Pre-test in Filipino
Quiz by Mary Grace Florendo
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 12 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.
Nag-aaral ng aralin si Ana araw-araw bago makipaglaro sa kaniyang nakababatang kapatid. Kinabukasan, nagbigay ng pagsusulit ang kanyang guro. Alin ang angkop na wakas ng kuwento?
Pinagalitan si Ana ng kanyang mga magulang.
Matataas ang mga markang nakuha ni Ana.
Bumagsak si Ana sa pagsusulit.
Umiyak nang umiyak si Ana dahil natalo siya sa laro.
120sF3PB-IIIi-14 - Q2
Umulan nang malakas kagabi. Kinabukasan paggising ni Berto, binuksan niya agad ang kanilang telebisyon upang manood ng balita. Habang nagbibihis siya, sinabi sa balita na Signal No. 3 na ang Metro Manila. Alin ang angkop na wakas ng pangyayari?
Papasok na siya.
Nagsuot na siya ng sapatos.
Nagpalit uli siya ng damit pang-alis upang mamasyal sa parke.
Nagpalit uli siya ng damit-pambahay at tumulong sa mga gawaing bahay kay nanay dahil walang pasok.
120sF3PB-IIIi-14 - Q3
Ilapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa aralin. Alin dito ang iyong naobserbahan na pangyayari ngayong panahon ng pandemya?
Walang paninda sa lahat ng pamilihan.
Nawalan ng trabaho ang lahat ng manggagawa.
Walang sumasakay na tao sa mga sasakyan.
Nakasuot ng “face mask at face shield” ang bawat mamamayan sa tuwing sila ay lalabas ng kanilang tahanan.
120sF3PS-Ii-3.1 - Q4
Noong wala pang pandemya, tuwing araw ng Lunes, napakaraming mag-aaral ang nagtitipon sa gym para sa “Flag Raising Ceremony”. Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang iyong naobserbahan?
Magulo ang mga mag-aaral sa pila at hindi nila iginagalang ang pagtaas ng watawat.
Nagpapalakpakan ang mga bata habang itinataas ang watawat ng Pilipinas.
Masayang nagtatakbuhan ang mga bata.
Buong paggalang ang pag-awit ng mga bata sa Pambansang Awit at sabay-sabay rin sila sa pagbigkas ng Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.
120sF3PS-Ii-3.1 - Q5
Nais pitasin ng bata ang mga mangga ngunit hindi niya maakyat ang puno. Ano ang kasingkahulugan ng salitang “pitasin” sa pangungusap?
kainin
akyatin
putulin
kunin
120sF3PT-IIId-h-2.1 - Q6
Sumibol na ang mga binhing itinanim ni Marco sa kanilang bakuran. Ano ang kasingkahulugan ng salitang “sumibol” sa pangungusap?
tumubo
nalanta
dumami
namatay
120sF3PT-IIId-h-2.1 - Q7
Napansin ni Marta na mahaba ang pila sa bayaran kaya’t nagmadali siya sa pamimili upang makapila na agad. Alin sa mga salita ang kasalungat ng may salungguhit na salita sa pangungusap?
mataas
maliit
maikli
malawak
120sF3PT-IIId-h-2.1 - Q8
Malayo sa tirahan ni Berna ang kanyang paaralan ngunit ito’y malapit naman sa bahay ng kanyang Lola. Anong pares ng salitang magkasalungat ang ginamit sa pangungusap?
ngunit - naman
paaralan - tirahan
Berna - Lola
malayo - malapit
120sF3PT-Ij-2.3 - Q9
Mahalin mo ang iyong mga magulang. Iyan ang madalas na pangaral ng mga matatanda sa mga kabataan ngayon. Ano ang salitang-ugat ng salitang “mahalin” na ginamit sa pangungusap?
maha
halin
mahal
alin
120sF3PY-IVb-h-2 - Q10
Gusto mong dumaan sa pinto ngunit nag-uusap ang iyong nanay at tatay. Ano ang magalang na pananalita ang iyong sasabihin?
Padaan nga.
Makikiraan po.
Umalis kayo at dadaan ako.
Pwede ba na doon na lamang kayo mag-usap sa tabi.
120sF3PS-If-12 - Q11
Tapos na ang klase ng kuya mo, nais mong hiramin ang kanyang laptop. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
Kuya, pahiram ng laptop mo.
Kuya, kukunin ko ang laptop mo.
Kuya gagamitin ko ang laptop mo.
Kuya, maaari ko po bang mahiram ang laptop mo?
120sF3PS-If-12 - Q12
Malawak ang taniman ni MangTasyo sa paligid ng kanyang kubo. Alin sa mga sumusunod na salita ang katugma ng salitang “taniman”?
paligid
halaman
malay
mais
120sF3KP-IIb-d-8 - Q13
Si Aling Belen ay namili sa supermarket kaninang umaga. Ano ang katugmang salita ng supermarket?
basket
pamilihan
nanay
babae
120sF3KP-IIb-d-8 - Q14
Si Ken ay nag-iimpok upang mabili ang mga pangangailangan niya sa paaralan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nag-iimpok?
gumagawa
natutulog
nag-iipon
gumagastos
120sF3PT-IIId-h-2.1 - Q15
Nag-aaral ako nang mabuti upang makamit ko ang aking mga pangarap. Ano ang kasingkahulugan ng salitang makamit?
maabot
maibigay
mabili
makita
120sF3PT-IIId-h-2.1