Q1 ESP 2 Una at Ikalawang Lagumang Pagsusulit
Quiz by Christine Jerenlou Pedroso
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Kambal sina Elvin at Levin. Pareho silang magaling sa pagguhit ngunit may magkaiba silang katangian. Si Elvin ay maayos sa pagkukulay ng kaniyang drowing samantalang si Levin naman ay lampas sa guhit sa paglalagay ng kulay. Minsan sumali sila sa paligsahan sa pagguhit.
Ano ang kakayahang taglay ng kambal?
Pagguhit
Paglangoy
Pagpinta
300s - Q2
Sa iyong palagay sino ang nanalo sa paligsahan sa pagguhit? Bakit?
Dalawa sila dahil pareho silang magaling.
Si Elvin dahil masinop siya sa gawain.
Si Levin dahil mabilis siyang magkulay.
300s - Q3
Mahusay ka sa pag-awit, paano mo gagamitin ang talentong ito?
Kakanta ng awiting may masamang salita
Kakanta ng mga awiting may pagpupuri sa Diyos.
Kakanta ng mga awiting may masamang kahulugan.
300s - Q4
Ang iyong pangkat ay magtatanghal sa isang palatuntunan. Ano ang iyong mararamdaman?
Mahihiya
Mahihiya
Matutuwa
300s - Q5
Magaling kang sumayaw. Gusto mo itong ipakita sa iyong mga kamag-aral. Ano ang gagawin mo?
Sasayaw akong mag-isa na walang makakakita.
Gagalingan ko ang pagsayaw sa loob lamang ng bahay.
Sasali ako sa palatuntunan sa paaralan at gagalingan ko ang pagsayaw.
300s - Q6
Ano ang mararamdaman mo kapag isa ka sa mga nanonood ng kanilang pagtatanghal?
malungkot
masaya
maiinis
300s - Q7
Magaling kang sumayaw, paano mo ito pahahalagahan?
Tuturuan ko lang ang aking kaibigan.
Lagi akong sasali sa mga programa.
Sasali lamang ako kapag sasabihan ng guro.
300s - Q8
Ano ang dapat gawin sa talentong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?
Ipagmamalaki ko ngunit hindi magsasanay.
Magpasalamat sa Diyos at ipagyayabang ito sa mga tao.
Pauunlarin ko ang aking kakayahan at ikatutuwa ko na ibahagi ito sa iba.
300s - Q9
Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong angking kakayahan o talento?
Ipakikita ko na naiinis ako sa kanila.
Ipagyayabang ko ito habang tinuturuan ko sila.
Ibabahagi ko ito nang may kasiyahan sa aking puso.
300s - Q10
Bakit kailangan mong ibahagi sa iba ang iyong kakayahan o talento?
Upang mainggit sila sa akin.
Upang gayahin nila ako at pasalamatan.
Upang magpasalamat sa Panginoon at mapasaya ko ang aking kapuwa.
300s - Q11
Nalalapit na ang paligsahan sa pabilisan sa pagtakbo. Mabilis kang tumakbo. Ano ang iyong gagawin?
Sasali ka upang matalo ang iyong kaaway
Hindi mo ipapaalam na mabilis ka sa takbuhan
Sasali ka upang mas mapaunlad ang iyong kakayahan.
300s - Q12
Kailangan ninyong bumigkas ng tula para sa inyong mga guro. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
Magdadahilan kang nakalimutan mo
Magsasanay ka upang mapasaya ang iyong mga guro.
Magagalit ka sa iyong guro dahil ayaw mong bumigkas ng tula.
300s - Q13
May paligsahan sa pagguhit sa inyong paaralan at mayroon kang kakayahan dito. Sasali ka ba o hindi?
Hindi, dahil magaling ka na.
Oo, dahil gusto ng iyong kapatid.
Oo, upang mapaunlad ang iyong kakayahan at maibahagi ang talento sa iba.
300s - Q14
Ikaw ay may kahusayang taglay sa agham at teknolohiya paano ka makatutulong sa iba?
Sasali ka upang mas mapaunlad ang iyong kakayahan
Liliban sa klase dahil alam mo na ang aralin.
Hindi mo ipapaalam na magaling ka sa asignaturang ito.
300s - Q15
Nalulungkot ang pinakamatalik na kaibigan. Nais mo siyang mapasaya, ano ang iyong gagawin?
Lalayo at sasama sa masasayang kaibigan.
Gagawa ng paraan upang mas bumigat ang kaniyang damdamin.
Gagamitin mo ang iyong kakayahan upang mapasaya siya at mapawi ang kalungkutan na kaniyang nadarama.
300s