placeholder image to represent content

POST TEST sa ESP (Q2)

Quiz by Sarah Alzaga

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Nakita mo ang mag-iinang Badjao na palipat-lipat ng jeep habang nagbibigay ng sobre sa mga taong nakasakay dito. Wala kang pera pero may ekstra ka pang tinapay at inumin.

     Ibibigay ko sa batang Badjao ang aking ekstrang pagkain.

    Ibibigay ko sa katabing bata ang aking ekstrang pagkain.

    Kakainin ko ang aking ekstrang pagkain.

    30s
  • Q2

    May kumatok na isang matandang babae sa inyong bahay. Humihingi siya ng tulong dahil nawalan ng trabaho ang kanyang mga anak nang magkaroon ng pandemya. Ano ang maaari mong maitulong sa matanda?

    Hihingi ako ng pera o pagkain sa aking nanay at ibibigay sa matanda.

    Tatawagin ko ang nanay ko para siya ang magbigay ng tulong.

    Kukuha ako ng pera sa bulsa ng nanay ko nang walang paalam at ibibigay sa matanda.

    30s
  • Q3

    Tuwing umaga, nakikita mo ang iyong ninang na naglalakad papuntang palengke. Ano ang iyong gagawin?

    Titingnan ko lang at magkukunwaring hindi ko siya nakita.

    Babatiin ko siya ng “Magandang umaga po.”

    Hindi ko siya papansinin at magtatago.

    30s
  • Q4

    Habang naglalaro kayo ng takbuhan ng iyong mga kaibigan ay hindi sinasadyang mapatid mo si Erwin sa paa at bigla siyang nadapa. Ano ang dapat mong gawin?

    Tatawanan ko lang siya.

    Tatakbo at iiwanan ko na lang siya.

    Hihingi ako ng paumanhin sa kanya.

    30s
  • Q5

    Isang hapon, habang bumibili ka sa tindahan, nakita mo ang iyong dating guro ng unang baitang na naglalakad galing paaralan. Ano ang iyong gagawin?

    Babatiin ng “Magandang hapon po”.

    Magtatago ako.

    Hindi ko papansinin.

    30s
  • Q6

    Gusto mong maglaro ng bagong laruan ng iyong nakababatang kapatid at alam mo kung saan ito nakatago.

    Magpapaalam muna ako sa kapatid bago kunin.

    Kukunin ko sa pinagtataguan ang laruan.

    Kukunin ko at sisirain ito.

    30s
  • Q7

    May bagong bata na dumating sa lugar ninyo at galing ito sa probinsya kaya mapapansin mong iba ang kanyang salita.

     Tatawanan ko ang kanyang salita.

    Kakaibiganin ko siya.

     Hindi ko siya papansinin.

    30s
  • Q8

    Palihim na kinakain ni Ana ang biniling biskwit na para sana sa kanila ng kanyang kambal na si Arnold. Naubos niya ito at wala nang natira. Ano ang ibinahagi ni Ana kay Arnold?

    Kakayahan

    Gamit

    Wala

    30s
  • Q9

    Nagpakitang-gilas si Cris sa kanyang Tiktok. Ipinapakita niya ang galing niyang umarte sa kanyang mga manonood sa pamamagitan ng maiikling bidyo. Ano ang ibinabahagi ni Cris sa mga tao?

     Pera

    Gamit

    Talento

    30s
  • Q10

    Kailangan ng mga boluntaryo para sa paghahanda ng mga donasyong lumang damit para sa mga tinamaan ng bagyong Rolly. Ligtas sila Jean at kanyang pamilya kaya naisipan nilang tumulong, Ano ang kanilang ibinahagi?

    Talento

    Kakayahan

    Gamit

    30s
  • Q11

    Nais makipagkaibigan ni Marielle kay Julio na anak ng bago nilang kapitbahay. Ano ang dapat gawin ni Marielle?

    Inggitin si Julio habang nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.

    Hintayin na lamang na makipag – usap sa kaniya si Julio.

    Magpapakilala si Janielle kay Julio.

    30s
  • Q12

    Malungkot ang kaibigan ni Aldrin. Alin ang HINDI tamang paraan ng pagpapakita ng pag – unawa sa kaniyang kaibigan?

    Itanong ang nararamdaman ng kaniyang kaibigan.

    Iwasang kausapin ang kanyang kaibigan.

    Kausapin at makinig sa kaniyang kaibigan.

    30s
  • Q13

    Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng isang maayos na pamayanan?

    Hindi magkakakilala ang mga tao sa pamayanan.

    Ang mga tao sa pamayanan ay may paggalang at malasakit sa isa’t – isa.

    Mayayaman ang mga nakatira sa pamayanan.

    30s
  • Q14

    Paano ka makatutulong na maging maayos ang inyong pamayanan?

    Igalang ang mga opisyal ng paaralan.

    Sumunod sa mga patakarang ipinatutupad.

    Itapon ang mga kalat sa kung saan-saan.

    30s
  • Q15

    Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga halimbawa ng pagsunod sa mga patakaran ng pamayanan?

    Sumusunod ako sa mga pinuno at tauhan upang maging malinis, maayos at payapa ang aking pamayanan.

    Nais kong maging maganda ang lahat ng lugar sa aking pamayanan.

     Hindi pa kailangang sumunod sa tuntunin at patakaran ang mga bata.

    30s

Teachers give this quiz to your class