ng simbahan na isang erehe dahil sa ?
Isang tulang romansa sa Panitikang Filipino, na kung saan nahaharap ang mga tauhan sa pakikipagsapalaran at hango sa tunay na buhay?
Sino ang may mga akdang sumasalamin sa mga kababaihan, ang kanilang buhay, pakikipagsapalaran, karapatan at papel na ginagampanan sa lipunan. Sino sa mga sumusunod na may-akda ang kadalasang nagtatampok ng ganitong anyo ng akda?
Patungkol ito sa mitolohiya ng Gresya.
Noong panahon ng aktibismo pinaksa ang?
Ito ay isang sistematikong disenyo ng pangangalap at pagtataya ng datos na may layuning ilarawan, ipaliwanag, at unawain ang mga aksiyon at pangyayari sa nakalipas sa pinakatugmang interpretasyon?
Ito ay katangian ng mananaliksik na sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon?
Ito ay uri ng pananaliksik na kung saan ang haypotesis ay sinusubok sa pamamagitan ng isang maparaang paggamit ng mga empirikal na mga salik?
Sa pananaliksik, sa anong kabanata matatagpuan ang Disenyo at Paraan ng Pananaliksik ?
Ito ay nagpapakita ng paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus ay ang?
Ang aklat na isinulat ni Modesto de Castro na patungkol sa kagandahang-asal ay ang?
Isinulat ito ni Bonifacio upang maging tuntunin / kautusan ng Katipunan.
Akda ni Luna na naglalaman ng kanyang naging paglalakbay patungong Madrid para sa isang kaibigan.
Ang tulang ito’y nagsasaad na malaki ang tiwala ni Rizal na nag mga kabataan ang mag-uunlad sa bayan.
Anong uri ng maikling kwento na kung saan binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Sino ang may-akda ng “Maynila” na nagkamit ng Unang Karangalan sa Taunang Timpalak ng Talaang Ginto noong 1963, sa tulang ito ipinakitang makata ang dalawang mukha ng lungsod ng Maynila: ang pangit at magandang mukha nito.
Sino ang nagtahi ng unang watawat ng Pilipinas kasama sina Lorenza Agoncilo at Josefina Natividad ?
Ang napangasawa ni Francisco Balagtas Baltazar ay si ?
Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat otanyag na tao.
Ito ang sinaunang tawag sa Balagtasan.
Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay ________.
Ang dulang batay sa alamat ng singsing ng dalaga na naihulog sa dagat ay ang _________.
Si Darna isang kathang-isip ay isang babaing tagapagtangol ng daigdig mula sa mga elemento ng kasamaang mula sa ibang planeta. Sa pagsasapelikula ng nasabing akdang pangkomiks, sino ang unang gumanap bilang darna?
Ito ay isang tulang na karaniwang may 14 linya. Hinggil sa damdamin atkaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Ayon sa obra maestro Noli Me Tangere, bakit pinarusahan si Crispin ng sacristan mayor sa pamamagitan ng paghimpil sa bata nang matagal sa simbahan kahit bisperas ng Kapaskuhan?
Kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiyang ehipto.
Sino ang tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan”?
Sino ang maituturing na isa sa pinakatanyag na kritiko ng panitikang Filipino na laging kasangkot sa pagbibibigay-kulay sa panulaang Filipino.
Ito ay isang pangmasang pahayagan dahil abot-kaya ang presyo nito at nakasulat sa wikang Filipino kung kaya tunay na naiintindihan ng mga tao.
Sino ang tinaguriang “Makata ng Lahi”?
Ito ay pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor bilang Corazon dela Cruzna ipinalabas noong 1976 unang pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas na humakot ng halos limang karangalan sa ika- 25 FamasAward.
Naging popular sa kulturang Pilipino ang pagkahumaling sa mgabayaning may taglay na kakaibang kapangyarihan sa pagtanggol sasanlibutan tulad nina Capt. Barbel, Dyesebel, Gagambino at lastikmanna mga kathang – isip ng malikot na guniguni ni Mars Ravelo. Sa anongunang komiks ito ang unang naiguhit at nabasa ng masa?
Ito ang may pinakamahabang soap opera o teleserye na nakahiligan ng mga Pilipino sa kani-kanilang tahanan sa kasaysayan ng telebisyon?
Patungkol ito sa mitolohiya ng Gresya.
Anong akda ang nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak pagsulat ng maikling kwento noong panahon ng hapon?
Ang panitikan ay tumutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man o binibigkas para maipakita ang realidad at katotohanan at makalikha ng isa pang daigdig na _________ sa katotohanan.
Kauna-unahang nobelang nailimbag sa Pilipinas.
Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura.
Ito ay isang uri ng dula na ang layunin ay mag- dulot ng katatawanan samga tagapanood. Ito'y gumagamit ng eksaheradong pantomina,pagbobobo(clowning) mga nakakatawa, nakakatawang komikongpagsasalita ng karaniwang isinasagawa sa mabilisan.
Ano ang pinakamahabang epiko ng Panay?
Ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popularngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ngmga tao sa murang halaga.
Napag-alaman nina Donna at Robie sa pamamagitan ng pagbabasa na mayroong langit, purgatoryo at impyerno, subalit nakalimutan nila kungalin sa mga akdang pampanitikan ito maaaring basahin.
Ito ang kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Nasasalamin dito ang mga layunin, damdamin at pag–asa ng isang lahi ?
Basahin at uwain ang sumusunod na saknong na halaw sa Florante atLaura. Tukuyin kung kanino ito patungkol at ang pagpapahalagang napapaloob dito.
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bungal ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog
Ito ay pahayagan nakasulat sa Ingles, ang target na mambabasa ay ang mga naka-aangat sa buhay. Anong uri ng pahayagan ito?
Ito ay ang pagsikat o pagiging popular ng anumang kultura bunga ng pagtangkilik ng mga tao, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingala?
Ito ay uri ng dula na may malungkot na pangyayari pero magtatapos na rin sa pagtatagumpay o masayang wakas.
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay maaaring ginawang isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Anong pinagmumulan ng kulturang popular ito
Ito ay isang tulang liriko na nagpapahayag ng masidhing damdamim. Tungkol din ito sa paghanga o pagpuri sa isang bagay?
Isang uri ng makabagong awit na kadalasan binibigkas nang patula ang bawat linya nito na magkakatugma sa saliw ng isang naangkop natugtugin.
Sino ang tinaguriang ‘Unang Tunay na Makata,’ ipinalalagay na ang naipalathala niya noong 1708 ang may katangian ng tunay na tula.
Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular.
Ang mga entreprenyur ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi,maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba papara matawag na maganda. Anong pinagmumulan ng kulturang popularito?
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang progresibo na bansa. Anong pinagmumulan ng kulturang popular ito?
Ginagawa sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay.
Kung susuriin ang mga akda ano ang pagkakatulad ng Florente at Lauraat El Filibusterismo?