Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    May mga nagsasabing may COVID-19 ang isang pamilya sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin? 

    Maniniwala agad sa nasagap na balita

     Ipagkakalat sa iba para iwasan ang pakikisalamuha sa kanila

    Maghihintay ng totoong balita mula sa kinauukulan

     Ipagwawalang-bahala ang naririnig na balita dahil malayo naman ito sa inyo

    30s
  • Q2

    Sa panonood ng telebisyon, alin ang dapat mong isaalang-alang? 

    Ang mga palabas na puwede lamang sa mga batang tulad mo ang iyong pinanonood

    Pinanonood kahit hindi angkop sa iyong edad tulad ng mararahas na eksena

    Ang mga sikat ngayon na palabas lamang ang iyong pinanonood

    30s
  • Q3

    Ano ang mabuting maidudulot ng paggamit ng cellphone? 

    Nagagamit ito bilang libangan sa buong araw

    Nakababasa rito ng mga balita o kuwento ng buhay ng ibang tao

    Nagagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamilya, kamag-anak at kaibigan

    30s
  • Q4

    Sa pagbabasa mo tungkol sa napapanahong isyu tulad ng COVID-19, may nabasa kang bagong salita na hindi mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang kahulugan ng salita at mapaunlad ang iyong kaalaman? 

    Hahanapin ko sa diksyonaryo ang kahulugan nito o magtatanong sa taong mas nakakaalam tungkol dito

    Tatawag ako sa aking kaklase at itatanong ito sa kanya

    Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para alamin ang tungkol dito

    30s
  • Q5

    Alin sa mga ito ang HINDI magandang dulot ng social media sa mga kabataang tulad mo? 

    Mabilis ang komunikasyon sa mga kagrupo gamit ang social media.

    Malaki ang naitutulong nito sa pag-aaral 

    May pagkakataon na makipag-chat sa mga hindi kakilala

    30s
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod ang magandang naidudulot ng pagbabasa ng dyaryo o pahayagan? .

    Nakakukuha ng mga impormasyon na maaaring maibahagi sa iba

    Ginagaya ng mga bata ang anumang nababasa rito

    Nakababasa rito ng mga kuwentong may karahasan

    30s
  • Q7

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutugon sa mapanuring pag- iisip? 

    Naiisa-isa mo ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo

    Nababasa mo ang isang balita tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas

    Naisasagawa mo nang sunod-sunod ang mga pamantayan sa tamang pagbabasa ng libro

    Naipaliliwanag mo nang maayos at may kumpletong detalye ang tungkol sa COVID-19 pandemic

    30s
  • Q8

    Sino sa mga batang ito ang nagpakita ng pagiging mapanuri? 

    Ikinakalat ni Gene ang anumang usapan nila ng kaniyang kaibigan kapag hindi niya ito kaharap

    Bago maniwala sa balita, inaalam muna ni Alma kung totoo ito o hindi

    Isinusumbong agad ni Raffy sa kanilang guro ang mga kaklaseng sa tingin niya ay nangongopya tuwing may pagsusulit

    Lahat ng nababasa ni Ana sa internet ay kaniyang pinaniniwalaan

    30s
  • Q9

    Bakit mahalaga sa isang batang tulad mo ang laging mapanuri sa iyong nababasa, naririnig o napanonood? 

    Upang dumami ang iyong mga kaibigan

     Upang maging maayos ang pakikitungo mo sa kapwa 

    Upang umunlad ang buhay mo 

    Upang tamang impormasyon ang makalap at matutuhan

    30s
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatutulong para malinang ang pagiging mapanuri? 

     Ang mga binabasa, pinakikinggan o pinanonood ay nagdaragdag ng kaalaman at naghahatid ng magandang aral

    Ang natatanggap na impormasyon ay sinusuring mabuti kung tama at totoo

    Hinihingi ang opinyon ng mga magulang, guro o mga taong mapagkakatiwalaan

    Ang sariling kagustuhan ang ginagawang batayan sa pagpili ng babasahin, pakikinggan o panonoorin

    30s

Teachers give this quiz to your class