placeholder image to represent content

Q1 ESP 9

Quiz by Julina Joy Berame Javier

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Ano ang Kabutihang Panlahat?

    Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

    Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.

    Kabutihan ng mga pangkat na kasapi sa lipunan

    Kabutihan ng lahat ng tao

    30s
  • Q2

    Ang buhay ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

    Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay

    Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa

    Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa

    Mali, may mga iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging lipunan

    30s
  • Q3

    Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit sa kabutihang panlahat maliban sa:

    Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad

    Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa nagagawa ng iba

    Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa  pagbabahagi para sa pagkamit nito

    Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan

    30s
  • Q4

    Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?

    Sa Lipunan, may malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad, ay mas maliit na pamahalaan.

    Sa Lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at  pagpapahalaga samantalang sa komunidad ang namumuno ang nagbibigay ng  direksyon sa mga taong kasapi nito.

    Sa lipunan, ang nagingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.

     Sa Lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin.

    30s
  • Q5

    Alin ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?

    Pagbibigay ng libreng Philhealth sa mga kwalipikadong benefeciaries na walang kakayang magbayad ng health insurance.

    Pagbibigay ayuda sa mga piling pamilya at indibidwal na nabibilang lamang sa low 

        income families sa gitna ng Covid-19 Pandemic.

    Pamamahagi ng libreng konsultasyon, gamot at tulong-medikal sa lahat ng mamamayan sa komunidad.

     Pagbabawal ng pagtanggap sa mga OFWs na nais bumalik sa kanilang probinsya sa gitna ng Covid-19 Pandemic sa hangaring maging ligtas ang ibang mamamayan.

    30s
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangiang panlahat?

    Pag-iwas sa pagtulong sa paglilinis sa barangay dahil nahihiya kang makita ng mga kakilala mo

    Pakikiisa sa proyektong paglilinis

    Tutulong kung marami kang kasama

    Tutulong kung may kapalit na bayad

    30s
  • Q7

    Ang tunguhin ng Lipunan ay kailangan pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:

    Tama, dahil sa ganitong pagkakataon matitiyak na makakamit ang tunay na 

        layunin ng lipunan.

    Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan

    Mali, dahil ang bawat indibidwal ng ating lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.

    Mali, dahil may iba’t ibang katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal

    30s
  • Q8

    Siya ang nagwika ng “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang nagawa mo para sa iyong bansa.”

    Santo Tomas de Aquino

    Bill Clinton

    Aristotle

    John F Kennedy

    30s
  • Q9

    Alin ang HINDI mabuting katangian ng makatarungang lipunan?

    Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba

    May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao

    Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain

    Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay

    30s
  • Q10

    Sa anong paraan natin mapapalago ang ating kakayahan sa pakikipag-ugnayan upang magkaroon tayo ng matiwasay na lipunan?

    Kumustahin at makipagtalastasan sa ating kapwa upang magkaroon ng maayos na lipunan

    Huwag makikiusap sa mga tao sa pamayanan

    Hayaan na lamang ang mga tao na sila lang ang makipag-usap

    Iwasan ang mga taong nakikita sa lipunan

    30s
  • Q11

    Piliin ang HINDI elemento ng Kabutihang Panlahat.

     Paggalang sa indibidwal na tao

    Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

    Kapayapaan

    Katiwasayan

    30s
  • Q12

    Ito ay naglalarawan na umiiral ang Kabutihang Panlahat.

    Pagbibigay ng prayoridad sa mga kilalang indibidwal lamang upang mahikayat na tumulong sa mga mahihirap

    Sinusunod ang desisyon ng nakararami

    Ang kilos ng isang indibidwal ay nakabatay sa puso at pagmamalasakit sa kapwa.

    Pagsakripisyo ng buhay ng isang bilanggong nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo upang subukan ang gamot sa kabutihan ng nakararami.

    30s
  • Q13

    Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohanan na…

    Lahat ay pwedeng maging mayaman

    Lahat ay nilikha ng Diyos

    Lahat matalino at may kakayahan

    Lahat ay dapat na mayroong pag-aari

    30s
  • Q14

    Alin sa mga sumusunod na proyekto ng isang mag-aaral sa Baitang 9 na nagpapakita ng pagtugon sa pangangailangang pangkapayapaan sa pamayanan

    Panghihikayat sa mga kabataan na sumali sa mga paligang pang-isport

    Pag-oorganisa ng isang frat o gang

    Pag-oorganisa ng isang feeding program

    Pagtulong sa mga kabataang hindi nag-aaral upang magtrabaho

    30s
  • Q15

    Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?

    Pamilya

    Pamayanan

    Komunidad

     Lipunang Pulitikal

    30s

Teachers give this quiz to your class