placeholder image to represent content

Produksyon (module4-multiple choice)

Quiz by RAQUEL VIGILIA

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.

    Alokasyon

    Produksiyon

    Pagkonsumo

    . Distribusyon

    30s
  • Q2

    Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat bilang mahalagang salik sa paglikha ng produkto.

    Kapital

    Lupa

    Enterprenyur

    Lakas-Paggawa

    30s
  • Q3

    Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa nabuong produkto o serbisyo.

    . Lupa

    Kapital

    Lakas-Paggawa

    . Entrepreneurship

    30s
  • Q4

    Tinaguriang mga kalakal o kagamitan tulad ng makinarya o kasangkapan na nakakalikha ng iba pang produkto.

    . Entrepreneur

    Lakas-Paggawa

    Kapital

    Lupa

    30s
  • Q5

    Mahalaga ang lupa bilang salik ng produksiyon. Alin sa mga pangungusap ang magpapatunay sa kahalagahan nito?

    Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang tubig at yamang gubat na makukuha.

    Makukuha mula rito ang interes na ginagamit para sa ating ekonomiya.

    Nagbibigay ito ng serbisyo o produkto sa ekonomiya ng bansa.

    Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay kapital sa lakas-paggawa, nagbibigay trabaho sa entrepreneur at kinokunsumo ng kapital.

    30s
  • Q6

    Ang lakas-paggawa ay tinuturing na mahalagang salik ng produksiyon. Paano ito mapatutunayan?

    Walang silbi kung hindi ginagawa ng entreprenyur ang kanyang tungkulin

    Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng produkto.

    Nakasalalay dito ang sahod na maaring ibigay sa kapital para makabuo ng isang produkto.

    Pinagbabasehan dito ang dami ng oras para sa upa na ibinabayad sa lupa.

    30s
  • Q7

    Kung ang makukuhang kita sa lupa ay upa, sa entreprenyur ay tubo at sa lakas paggawa ay sahod, ano namang uri ng kita ang makukuha sa kapital?

    Sasakyan

    Sweldo

    Interes

    Makinarya

    30s
  • Q8

    Ang entreprenyur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng produksiyon. Anong katangian ang dapat niyang taglayin bilang may mahalagang gampanin sa produksyon?

    Dapat malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.

    Dapat magpakita ng mabilis na paggawa at may kakayahang pisikal.

    Dapat hindi nakasalalay sa interes ng kapital, upa sa lupa at sahod sa paggawa.

    Dapat isinasaisip ang apat na salik ng produksiyon.

    30s
  • Q9

    Ang salik ng produksyon ay mahalaga sa pang-araw araw na pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?

    Mas mahalaga ang salik ng produksyon sa salik ng pagkonsumo.

    Sa pamamagitan ng produksiyon nagagawa ng tao ang pagkokonsumo.

    Ang kita sa bawat salik ang produksyon ay ginamit sa pagbili ng produkto o serbisyo.

    Ang mga salik ng produksyon ay nakatutulong sa pagbibigay tulong sa mga tao

    30s
  • Q10

    Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang mga salik ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?

    Nakakabuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.

    Nagmula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital ang mga makinarya at sa entreprenyur ang abilidad na mapagsama ang mga salik ng produksyon.

    Nakakakuha ng tubo sa lupa, interes sa lakas paggawa, upa sa entreprenyur at sahod sa kapitalista.

    Nakakakuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa, at kapital

    30s

Teachers give this quiz to your class