placeholder image to represent content

PRE-TEST in ESP 8- (MODUELE34)

Quiz by Abbygayle Romano

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Paano masasabing nagpasasalamat ang taong nakatanggap ng tulong sakanyang kapwa?

    pagpapalagay sa sarili bilang biktima

    pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling silaay may pinagdadaanan

    pagpapakita ng Entitlement Mentality

    pagpapakita ng inggit

    30s
  • Q2

    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?

    pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa

    pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso

    paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihangginawa sa iyo

    pagtulong sa mga gawaing bahay

    30s
  • Q3

    Abala ang mga magulang ni Jessy sa kanilang trabaho. Palagi silang pagodkapag umuuwi ng bahay. Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay paramabawasan ang mga isipin ng mga ito at maaga itong makapagpahinga dahilalam niyang hindi madali ang maghanapbuhay. Paano naiparamdam ni Jessyang pasasalamat nito sa kanyang mga magulang?

    pagtulong sa mga gawaing bahay

    pagbababad nito sa panonood ng ibat ibang pelikula

    pagtulog ng maaga

    pag-iwas sa mga gawaing bahay

    30s
  • Q4

    Anong ugali mayroon si Jessy?

    masigasig

    maaalalahanin

    matapang

    masinop

    30s
  • Q5

    Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad ngmag-isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ngkanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siyanatulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang gurodahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya, maraming pagkakataon nanatulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na angnangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpapasalamatsa kanyang kapwa si Berta?

    Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito.

    Hindi, dahil sa kagustuhan nitong dapat ay tulungan rin siya ngkanyang kaibigan at nararapat lamang na nasa tabi niya ito palagi.

    Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.

    Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kayahindi siya natulungan.

    30s
  • Q6

    Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapasalamat ni Berta sakanyang kaibigan?

    hindi paglimot sa kanyang nagawang tulong

    mabait sa kanyang kaibigan

    maunawain

    pagpapakita ng inggit sa kapwa

    30s
  • Q7

    Anong klase ng ugali ang ipinapakita ni Berta?

    mapagbigay

    maawain

    maaalalahanin

    makasarili

    30s
  • Q8

    Mabait at mapag-arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mgaito na mapagkalinga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw,napagbintangan itong nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit hindinaman ito totoo. Isinaloob na lamang ito ng ginang dahil ayaw niyangmakagambala sa kanyang mga anak. Lingid sa kanyang kaalaman, nalamanng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng kanilang ina.Habang umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak.Inaliw siya at dinamayan ng mga ito at sinabing naniniwala silang hindi nitomagagawa ang mga ibinibintang na kasalanan dito. Anong paraan ang ginawang mga anak upang mapasalamatan ang kanilang ina?

    Inaway ng mga ito ang kanilang ina sa ginawang kasalanan nito.

    Binigyan ng papuri ng mga anak ang kanilang ina.

    Pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila aymay pinagdadaanan.

    Pagpapabaya ng mga ito sa problemang kinakaharap ng kanilang ina

    30s
  • Q9

    Angkop ba ang kilos na ipinakita ng mga anak sa kanilang ina kungpagbabatayan ang pananaw o perspektibo ng katarungan?

    Hindi, dahil masama ang pinaggagawa nito.

    Oo, dahil wala naman itong ginawang kasalanan at napagbintanganlamang ito.

    Oo dahil ito ang nagpalaki sa kanila dapat ay kinukunsinte na lamangnila ang mga ginagawa nito.

    Hindi, dahil panlalamang ito sa kapwa.

    30s
  • Q10

    Simula’t sapul ay walang nakalalamang sa angking kakayahan ni Jessa.Nabago lamang ito nang dumating ang kanilang bagong kaklase na si Sara.Mabait, matalino at palakibigan ito, kabaliktaran sa mga kaugaliangipinapakita ni Jessa kaya madali nitong nakapalagayang loob ang buong klase.Malaki ang inggit dito ni Jessa. Nasanay kasi itong nasa kanya palagi angatensyon ng kanyang mga kaklase. Sa kagustuhang malamangan niya itonakipagkaibigan siya rito. Tinuring ni Sara si Jessa na isang matalik nakaibigan. Anuman ang pangangailangan nito ay tinutugunan niya sa abot ngkanyang makakaya. Hindi alam ni Sara na nagbabalat- kayo lamang ito.Sinisiraan na pala siya nito sa kanilang mga kaklase. Napag-alaman lamangniya ito nang minsang pagsabihan siya ng mga kaklase. Kalaunan, binalewalaniya na lamang ito dahil ayaw niyang magkaroon ng hidwaan sa pagitan nilangdalawa. Naipakita ba ni Jessa ang pasasalamat sa lahat ng nagawa ni Sara parasa kanya?

    Oo, dahil may utang na loob siya rito at dapat na tulungan niya rin ito.

    Oo, dahil kinaibigan niya ito

    Hindi, dahil wala siyang pakialam dito.

    Hindi, dahil nanaig ang inggit sa kanyang kalooban.

    30s
  • Q11

    Anong katangian ni Jessa ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat kaySara?

    mabait

    makasarili

    matapang

    mayabang

    30s
  • Q12

    Batay sa sitwasyon, tama ba ang ipinakitang pakikitungo ni Jessa sa kanyangkaibigan?

    Hindi, dahil isang mabait na bata si Jessa

    Oo, dahil nararapat lang na walang makalamang sa kanya.

    Hindi, dahil mabuti ang intensyon ng pakikipagkaibigan ni Sara kayJessa.

    Oo, dahil isang hamak na transferee lamang si Sara.

    30s
  • Q13

    Lumaki sa mahirap na pamilya si Diego. Sa murang edad, nangarap siya na sakanyang paglaki ay tutulungan niya ang kanyang pamilya upang maiahon itosa hirap ng buhay na pinagdaraanan nila. Isang pangyayari ang nagtulak kayDiego na makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa Maynila nang minsangmagkasakit ang kanyang ama. Pinalad siyang makapasok bilang isangconstruction worker. Dahil sa matibay na paniniwala nito sa Poong Maykapal,hindi siya sumuko sa mga pagsubok na kanyang nararanasan. Nagsikap ito sakanyang trabaho hanggang sa kalaunan ay umangat ang posisyon nito. Kinuhaitong kanang kamay ng kanilang boss. Napagamot niya ang kanyang ama atumasenso ang kanilang buhay. Upang makapagpasalamat sa Panginoon salahat ng biyayang natanggap niya tinulungan din niya ang mga taong kanyangnakasasalamuha na nangangailangan ng tulong. Paano naipakikita ni Diegoang kanyang pasasalamat sa Panginoon?

    natutong tumulong sa kanyang sarili

    naaawa sa kanyang ama

    pagiging tapat sa kanyang trabaho

    paglilingkod sa kapwa

    30s
  • Q14

    Anong katangian ang ipinakita ni Diego para pagpalain siya ng Panginoon sakabila ng napakaraming pagsubok na kanyang nararanasan?

    masipag

    matatag

    matulungin

    matalino

    30s
  • Q15

    Angkop ba ang paraan ng pagpapasalamat ni Diego sa Panginoon?

    Hindi, dahil naimpluwensyahan lamang siya ng kanyang mgakasamahan sa trabaho.

    Oo, dahil naibahagi niya ang kanyang mga natanggap na biyaya sapamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

    Oo, dahil matalino siyang tao.

    Hindi, dahil hindi niya natulungan ang mga kasamahan niya sa trabaho.

    30s

Teachers give this quiz to your class