placeholder image to represent content

Physical Education

Quiz by BENGEN RAMIREZ

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    Ang larong batuhang bola ay isang larong Pinoy na hango sa Amerikanong laro na Dodgeball.
    Mali
    Tama
    30s
  • Q2
    Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy tulad ng batuhang bola ay mainam na paraan upang mapaunlad ang tatag ng kalamnan, cardiovascular endurance, at power.
    Tama
    Mali
    30s
  • Q3
    Ang pagsipa at pagpalo ay mga kasanayan sa paglalaro ng batuhang bola.
    Mali
    Tama
    30s
  • Q4
    Ang layunin ng taya sa batuhang bola ay batuhin ng bola ang bawat miyembro ng kabilang pangkat hanggang sa mataya.
    Mali
    Tama
    30s
  • Q5
    Matigas na bola ang pangunahing kagamitan sa paglalaro ng batuhang bola.
    Mali
    Tama
    30s
  • Q6
    Ang larong kickball ay inihahalintulad sa larong ______________
    Baseball at Softball.
    Tennis at Table Tennis
    Billiard at Chess
    Volleyball at Basketball
    30s
  • Q7
    Ano-ano ang mga kagamitan sa larong kickball?
    bola ng football at baseball bat
    bola ng football at beanbag bilang base
    bola ng football at flag
    bola ng football at net
    30s
  • Q8
    Ano-ano ang mga kasanayan sa paglalaro ng kickball?
    pagsipa, pagtakbo, pagshoot, pagsalo, pagpapagulong at paghagis.
    pagsipa, pagtakbo, pagpasa, pagtago, pagpapagulong at paghagis.
    pagsipa, pagtakbo, pagpasa, pagsalo, pagpapagulong at paghagis.
    pagsipa, pagtalon, pagpasa, pagsalo, pagpapagulong at paghagis.
    30s
  • Q9
    Ito ay halimbawa ng larong striking o fielding games.
    Batuhang tsinelas
    Tatsing
    Tumbang preso
    Kickball
    30s
  • Q10
    Ito ay uri ng laro kung saan ang manlalaro ay makakukuha ng puntos sa pamamagitan ng pagtama ng isang bagay at pagtakbo ng hindi mahuhuli ng kalaban papunta sa base.
    Badminton
    Striking o fielding game
    Softball
    Target Game
    30s
  • Q11
    Ito ay larong Pinoy kung saan ang manlalaro ay babatuhin ng tsinelas ang lata upang mapaalis ito sa loob ng bilog.
    Luksong Baka
    Tumbang Preso
    Tatsing
    Batuhang Bola
    30s
  • Q12
    Ito ay larong Pinoy na kung saan ang patpat ay kinakailangang mapalo nang malayo.
    Piko
    Syato
    Tumbang Preso
    Luksong Baka
    30s
  • Q13
    Ito ay isang Larong Pinoy kung saan ang taya ay babatuhin ng bola ang bawat miyembro ng kabilang pangkat hanggang sa mataya.
    Tumbang Preso
    Batuhang Bola
    Piko
    Syato
    30s
  • Q14
    Ito ay Larong Pinoy kung saan ang manlalaro ay gumagamit lamang ng pamato upang makakuha ng pinakamaraming tansan mula sa loob ng iginuhit na hugis sa lupa.
    Piko
    Tatsing
    Batuhang Bola
    Syato
    30s
  • Q15
    Ito ay Larong Pinoy kung saan ang manlalaro ay kinakailangang makatalon sa ibabaw ng baka.
    Luksong-Baka
    Syato
    Tatsing
    Batuhang Bola
    30s

Teachers give this quiz to your class