
PILIPINAS
Quiz by EILLEEN TABA
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang Pilipinas ay binubuo ng ___________________ pulo na nahahati sa tatlong kumpol ng mga pulo.
Ang Pilipinas ay matatagpuan din malapit sa __________________ at sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko na siyang dahilan kung bakit madalas tamaan ang bansa ng mga bagyo at lindol.
Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Ang pagdating ni __________________________ noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya.
sumiklab ang Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-marahas na himagsikan.
Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya.