
Q1 ESP 5 MODULE 6&7
Quiz by Maribel Mella
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nalagyan ng tsek ng kaklase mo ang iyong maling sagot sa isang
aytem ng inyong pagsusulit. Ipinagtapat mo ito sa kanya.
Mahiyaing bata ang iyong katabi kaya hindi siya nakikisama sa kahit anong gawain
sa inyong klase. Paano mo ipahahayag ang iyong saloobin para makatulong sa
kaniya?
Nagpatawag ng pagpupulong ang inyong guro.Sinabi mo ito sa iyong ama ngunit
hindi siya nakadalo dahil nakalimutan niya ito.Masakit na masakit ang kalooban
mo.Paano mo sasabihin sa kanya ang iyong saloobin?
Nakita mo na nabasag ng iyong kapatid ang baso. Galit na galit ang nanay mo at
pinapaamin kung sino ang may gawa nito. Sinabi mo na ang kapatid mo ang
nakabasag. Tama ba ang iyong ginawa?
Napabalita sa telebisyon na paparating ang isang malakas na bagyo at madadaanan
ang inyong lugar. Nararapat bang ipaalam mo ito sa iyong mga magulang?
Bumili ka sa tindahan. Sobra ang biskwit na naibigay sa iyong tindera. Ano ang iyong gagawin.
Kitang-kita mong kinuha ng kaibigan mo ang pitaka ng inyong kamag-aral.
Ano ang dapat mong gawin?
Napadpad sa bubong ng inyong bahay ang saranggola ng batang naglalaro.
Gusto mo ring magkaroon nito. Ano ang gagawin mo?
Nagsabi ka ng totoo sa iyong guro nang tinanong ka niya kung
sino-sino sa mga kaklase mo ang lumabas ng silid-aralan na
hindi nagpaalam.
Sobra ang perang naibigay ng nanay sa iyo. Hindi mo na ito
 ibinalik sa kanya dahil may gusto kang bilhin.