
(PP = TT) Pagsasalin. Pagsusulit. = Translation. Test.
Quiz by ANDRES III PALCO
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sino ang nagsabi na ang ilan sa mga layuning nagbubunsod sa pagsasaling-wika ay ang pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda, sa pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng isang bansa o panahon, at pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akda?
Dapat taglayin ang sapat na kaalaman sa X ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Ano ang X sa unang pangungusap?
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. Anong taon ito inihayag ni Santiago?
Ano ang pagkakasalin sa Ingles ng pahayag na ito?
"Sei così testardo! Non voglio più parlare con te."
Ano ang pagkakasalin ng pariralang третья мировая война sa wikang Filipino?
Kailangang isalin ni Vhie sa Filipino ang mga pahayag na nakasulat sa wikang Ingles. Parte ito ng kanilang pagsusulit sa Linggwistika. Isa sa mga pahayag ay I'm so stressed out right now and you're just sitting on a couch while binge-watching Euphoria! Can't you see the elephant in the room? It's raining cats and dogs! I need to sunbath! Ang naging sagot ni Vhie ay Sobrang stressed ako ngayon at nakaupo ka lang sa isang couch habang nanonood ng Euphoria! Hindi mo ba nakikita ang elepante sa silid? Umuulan ng pusa at aso! Kailangan kong mag-sunbath! Kung isasaalang-alang ang mga katangian at pamantayan ng pagsalin, tama ang naging sagot ni Vhie?
Sinabihan ka ng iyong ina na magluto ng agahan. Iniwan niya ang pinakatago-tago niyang papel kung saan nakasulat kung paano lutuin ito. Ang nakasulat sa papel ay 1. Eier und Milch miteinander verquirlen. Das Mehl hinzufügen und schlagen, bis der Teig glatt und klumpenfrei ist. 2. Erhitzen Sie eine beschichtete Pfanne bei niedriger bis mittlerer Hitze mit Speiseölspray. 3. Sofort mit Joghurt, Eiscreme, Schlagsahne, Ahornsirup, Beeren oder anderen Toppings nach Belieben servieren. Base sa nakasulat, ano dapat ang iyong lulutuin?