placeholder image to represent content

PRE-TEST-ARALING PANLIPUNAN-11

Quiz by RIA E. SANCHEZ

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    Ang mga ekomomista ay nagbigay ng kanya-kanyang konsepto at perspektibo ukol sa Globalisasyon, alin sa mgasumusunod ang pinaka-angkop na naglalarawan sa nabanggit na Isyung Panlipunan?

    Malayang pagpasok ng mga imported na produkto sa pandaigdigang pamilihan.

    Paglawak ng ugnayan sa pagitanng mga mahihirap at mayayamang bansa.

    Pagkakaroon ng malayang kalakalan upang magkaroon ng kompetisyon.

    Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya,kultura, pulitika at siyensya sa daigdig.

    30s
  • Q2

    Alin sa sumusunod ang pinakatumpak na kahulugan ng Globalisasyon?

    Pagbabago sa ekonomiya atpolitika na may malaking direktang epekto sa Sistema ng pamumuhay ng mgamamamayan sa buong mundo.

    Mabilis na paggalaw ng mga taotungo sa pababagong pulitikal t ekonomikal ng mga bansang mahihirap at maskomplikadong pagkakaroon ng foreign direct investment na dala ng Multinasyonalna kompanya.

    Isang mahabang proseso ngpagsulong bilang nangungunang kaisipang pang-ekonomiya sa pamamagitan ngpagrereistruktura o muling pag-aayos ng pandaigdigang ekonomiya.

    Ang pagpapalaganap ngteknolohiya at ideya sa pamamagitan ng pandaigdigang transportasyon atkomunikasyon, daan upang humina ang sector ng agrikultura ngunit pinasigla angindustriya ng paglilingkod.

    30s
  • Q3

    Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kanilang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang pagglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa ng bansa. Ano ang iskemang subcontracting?

    Pag-eempleyo ng isang manggagawaupang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.

    Sistema ng pagkuha ng isangkompanya sa isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isangtrabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

    Pagkuha sa isang ahensya oindibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabangpanahon.

    Iskema ng pagkuha ng isang ahensya o indibidwal g isang subcontractor ng isang kompanya para sa pagsasagawa ng isang trabaho o serbisyo.

    30s
  • Q4

    Isa sa mga kinakaharap na isyung paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng Sistema ng mura at flexible labor.Alin sa susmusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexiblelablor?

    Ito ay paraan ng mganamumuhunan na bigyan ng Kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili  ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.

    Itoay paraan ng mga namumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sapagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mgamanggagawa

    Ito ay paraan ng mganamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ngpagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mgamanggagawa.

    Ito ay paraan ng mganamumumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ngpagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mgamanggagawa.

    30s
  • Q5

    Dahil sa kalakalan, malayang nakakapasok ang mga imported na mga produkto sa ating bansa at makikita itong naibebenta sa ating lokal na pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakitang negatibong epekto ng pagpasok ng mga imported na mga produktong agrikultural?

    Nakikinabangang mga mamimili ng mababang presyo ng mga produkto

    Nawawalan ng pinagkakakitaanang mga magsasaka ng bansa.

    Magkakaroon ng kompetisyon saimported at local na produkto.

    Pagliit ng kita ng sector ng agrikultura

    30s
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng Migrasyon?

    Tumutukoy sa suliranin dulot ngpagtungo ng mga propesyonal na manggagawa sa ibang lugar upang magtrabaho.

    Tumutukoy sa dami o bilang ngtao sa isang lugar.

    Tumutukoy sa integrasyon ngekonomiks, political,kultural,relihiyon, at sistemang sosyal na sumasakop sabuong daigdig.

    Tumutukoy sa prosesong pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar maging ito ay pansamantala o permanente man.

    30s
  • Q7

    Ano ang ipinahihiwatig ngpangungsap na ito, “ Binago ng Globalisasyon ang workplace at ang katayuan ngmga manggagawang Pilipino.”

    Umangat ang kalidad ngpamumuhay ng mga manggagawang Pilipino

    Lumaki ang porsiyento ngjob-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga college graduates sa demand nakasanayan ng mga kumpanya.

    Dumagsa ang mga dayuhangkumpanya na nasa ilalim ng Business Process Outsourcing.

    Tumaas ang kakayahan ng mgamanggagawa dahil sa binagong curriculum sa Sistema ng edukasyon.

    30s
  • Q8

    Dahil sa Globalisasyon nagkaroon ng malayang kalakalan na kung saan tinanggal ng mga bansa ang taripa,kota, mga krayterya para sa mga inaangkat na produkto, at mga iba pang hadlang sa  malayang kalakalan. Alin sa mgasumusunod ang kabutihang naidulot ng nabanggit sa atin?

    Nakokontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

    Tataas ang kita ng mga local naprodyuser.

    Magkakaroon ng mga pamilihangpandaigdig na nagbubukas ng isang kumpetisyon.

    Mas maraming produkto ang mapagpipilian ng mga mamimimili

    30s
  • Q9

    Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa na kung saan binago rin nito ang Sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay sa pagbabagong ito.

    Naging Malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pangongontrata lamang sa mga lokal na manggagawa.

    Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinakailangang pababain angsweldo ng mga lokal na manggagawa.

    Tumaas ang kalidad ng mga local na produkto sa pandaigdigang pamilihan kaya’t kinakailangan na mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga local na manggagawa.

    Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto, at serbisyo sa bansa kaya't kinakailangan ng mga world class workers.

    30s
  • Q10

    Sa pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?

    Maibaba ang presyo ng mgaproduktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

    Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis na dulot ng labis ng produksyon sa iba’t ibang krisis.

    Maipantay ang sweldo ng mgamanggagawang Pilipino sa ibang bansa.

    Makabuo pa ng maraming trabahopara sa mga manggagawang Pilipino.

    30s
  • Q11

    Ang mga maggagawang Pilipino ay nahaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa. Alin sa  mga sumusunod ang nagpapakita sa naturang pahayag?

    Kawalan ng sapat na kasanayan

    Job-mismatch

    Kontraktwalisasyon

    Kakulangansa Edukasyon

    30s
  • Q12

    Alin sa mga sumusunod ang mabisang gawin ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataon na mapaunlad ang kasanayang bokasyonal ng mga tao sa kanyang nasasakupan?

    Pagsasagawa ng mga seminars

    Pagpapalaganap ng Vocational Courses

    Pagpapatayo ng maraming paaralan

    Pagpapalawak ng mga Job-fairs

    30s
  • Q13

    Alin sa mga sumusunod nasitwasyon ang nagpapakita ng migrasyon?

    Bumibisita ang pamilyang Givenchy sa Mindanao para sa taunang family reunion.

    Iba’t ibang lahi sa buong mundoang nagiging kliyente ng BPO.

    Ang donasyon na galing sa Amerika ay ipinadadala sa Pilipinas para sa biktima ng bagyo

    Maraming refugee ang galing saSri Lanka ang tumawid papunta sa Australia dahil sa Civil War.

    30s
  • Q14

    Ano ang pangunahing dahilankung bakit maraming Pilipino ang gustong magtungo at manirahan sa ibang bansa partikular sa Estados Unidos?

    Mamuhunan at magtayo ng Negosyo para sa mas malaking kita

    Magkaroon ng malaking kita atmagandang buhay.

    Maranasan ang malamig na klima at magkaroon ng trabaho

    Maghanap ang mapapangasawa at magkaroon ng pamilya

    30s
  • Q15

    Naging isang malaking pamilihan ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa dahil sa malayang pagpasok ng mga imported products. Ang kalagayang ito ang unti-unting pumapatay sa maliliit na negosyo sa Pilipinas. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang small scale industry, paano ka makikipagkumpitensya sa mga dayuhang produkto?

    Bumuo ng isang Samahan ng mga maliliit na negosyante sa Pilipinas at hilingin sa gobyerno na ipatupad ang Guarded Globalization.

     Gumawa  ng mura ngunit de-kalidad na produkto atserbisyo.

    Humingi ng subsidiya sagobyerno para lumaki ang puhunan.

    Lumahok sa mga kilos proptesta para huwag papasukin ang mga imported na produkto sa bansa.

    30s

Teachers give this quiz to your class